CHAPTER THREE
-Zandro-
Maloko talaga ang pinsan kong itong, hindi na lang nakontento sa loob ng office eh, sumama pa talaga sa lunch meeting ko, hindi na rin nito pinasama ang secretary ko dahil s’ya nalang daw muna ang sasama sa akin at darecho na raw kami ng uwi dahil dun daw s’ya mag stay sa mansion ko hinayaan ko na lang dahil alam ko naman na hindi ito magpapaawat sa akin, ano naman kaya ang nakain nito at sumama sa akin pauwi? kipit-balikat na lang ako dito at ayong magsayang ng oras pa at madami akong iniisip. Bago pa man ako makapasok sa isang private room ng restuarant ay nakahanda na rin ang lahat doon, sa likod ako dadaan para walang makakita sa kin na kahit na sinong tao, akin din ang buong lugar kaya madalas ay dito ako nakikipagmeet sa mga client kong gustong makipagmeet o makipagtransact sa akin.
Nasa gitna kami ng meeting ng may dumating na isang dalagang at ang tansya ko ay kasing edad lang namin ng pinsan ko. Humalik ito sa pisngi ni Mr. Rosales at nalaman kong anak niya itong kararating lang. Girlie, ang pnagalan nito at habang nakakausap kami ng ama nito ay panay ang tingin nito sa aming dalaea ni Khen, at ang sabi nito ay classmate kami ng high school until college daw, pero hindi ko o s’ya malala at hindi ko rin s’ya kilala. May sinabi pa itong school at doon nga ako nagtapos ng pag-aaral nguni’t ni isa sa mga sinabi nitong nangyari sa aming dalawa sa campus ay wala talaga ako maalala. Habang tumatagal ang aming usapan ay napupunta na rin sa pag-aasawa ni Girlie at halatang nirereto silang mag-ama sa akin, pero wala naman akong pakiaalam dun, sa suot palang nito alam ko ng marami na itong karanasan kahit sabihin pang hindi pa ito ng kaka boyfriend pero hindi ako naniniwala dun kahit papaano may alam ako sa katawan ng isang babae alam ko ang virgin at o hindi na kaya, napapangisi na lang itong pinsan kong si Khen sa tabi dahil sa pinagsasabi ng ama nitong malungkot ang pagkakasabing baka wala ng lalaki ang magmamahal sa anak n’ya.
Gusto ko masuka sa mga pinagsasabi at binabuti ko na lang muna ang manahimik ng sa ganoon ay matapos na rin ang usapan na ito at ng makaalis na rin ako sa harapan ng mag-amang ito na hindi ko na rin gusto ang ginagawa. Mabuti na lang at natapos na ito at nagclose deal na rin ang lahat ng kailangan ko, sa mga tauhan ko na rin ipapasama ang mga ito dahil ayoko na muling maincounter ang ganitong klaseng tao. Nauna na akong tumayo matapos makipagkamay sa mga ka meeting ko at walang lingon-lingon na iniwan ko ang mga ito. Alam ko namang nakasunod sa akin si Khen at may mga tauhan akong nagmamasid sa bawat galaw at lakad ko, nakatago lang sila dahil ayokong may asong sunod ng sunod sakin.
Full training din ang lahat ng assassin na nakabantay sa akin sa loob ng bente kuwatro oras, mula pa silang lahat sa Daddy ko at organization na pinamumunuan ko nagyon. Kaya kahit papaano ay tiwala akong lumabas kahit walang bodyguard. Nasa beyahe na kami at nasa loob ng kotse ng may biglang putok ng baril ang narinig namin, nag radio agad si Khen sa kabilang sasakyan kung san galing ang putok ng baril.
“King anong nangyayari?” Tanong ni Khen sa tauhan kong nakasunod sa amin. Samantalang ako ay komportable sa aking upo at hindi alintana ang magiging panganip na meron kami ngayon. Sa totoo lang din ay hindi ako takot sa kahit na sino pa ang makaharap namin ni Khen dahil alam kong kaya namin silang labanan kahit pa sabihing mano-mano ang magiging labanan ay magagawa ko silang patumbahin lahat.
