MY LIFE

2535 Words
CHAPTER TWO -Zandro- “Mommy, mommy, mommy,.” mga sigaw na nagmumula sa batang nakatayo sa gitna ng isang kagubatan na patuloy ang iyak at pagtawag sa kanyang ina. Ngunit ni isang tinig ay wala s’yang narinig mula dito, dala na rin ng gutom at pagod ay hinid na n’ya kayang muling maglakad o umalis man lang kanyang kinaroroonan kaya naman nanatili na lang muna siya doon at dinama ang lamig na nagmumula sa hangin ng kalikasan. Natatakot man ay pinipilit n’yang lumaban at maging lakas na palaging sinasabi ng kanyang mga magulang, at alam n’ya na rin na bilang isang De Lana ay hindi maaaring makaramdam ng kahit na anong pangamba mula sa kanyang paligid. Subalit paslit pa lang siya at ganon na lang din ang takot na meron siya. Alam n’yang nalalapit siya sa isang panganib kaya pilit pa rin niyang nilalaban ang takot na meron ang kanyang dib-dib. Hanggang sa tuluyan na s’yang nawalan ng malay at bumaksak sa damuhan na kanyng kinaroroonan at dahil na rin sa wala siyang kakayahan na bumangon at humingi ng tulong ay nanatili nalang muna siya doon at inaantay na meron tutulong sa kanya at iaalis siya sa ganoong klaseng lugar na labis n’yang kinatatakutan. Hinihingal na naman akong nagising sa babaw ng sariling kong kama, dahil muli ko naman napaniginipan ang isang bagay na matagal ko na sanang gustong kalimutan o alisin sa aking isipan, subalit ayaw mawala nito at sa kapag gabi na dumaraan ay bumabalik lang ito sa aking gunita kahit hindi ko na namn ito iniintindi pa. Ganon daw talaga kapag natroma noong bata dahil maaaring dalhin ko iyon hanggang sa aking paglaki, pero tulad nga ng sabi ng aking ama noon ay “Walang De Lana ang kailan man ang sumusuko sa laban” iyan na lang ang tanging naaalala ko sa tuwing ang aking ama naman ang aking maiisip. Hindi biro ang pinagdaanan ko noong bata pa ako kaya naman talagang hanggang ngayon ang takot na yon ay dala-dala ko san man ako magpunta o makarating. Ako ang batang nasa panaginip at ang kasama ko noon sila Mommy at Daddy ng maaksidente kami at sa loob ng kagubatan ay napahiwalay ako sa aking mga magulang, at dahil alam kong una kong makikita ni Daddy ay pinilit ko na lang din na hanapin ang aking ina. Dahil alam kong may tama ito at maaaring manganib ang buhay ng aking mahal na ina. Ngunit ang panaginip na iyon ay isa na lang sa aking ala-ala sadyang hindi na umaalis at mukhang habang buhay na rin sa aking pagkatao. Ilang taon na rin ang nakakaraan at malaki na rin ako ngayon, buo ang loob ko sa maraming bagay kaya naman sa tuwing maiisip ko ang kahinaan ko noon at naiinis ako sa aking sarili, dahil sa hindi ko nagawang lumaban. Napaisip na lang ako at napatingin sa ligaw ng buwan na makikita sa aking kuwarto, napapailing pa ako dahil alam akong kahit anong gawin ko ay magiging ala-ala iyon para sa aking mga magulang. Paslit man ako noon ay sariwa sa aking ala-ala ang lahat at hindi niya magawang kalimutan ang gabing minsan siyang nawalan ng mga mahal sa buhay ng dahil lang sa mga taong nais pabagsakin ang kanilang angkan o ang organization na hawak ng kanyang ama. “I miss you, Mommy,” Nasa tinig ko na lang sa aking isipan bagong ako bumangon sa kama at mag tungo sa loob ng banyo, para ayusin ang sarili at naisipan ko na ring bumaba dahil sa nakakaramdam na rin ako ng gutom at ito rin ang oras na alam akong wala mga tao sa loob ng mansion at lahat ay nasa kani- kanilang mga kuwarto kung saan ang mga ito ay nagpapahinga na rin. Hindi na rin ako nag-abalang magsuot ng damit at