“Boss may kalaban pong nakasunod sa atin, hindi pa po namin alam kung kaninong grupo ang mga ito dahil hindi rin po pamilyar sa amin ang kanilang mga katuhan. Pero wag po kayong mag-alala kasi kaya po namin sila mailigaw, boss. Demarcho na po kayo sa mansion at kami na rin po ang bahala sa mga hayop na ito.” Sagot ni King, kay Khen, hindi naman ako nag-aalala dahil sa sanay ang mga ito sa ganitong labanan at bulletproof ang lahat ng sasakyan na gamit ko kaya kahit papaano at panatag pa rin ako na hindi nila kami masasaktan, ipinikit ko na lang ang mata ko at dinama ko ang mga naririnig kong putukan. Ngunit isang mabilis na pagsabog ang nagpabalikwas sa akin dahil sa lakas ay muntik na ring tumaob ang sasakyan ko mabuti na lang at magaling ung driver ko at nakabig n’ya kaagad ung manubel at mabilis itong humarurot hanggang sa makaalis na kami sa lugar na yon at napansin kong wala na rin ang sumusunod sa amin.
“Shitttt” Malakas na sigaw ni Khen habang hawak ang cellphone at may binabasa ito. Masama ang mukha nito at parang gustong pumaslang ng isang taong hindi pa man nito nakikita, tumingin naman ako dito dahil kilala ko ang isang ito at alam ko ring hindi ito titigil hangga’t hindi nito nalalaman ang nasa likod na ginawang pagumbush sa amin ngayon. Malupit din kasia ng ito at kung tutuusin ay masasabi kong magaling rin ito mamuno ng isang organization na binigay ng aming Lolo Jacinto.
“What happened couz”? Walang buhay kong tanong dito, at saka nagpokus na lang ako sa pagtingin sa labas ng bintana dahil ayoko pa sana ngayon isipina ng bagong problema dahil sa nakakaramdam na rin ako ng pagod.
“Mukhang kilala ko na rin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito, couz.” Makahulugan nitong sagot sa akin at nakita ko rin napakuyom ito ng kamao dahil sa galit na meron ito ngayon. Maloko sa ibang bagay ang pinsan kongi to pero iba ito pagdating sa ganitong sitwasyon at alam kong walang nakakapigil dito hanggang’t hindi nito napaparusahana ng may gawa nito sa aming dalawa. Lalo pa kapag nalaman nitong mga mga tauhan kaming nasawi o nagkaroon ng malalang sugat ng dahil sa naging labanan na ito.
“Mr. Tan and Mr. Yuri sila na lang ang naiwan na kalaban nila Daddy at Lolo, kaya tiyak na sila rin ang may kakagawan nito.” Maikling sagot ko dito at saka muling pumikit dahil naiinis na talaga sa mga kalabang ayaw ako tigilan. Wala na rin ang mga magulang ko pero ayaw pa rin nila akong tigilan napupunyos ang galit ako gusto ko na lang sila ipakuha at basta na lang gilitan sa leeg ng sa ganoon ay matapos ang lahat ng ito na ganon lang din kadali. Ngun’t alam akong hindi rin iyon ganon katadi dahil sa malalaking tao ang makakabangga namin at kailangan pa rin naming mag-ingat ng sa ganoon ay walang madamay na inosenteng mga tao.
“Sa tingin ko ay mali ka sa pagkakataong ito Zandro.” Pagkumperma na sagot nito sa akin na mabilis kong ikinalingon dito. Tumingin din ito sa akin na may ibig sabihin kaya naman napakuno’t pa ang aking noo dahil naguguluhan ako sa gusto nitong iparating sa akin. Samatalang wala akong maisip na ibang kalaban nagagawa nito sa amin.
“Gaano mo kakilala si Mr. Romeldo Suarez?” Tanong n’ya sakin na naipinagtaka ko ng malaki dito. Dahil sa ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan na ito dahil sa ang totoo ay hindi ko kilala ang lalaking ito at wala akong naging transaction sa taong sinasabi nito. Once ko lang narining ang pangalan nito noong minsan akong nagpunta sa isang mask party na ginanap noon sa isang hotel na pag-aari ng iba ko pang mga pinsan na nakabase sa ibang bansa. At dahil sa wala akong pakialam sa kung sino ito ay hindi ko rin inalam pa kung sino nga ba ito at kung ano ang kaya nitong gawin.