nakatapis lang din ako ng tuwalya sa pang-ibabang parte ng aking katawan, alam ko naman walang tao at walang gustong sumubok na pumasok sa mansion ng ganoong oras, dahil sa rules na binigay ko sa aking mga tauhan na nagtatrabaho sa akin. Dahil ang lumabag sa aking kautusan ay malaking parusa ang matatamo, o maaaring buhay oras na mapatunayan kong malaki ang naging kamaliian nito. Kaya naman ganon na lang ang naging takot sa akin ng lahat na tauhan na meron ako maging sa loob at labas ng mansion. Darecho ako sa loob ng kusina para dun na rin kumain, alam ko na rin naman ang mga bagay na kailangan kong gagawin dahil naihanda na ito ni Nana Mila, isa itong kasambahay at matagal na rin nagtatrabaho sa aming pamilya na mula pa sa aking mga lolo’t lola. Kaya ito lamang ang nag-aayos ng aking pagkain dahil hindi lingid sa aking kalam na marami ang gusto akong patayin dahil sa hawak at lawak na pag-aari nga aming angkan, at ako lang din ang nag-iisang tagapagmana na halos alam na rin ng mga kalaban ko sa underground. Hindi ko na rin muna binigyan ng pansin ang pagkamatay ng mga ito dahil may alam din ako na hindi alam ng karamihan, at ayokong ilabas muna ang mga ito sa karamihan at hahayaan ko silang lahat sa kung ano lang ang alam nila ng sa ganoon ay makakilos pa ako ng tahimik at magawa ang mga bagay na dapat kong gawin. Nasa ganoon akon pag-iisip ng may narinig akong kumaluskos mula sa gilid ng kusina. Nakaramdam ako ng pangamba kaya sinilip ko ang pinamulan ng ingay na yon. Sumulip ako sa isang pader na pintuan na ako lamang ang nakakaalam isa yong pintuan na kakulay ng pader sa kusina kaya hindi pansin na isa itong pinto kung hindi ito mabubuksan. Maraming sekretong pinto ang buong mansion at kung hindi mo rin ito kabisado ay maaaring mapunta sa kuwarto na kinatatakutan ng karamihan, dahil doon ko minsan pinarurusahan ang mga tauhan kong nahuhuli kong nagtatraydor sa akin. Kunertado ito sa likod ng kusina at mula dito hindi ka agad makikita dahil sa mga halamang nakapalibot rin dito. Nilabas ko ang kalahating katawan ko para sumilip ngunit ni anino ay wala akong nakita nilibot pa ng aking paningin ang buong lugar, ngun’t isa man ay wala akong natanaw na kahina-hinala. Subalit pabalik na ulit ako sa kusina ng mahagip ng aking mata ang isang babaeng nakatayo sa gitna at nakatingala sa kalangitan na animoy nagdarasal. Hindi ko gumawa ng kahit na anong ingay para hindi rin ako mapansin ng dalaga, hanggang sa nakita kong naupo ito sa isang upuan na malapit lamang sa akin. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha nito at baka kilala ko ang babae ngun’t isang sadyang hindi ko ito kilala o maging pamilyar man sa aking paningin. Hanggang sa kabahan ako ng masilayan kong mabuti ang maganda nito mukha na parang ayaw umalis din ng aking mga mata dito, ibang kaba ang nararammdaman ko mula sa dalaga pero hindi panganib ang nakikita ko dito kung di isang masayang pakiramdam na ngayon ko lang din naranasan sa buong buhay ko. Napapangiti pa ako habang nakatingin sa mukha nito animoy angel na nakangiti rin sa akin. Mas lalong wala akong nagawa ng tumingin ako sa mga mata nitong malungkot at alam kong galing sa pagkaiyak, gusto ko man itong lapitan at tanungin ay hindi ko magawa dahil alam kong ikakatakot iyon ng dalaga at baka kung ano pa ang isipin nito sa akin, at isa pa ay wala akong saplot na damit kaya naman napahinga nalang ako ng mahina ng mapagtanto ko ang lahat. Hanggang sa sumagi sa aking isipan kung sino nga ba ang babaeng