“Hindi ko siya kilala. Bakit, Khen?” Patanong ko ring sagot dito at pinakatitigan ko rin ito sa kanyang mata, dahil alam kong may nais itong sabihin na kami lang muna ang nakakalam. Si Khen ang tipo ng taong walang sinasanto, sa totoo lang ay masuwerte ako dahil sa naging pinsan ko ang mokong na ito, dahil sa ito ang unang nagtatanggol sa akin kapag alam nitong nasa panganib ako at kapag hindi ko kayang gawin ang ibang bagay. Kahit pa sabihin
“Kung hindi mo kilala ang hayop na yon, puwes ako ang kikilala sa kanya
+.?” Seryosong salita nito at may tinawagan gamit ang iba pa n’yang phone. Hindi ko nalang ito pinansin pa dahil naguguluhan na ako sa mundong ginagalawan ko gusto ko ng matapos ito at magkaroon ng simpleng pamilya, pero paano ko gagawin kung sinusundan ako ng panganib, ayokong madamay ang bubuuin kong pamilya ng dahil sa organization na minana ko sa mga magulang ko. Nasa ganon akong pag-iisip ng magsalita muli si Khen at sabihing narito kami sa mansion, nagulat pa ako kasi nakita kong maraming sugatan na dinadala sa basement, doon kasi nakalagay ang mga gamot at maaaring gamutin ang sugatan roon. May doctor at nurse din ako sa mansion ko at lahat sila ay tauhan ko rin, kaya alam kong malulunasan ano man ang magiging kalagayan ng tauahn ko.
Agad akong pumunta sa kuwarto dahil ayokong makita ako ng mga katulong ngunit hindi nakaligtas sa mata ko ang nakitang pag-aalala ni Karen at alam kong sa akin s’ya nakatingin, marahil ay nalaman na n’ya ang nangyari kaya ganon ang kanyang pag-aalala. Napailing nalang ko hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman lalo pa ay mabilis ang t***k ng aking puso sa tuwing makikita ko ito. Gusto kong malaman ang lahat ng nangyari at kung sino ang bagong kalaban na Mr. Suarez? Pagkatapos kong mag-ayos ay naabutan kong si Khen na nakahiga naman sa sofa ko dito sa loob ng liblary, ang hilig talaga matulog ng gagon’g to pero alam ko namang gising ito.
“Now tell me who Mr. Suarez?” tanong ko dito dahil alam kong may idea na ito kung sino ang gagon’g yun na tumangbang sa amin kanina, at kung hindi ganoon kagaling ang mga tauhan ko ay maaaring napahamak na rin kami ng tuluyan. Naupo ito uminom muna ng kape bago muling magsalita.
“Sa tingin ko bagong kalaban at gusto ka rin alisin sa mundo, couz.” Darechong salita nito na ikinakuyom ng aking kamao. Sina-sabi ko na nga at bagong kalaban na naman hanggang kailan ba sila matatapos nakakasawa na rin at nakakapagod na palagi na lang nakikipaglaban sa mga taong ni sa pangalan ay hind imo rin kilala.
“Paano mo nalaman na siya ang umatake sa atin kanina, at ano pa ba ang nalalaman mo sa Mr. Suarez na sinasabi mo?” Balik na tanong ko dito at saka ako tumayo para nagpunta may veranda kung san gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.
“Ayon sa tauhan kong nasa loob ng organization nito ay isa daw itong kinatatakutan na mafia lord na kagaya ng iyong ama, sa tingin ko rin ay naincounter mo na rin ang Mr. Suarez na ito at hindi mo lang nakilala. Base sa mga nalaman ko rin ay hindi madaling matalo ang g*go na yon dahil halos pantay lang kayo ng yaman at malawak lang din ang koneksyon nito na tulad sa atin, kaya sa ngayon ay nahihirapan pa ang iba ko pang tauhan na alamin pa ang tungkol dito dahil na rin sa pagiging mahigpit nito sa lahat ng bagay. At alam mo bang may koneksyon siya kay Mr. Rosales, ninong pala ni Girlie si Mr. Suarez kaya malamang ay may kinalaman din dito ang mag-amang na gusto ka ring makuha.?” Mahabang paliwanag nito at tumabi na rin sa akin at tinatanaw rin ang mga tauahan kong nagbabantay sa buong paligid. Hanggang sa bigla na lang ito nag mura at namamadaling umalis at bumaba, ilang sandali pa ay nakita ko na itong may hinilang babae sa bandang pool nagtaka man ay hindi ko na lang pinansin kilala ko ang pinsan ko pagdating sa babae, pero sa pagkakaalam ko ay may hinahanap itong isang babaeng kinaiinisan nito at hindi ko alam ang dahilan.
Habang napapainom ko ng alak ay nagpasya na akong bumalik sana sa kuawrto ngunit biglang bumukas ang pintuan at dali-dali akong nagtago sa isang kurtinang makapal na alam kong hindi ako makikita kung sino man ang pumasok dito. Tahimik pa akong sumilip at nakita ko ang mukha ni Karen na palinga-linga sa paligid, nagmasigurado na n’yang walang tao ay nagligpit na s’ya at inayos ang mga papel sa ibabaw ng table ko nakita niya ang picture ko na nakapatong dun. Kinuha niya yun at pinunasan nakita kong napangiti s’ya habang pinagmamasdan ang litrato ko medjo bata pa rin ako sa naging picture don, nagtataka pa ako sa ginagawa nito subalit natutuwa naman ang aking puso dahil sa ngiting pinakikita nito ngayon kahit pa picture pa lang ang nakikita nitong istura ko.
“Sana po ay maging mayos ang pakiramdam n’yo Senyorito Zandro, kasi po nag-aalala po talaga ako alam kong mabuti kayong tao kaya po sana ay magpagaling na po kayo at ipagdarasal ko palagi ang inyong kaligtasan ng sa ganoon ay mas marami pa po kayong matulungan na tulad ko, salamat din po pala dahil hindi n’yo kami pinaalis ng pinsan kong si Camille. Sa totoo lang po ay labis akong natatakot ng malamang nakita n’yo ako ng gabing yon, mabuti na lang po ay hindi n’yo kami pinaalis ay binigyan pa po ng isang pagkakataon na magkapagtrabaho dito sa mansion n’yo. Salamat po ulit Senyorito Zandro, at hangad ko po ang inyong kaligayan sa araw-araw na lilipas.” Mahabang sambit nito at pinakatitigan ang picture ko, hindi ko na rin naisip na wala pala akong mask sa picture na yon at malamang na nakita na rin nito ang aking mukha, at kung gaano ako kagwapo sa paningin nito.
Inayos pa nito ang pagkakalagay ng picture frame sa ibabaw ng mesa ko at naglinis na rin sa loob ng library ko, nakikita kong masayahin itong dalaga at alam ko na rin ang buong pagkatao nito dahil sa pinaimbistigahan ko ang lahat ng tungkol sa magpinsan ay nalaman kong muntik na rin itong maibenta sa club kung saan nagtatrabaho ang mga babaeng mabababa ang lipad. Nagalit pa ako dahil kung hindi pala ito tumakas sa kanyang Tiyuhin na sugarol at hindi ko ito makikilala at maaaring nagpagsamatalahan na rin ang kainosentihan ng dalawang dalaga. Halos mapaslang ko ang Tiyuhin nito ng malaman ko ang ginawa nito sa kanyang mga pamangkin at hindi ko magagawang patawarin ang ganitong klaseng tao kahit pa sabihing kadugo ito ng babaeng nagpapasaya sa akin ngayon. Mali man ang ginawa ko ay inisip ko na lang din na tama iyon dahil sa pagpapahirap nito sa dalawang taong wala man talaga kasalanan. Ilang sandali pa ay lumabas na ito dala ang tray na pinaglagyan ng kape ni Khen kanina at mukhang nakilala na rin ito ng pinsan kong yon. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko at ang bilis ng kabog ng dib-dib ko.
“Ngayon lang ako nakarinig nagpaalala galing sa ibang tao bukod kay Nana Mila, ang sarap pala sa pakiramdam na may nag-aalala sayo at nagdarasal ng kaligtasan ko” Mariing sambit ko saking sarili, kasabay ang pasilay ng ngiti sa aking labi.
“I want to know everything about this girl and I want her to be my future wife”. Bulong ko sa aking sarili, napapakamot pa ako sa aking batok dahil sa pinipigilan ko ring kilig na meron ako ngayon.