nasa aking harapan, ito pala ang bagong kasambahay at nakita ko na rin pala ang dalaga na kasama ni Nana Mila kanina ng dumating ito galing sa pamamalengke. Wala kasing makatagal na katulong dito sa mansion dahil lahat ng naninilbihan dito ay hindi marunong sumunod sa mga pinag-uutos ko at kung minsan ay sinusubukan pa akong akitin ng mga ito para lang lumabas ako ng kuwarto at patulan ang kanilang mga kalandian na hindi ko naman gawain. Pero alam kong galing ang mga ito sa kalaban ko sa labas kaya hindi tumatagal ng bente kuwtro oras ay pinaaalis ko na ang mga ito at iyon ang isang bagay na hindi alam ni Nana Mila sa lahat ng katulong na ipinapasok nito. Akala ng iba ay sobra akong istrikto pero hindi ni alam na laging nasa panganib ang buhay ko kaya kailangan ko lang na mas maingat dahill kung hindi baka wala rin ako dito sa mundo. Muli kong tinignan ang dalaga ngunit nakapikit na ito at makikitang dinadama nito ang sariwang hanggin sa labas at nararamdaman ko ang malamig na hangin dahil sa pintuang naka awang. Ilang sandali pa ay tumayo na ito at pumunta sa daan kung saan naroroon ang mga kuwarto ng mga taga silbi dito sa mansion. Nang umalis na ito ay tinuloy ko na lang ay balak kong pagkain ng sa ganon ay makabalik na rin ako sa kuwarto at makipagpahinga at marami pa akong dapat ayusin bukas. Sinikap kong matulog at ipikit ang aking mata ngunit mukha ng dalaga ang nakikita ko, hindi s’ya mawala sa isipin ko nagtataka man ay minabuti ko paring matulog dahil hindi ako maaaring mapuyat dahil sa trabahong dapat kong tugunan sa loob at labas ng aking office. “Yes, I have work tomorrow, why?” Tanong ko kay Khen sa kabilang linya, hindi ko alam at bakit ito tumawag sa kalagitnaan ng gabi, peroa alam kong ng nangiinis lang ito sa akin. Pinsan ko ito subalit sadyang malakas itong mang-asar lalo na kung may mga babae ang gustong makipagkita sa akin subalit ayoko, dahil ayokong gumagamit ng babae para lang sa panandalinang aliw na kaya nilang ibigay sa mga lalaki pagdating sa kama. Mataas ang paninidigan ko pagdating sa mga babae, ayokong basta-basta lang o kung saan lang galing na pamilya, mas gusto ko pa rin ang babaeng malinis at may karapatang iharap sa altar para maging asawa ko sa tamang panahon. Suplado man akong maituturing ay wala akong pakialam dahil ito at kung hindi nila tanggap yon, wala rin akong pakialam sa kung ano ang gusto ng mga ito para sa akin. Alam ko naman na darating ako sa ganoong tagpo pero hindi ko pa talaga nakikita ang babaeng nakalaan para sa akin. At oras na makita at makilala ko ito ay hindi ko hahayaan na iwan ako nito ng ganon-ganon lang. Maaga rin akong umaalis ng mansion at laging may suot ng maskara sa tuwing pupunta ng opisina ko. Sanay na rin naman ang mga tauhan ko sa akin kaya ayos lang kahit ganito ako pumorma at isa pa ako pa rin ang boss ng lahat kaya naman wala silang karapatan na magtanong sa akin o magsabi ng mga bagay na hindi at pwde kong gawin sa buhay ko. Ibinababa na rin Khen ang tawag nito ng malaman nito darating ako sa office. Kinabukasan ay maaga nga ako at habang abala ko sa pagbabasaa ng maraming dokumento ay biglang tumunog ang telephone na malapit lang naman sa akin. “Yes,” Malamig na sagot ko dito sa aking secretary, habang ang aking mata ay nakapokus sa binabasa kong proposal na pinadala kanina sa email ko ng isa ko pang tauahan na nasa Italy naman. Marami akong business at lahat ng yon ay kaya kong hawakan, maging sa pagiging mafia man yan o sa isang negosyo na meron din ako ngayon. Ito rin ang isang bagay na ayokong ginawa ng mga tauhan ko ang istorbohin ako ng mga ito habang may binabasa akong mga papel. “Sir, sorry po! but you have a lunch meeting to Mr. Rosales and Mr. Tamora.” Magalang at kinakabahan na sambit sa akin. Napataas naman ako ng tingin at napahinto rin ako sa aking pagbabasa, napa-isip din ako kung magiging mahalaga ba ang meeting ko sa dalawang yon na wala rin naman ginawa kung di abalahin ang trabaho. Alam kong malalaking tao rin ang mga ito at matagal na rin humihingi ng appointment ang mga ito sa akin na hindi ko agad na pagbibigyan. “Ok,” Walang buhay kong sagot dito at saka binababa ko na lang ang tawag, napabuntong hininga pa ako dahil naabala naman ng mga ito ang pagbabasa ko. Ayokong nakiki-pagusap ng matagal sa mga babaeng alam kong mahilig mang-akit o kunin ang attention ko, subalit masasabi kong masuwerte ako sa naging secretary ko ngayon dahil alam kong wala itong intension na akitin o ipakita nitong may gusto s’ya sa akin ang secretary ko dahil nalaman kong may asawa’t-anak na ito kaya naman napanatag na rin ang kalooban ko dahil wala akong mapapaslang na babae. Tulad kasi sa mga nagiging kasambahay na nakukuha ni Nana Mila, ay marami din dito ang gustong maging secretary ko ng sa ganoon ay mas mapalapit pa sila sa akin. Pero matalas ang pakiramdam ko at unang araw pa lang ng mga ito aya alam ko na agad kung kalabam man ito o hindi. Ngun’t ganito lang siguro ako sa kanila maliban na lang siguro kung si Karen ang aakit sa akin, at baka bumigay pa ako. Hindi ko maintindihan pero alam kong panatag ako kung makakasama ko s'ya. And "Yes, I know her” Hilim naman akong napapangiti habang inaalala ko ang nangyari kanina bago pa man ako makarating sa office ko. Nagtxt ko kay Nana Mila at tinanong ko kung sino ung dalagang nasa labas kagabi ng bumaba ako para kumain. Matagal ang naging reply n’ya sakin kaya naman tinawagan ko na ito at narinig ko pang pinagagalitin ang dalaga, sinabi ko na lang kay Nana Mila na pagsabihan na lang at wag paalisin, kahit ako ay nalito sa mga lumalabas sa bibig ko habang kausap ni Nana Mila thru phone. Ngunit wala naman akong naramdamang kahit na anong galit sa sarili kadalasan kasi kapag ganito ay galit na ako at basta ko nalng ibababagsak ang phone ko sa mesa sa loob ng office. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at ang buoang akala ko ay ang secretary ko. Magsasalita na sana ako ng makita ko ang nakangising mukha ni Khen ang first cousin kong wala din pakiaalam sa mundo, at kung tutuusin at wala rin naman pakialam sa drama ng ibang tao. “What are you doing here?” Irap kong tanong dito habang inaayos ko sa mesa ang mga papel na dadalhin ko ng sa ganoon ay sa library ko na lang sa mansion ko ito babasahin oras na hindi agad ako makabalik mamaya dito sa office. Lunch time ang meeting ko pero kilala ko na rin naman ang mga taong makakausap ko at alam kong magagawa kong hikayatin ang mga ito na invest sa bagong hotel at restaurant na aking pinatatayo sa Dubai. Lumapit sa akin si Khen at pinakatitigan ako ng nakangiti pa ang loko. Hanggang sa naghikab ito at nahiga sa sofa at humalikhip sa braso habang nakapikit. “I have an important meeting today, Khen? At pwde ba hindi kuwarto ang office ko para lang higaan at tulugan mo?” Asar na salita ko dito, bahala s’ya sa gusto n’yang gawin basta umalis na siya, nakakaloko kasi panay ang ngisi akala mo parang baliw na nakakakita ng kung ano sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD