BEAUTIFUL FACE

2527 Words
Chapter Four -Khen- Hindi ko hinantay makapagsalita pa ito at madali ko itong hinila at dinala sa dulo ng pool madilim na rin at alam kong walang gaaanong makakapansin sa aming dalawa ng babaeng ang tagal ko ring hinanap at halos ikabaliw ko na rin dahil sa hindi ko makita ang babaeng naging first kiss ko. Ilang buwan ko na rin ito pinahanap nakakailang detective na rin ako sa kakahanap dito, samantalang andito lang pa ito at maid pa ng pinsan ko. Napapangiti pa ako ng makita ko ang malaking pagtataka nito sa kanyang mukha at takot na unti-unti nitong nararamdaman, ngayong nasa tabi ko na ito ay hindi ko hahayaan na iwan pa ako nito tulad na una nitong ginawa na pagkatapos kunin ang una kong halik ay aalis na lang ng walang paalam man lang. Pinag masdan ko ito mula ulo hanggang paa at wala talga ako maipintas dito dahil sadyang may angkin itong kagandahan na hindi mo mapapansin kung hindi mo ito tititigan sa malapitan, at masaya akong isipin na hindi ko lang ito nakikita kung di mahahawakan at mahahagkan ko pa. Galit ang naging tingin nito sa akin ngun’t ikinatuwa ko pang makita yon dahil mukhang mas maganda ito kung palaging magagalit. "Ano ba baliw ka, bitiwan mo nga ako?" Galit na sambit nito sakin pero hindi ko ito binitiwan mas lalo ko pa ito niyakap at dinikit sa katawan ko para hindi ito kawala sa bisig ko, ang bango nito at ibang-iba na rin ito kaysa sa una ko itong makita ilang taon na rin ang nakakaraan. Sa totoo lang ay mahilig ako sa babae nguni’t wala pa akong nahahalikan sa labi dahil ang mga babaeng nakakatalik ko palaging nakapiring ang mata at sial lamang ang nagpapaligaya sa akin, at kapag alam kong nakalabas na ang init ng aking kaatwan ay ipinapasa ko na sa tauhan ko ang babae at pinalalabas kong ako ang gumagamit dito. At iyon ang isang bagay sa pagkatao ko na ako lang din ang nakakaalam. "hmmmm,,,” Impit na tinig nito habang hinahalikan ko ang labi nito na kay lambot damahin at animoy kumakain ako ng cotton candy na vanilla flavor, nakakaadik itong halikan at kahit siguro magdamag pa ay hindi ko ito titigilan. Napangisi naman akong isiping makakasama ko ito sa kama pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon dahil nakikita ko sa mata nito ang pagiging inosente lalo na pagdating sa pagtatalik, hinimas ko rin ang braso nito at napangisi ako ng malamang birhen pa ito at sisiguraduhin kong ako lang din ang makakauna dito at s’ympre ang huling lalaking tatabi dito. Ilang sandali pa ng bitiwan ko ang mga labi nito at lalo ito nag-aapoy sa galit ng makita ko, sa hindi inaasahan na pagkakataon ay bigla na lang din ito nakawala sa bisig ko at isang malakas at mabilis na suntok sa aking gwapong mukha ang natamo ko mula dito. Sa sobrang lakas ay hindi ko na namalayang nahulog na pala ako sa pool at padabog itong umalis ng walang salita at hikbi ang maririnig ko dito habang papalayo ito sa akin. Napasuntok naman ako sa tubig dito sa pool ng maisip kong mali ang ginawa ko at umiiyak ito dahil sa sapilitan kong paghalik dito. Sinundan ko pa ito ng tingin subalit mabilis na rin naman itong nawala sa paningin ko, lumangoy ako para umalis sa pool at mukhang kailangan kong gumawa ng paraan ng sag anon ay makuha ang babaeng ito. At hindi ako susuko hangga’t hindi ito napapasa akin dahil akin lamang ito at oras na may kumuha nito sa akin at ibabaon ko ng buhay sa maging asong gala ay hindi maaamoy ang magiging bangkay ng hayop na yon. "Ano ba ang problema n'ya para halik lang eh, s'ya nga itong nagnakaw ng halik sa akin noon, hay! mga babae nga naman tlga." Nasabi ko lang sa aking sarili, at saka ako tuluyang umahon sa pool ng sa ganoon ay makapagpalit na rin ng damit at ayokong umuwing basa ako. Nagulat pa si Zandro ng kumatok ako sa kanya kuwarto at pagkabukas pa lang nito ay dali-dali akong pumasok sa banyo nito para maligo, alam kong masama ang naging tingin nito pero ayokong magkasakit kaya kailangan ko na agad magpalit ng damit. Alam kong may ibang banyo dito pero hindi ako komportable at walang masama kung minsan ay makikiligo ako sa banyo nito. Inabutan ko itong nakaupo sa kama at nagbabasa ng libro lalapit sana ako dito ng makita ko ang kusang bumukas ang pintuan ng kuwarto nito isang hudyat na kaylangan ko ng umalis, wala akong pagaalin-langan na humarap dito at binalibag dito ang ginamit kong tuwalya. Ngunit mabilis ito at nasalo ng isang kamay na hindi pa ito lumingon man lang sa akin. Magaling talaga ang nagtraning dito dahil kahit sa dilim ay kaya nitong makakita, isa yun sa isang bagay na s'ya lamang ang nakakagawa minana daw n'ya un sa mga magulang nito na magaling rin sa pakikipaglaban. Magaling din naman ang mga magulang ko pero hindi kasing galing ng mga magulang nito, kaya hanga talaga ako kay Zandro na halos kayang gawin ang lahat maliban sa isang bagay ang magtapat sa isang babaeng gusto nito. Napabuga na lang ako ng hangin at saka tuluyang umalis dahil alam kong hindi na rin ako papansinin ng isang ito, kaya naman minabuti ko na lang muna na tignan ang mga tauhan namin na ngayon ay ginagamot sa basement. Naglalakad na ako sa hallway ng papuntang basement ng may naririnig akong mga boses na animoy nagtatalo. Nasa may bandang dulo ang mga ito at hindi ko nakikita ang kausap ni Luiz ang isa sa mga tauhan ni Zandro at alam kong tapa trin sa kanya. Lumapit pa ako ng konti ng sa ganoon ay marinig ko ng malinaw ang pinag-uusapan ng dalawa. "Ano pa naman Luiz at bakit hanggang ngayon ay buhay pa din ang De Lana na yun ha? Ano bang ginagawa mo at mukhang hindi mo kayang tapusin ang anak ng kaaway ni boss? Ikaw ang isang taong pinagkakatiwalan ko pero ano na ha? Sinasabi ko sayo Luiz, ayusin mo ang magiging trabaho at alam mo na rin ang maaaring mangyari oras na malaman ni boss na buhay pa ang lalaking yan.?" Pigil ang boses at halatang galit na kausap ni Luiz, hindi ko makita ang mukha dahil nasa kadilim ang puwesto ng kausap nito at tanging si Luiz lamang ang nakikita ko at nakayuko ito sa kanyang kausap na animoy maapong tupa, hindi rin pamilyar sa akin ang boses ng kausap nito kaya naman labis ang aking pagtataka kung sino nga ba ito at kung paano ito nakakapasok sa mansion ng hindi man lang nalaaman ni Zandro. Lahat kasi ng tauhan ko o ni Zandro ay kilala nya sa boses ngunit ito ay hindi, kaya nagiging palaisipan sa akin ngayon kung sino nga ba ito. Nang maramdaman kong patapos na sila ay tahimik akong umalis at nagkunwaring wala akong narinig na kahit na ano. Gusto ko pa sana tignan kung sino ang kausap ni Luiz subalit hindi ito umalis sa kanyang kinatatayuan, at kapag hindi pa ako umalis ngayon ay siguradong makikita ako ni Luiz dahil sa daraan ako nito. Nagpasya akong magtungo sa basement at magpapanggap muna ako na walang natuklasan ng sa ganoon ay makakilos pa ako at makapaghanda sa isa pang magiging kalaban ng pinsan ko. Tahimik akong nagmamasid habang ginagamot ang halos sampung tauhan na sugatan, marami din pala ang nasagutan ang iba sa kanila ay malala ang naging mga sugat. May doctor naman dito at sigurado akong magiging maayos na rin ang mga ito sa susunod na araw, sa katunayan ay si Zandro talaga ang nagpalagay ng kanilang clinis dito sa basement at ng sa ganoon ay hindi kakailanganin pang pumunta ng hospital oras na may mapinsala sa mga tauhan nito. At nahagip ng aking mata na papasok si Luiz at nakita kong may tama rin pala ito sa braso at mukhang daplis lang naman din. Nakatitig ako dito at gusto ko na lang itong kunin at ikulong sa loob ng hide out ko at papaamiin ko ito kung kanino talaga ito naglilingkod, ngun’t pinigilan ko ang aking nararamdaman dahil alam kong mas may malalang mangyayari oras na sundin koa ng aking nais para sa traydor na itoi. Habang ginagamot at nagpapahinga naman yung iba ay pasimple kong nilapitan si Luiz at hinawakan ang sugat na kunwari ay hindi ko alam na may sugat pala s'ya. "Aray, naman boss, masakit po!" Pagsasalita nito na animoy maiihi na sa sakit, sa kalooban ko naman ay buti nga sayo hindi muna kita papatayin dahil kailngan kong masigurado kung sino nga ba ang amo nito? At kung bakit nito nagawang kumampi dito samantalang ang buong pagkakaalam ko ay malinis ang record nito at sa ilang taon nitong paninilbihan sa mga De Lana ay ngayon lang ito naging traydor, kaya naman natitiyak kong may matinding dahilan kung bakit ito kumapi sa kalaban. "Oh, sorry! nakalimutan kong yan pala ang tama mo, kamusta kana ba ngayon, Luiz? Kunwaring pagaalala ko dito, inayos pa nito ang benda sa kanyang braso at saka tumingin sa akin na parang normal lang din ang lahat. "Maayos naman boss, si boss Zandro po ba kamusta.? Wala po ba s'yang tama boss.?" Nakayukong sagot nito sakin, naglakad pa ako na malapit sa isang patalim na akong pag-aari naman ni Luiz. Binababa niya muna don ang kanyang armas na madalas nitong gamitin sa pakikipaglaban at saka tumingin dito. "Ah, yun ba wag mo alalahanin ang isang yun, baka nga mauna ka pa dun, eh?" Seryosong at makahulugan kong tining dito at tinignan ko rin ang patalim ng patalim nito. Nakita kong nanglaki ang mat anito at umiiwas ng tingin sa akin. Halata mo talaga ang isang tao lalo na kung may inililihim sayo, sa mga ganitong tauhan na traydor at hindi na dapat pinagtatagal ang buhay at para tularan pa ng iba. "Relax, joke lang naman natakot ka naman agad yan?" Bawing sagot ko dito at saka hinagis ko sa isang kama ang patalim nito at nakita niyang tumusok iyon don. Napangisi naman ako dito ng makita nito ang aking ginawa. Mapalunok naman ito dahil sa matinding takot, hanggan’g nasa amin pala ang tingin ng karamihan, ngumiti lang ako at sinabing nagpapractice lang din ako at natutuwa akong gamitin ang patalim ni Luiz at saka ko sinabayan ko pa ng isang tawang nakakaloko. Well, yan naman ako magaling makipaglaro sa mga kalaban pero nasisigurado kong ako ang panalo sa huli. Hindi tulad ng pinsang kong si Zandro pikon at mabilis yun magdesisyon gusto nun lahat ng traydor ay patayin na lang. Kaya madalas ay napapahamak s'ya dahil sa hindi nito muna inaalam kung tama ang mga desisyon bago sumugod manang mana ito kay Uncle Julio. Lumabas na ako room at nagtungo sa kuwarto ng reyna ko bubulagain ko lang ito. Habang naglalakad ako ay hindi ko napansin na nasa likoran ko lang pala si Zandro at nakamasid grabe talaga ang isang to lakas ng pakiramdam. "Kanina ka pa anyan.?" Naiinis kong tanong dito dahil pakiramdam ko ay kanina pa rin ito nakasunod sa akin, tinignan ko ito ng magpapataka dahil base sa kung paano ako nito tignan ay alam na rin nito ang tungkol sa tauhan nitong si Luiz. Napapailing pa ako dahil alam kong naiisahan naman ako ng pinsan ko itong may pagkamaloko sa ulo. Seryoso itong tao at kayang manakit ng walang kahirap-hirap pero kung minsan ay naglalaro din ito lalo na kung may mga taong gusto lang muna nitong paglaruan hanggan’t hindi pa niya nahuhuli kung sino ang totoong kalaban. "Bakit? Bahay ko ito at ako ang boss dito? Saka bakit hindi ka umaalis nakaligo ka na nga sa swimming pool ko tapso ngayon pupunta ka naman sa maid’s room? Anong ba talaga ang meron at andito ka pa Khen?” Patanong din n'yang sagot sa akin at saka tumanaw sa daang papunta sa kuwarto ng mga katulong nito. “Alam kong bahay mo ito at wala akong balak kunin sayo ang nakakatakot na mansion na ito. Pero sabihin mo alam mo ba ang tungkol sa pagtatraydor sayo ni Luiz? At kung alam mo eh, bakit buhay pa ang g*go na yon? Ano ba talaga ng plano mo sa kanya ha?” Sunod-sunod na tanong ko dito subalit tinignan lang ako nito ng makahulugan at hindi agad nakasagot. "Alam mong isa lang ang ginawa sa mga traydor na katulad nila, Khen. Kaya bakit mo iyan tinatanong sa akin ngayon, ha?" Maikling at walang buhay nitong sagot sa akin hindi makikita ang pagbabago ng expression sa mukha nito, hindi ko rin alam kung meron nga bang kinatatakutan ang isang Zandro De Lana. Sabay kaming lumaki nito at alam ko at nakita ko na rin ang kahinaan nito, pero habang lumalaki kami ay may iba akong nakikita dito na hindi ko na rin maipaliwanag pa. Ganoon pa man ay nangako akong tutulong sa lahat ng oras dahil sa malaking utang na loob ko sa kanilang angkan lalo na kila Lola at Lolo Jacinto. "May plano sana ako sa gagong yun, kung ok lang sayo?" Tanong ko mahinang boses. Patalikod na rin ito sana ng muli akong magsalita dito. Humarap ito at patanong na tumingin sakin, kaya wala akong choice kung di sabihin dito lahat ng plano ko at alam kong malaking tulong iyon sa kanya kung sakaling magagawa namin ang iniisip ko. Samantalang alam kong may ginagawang plano na rin si Zandro para mahuli ang iba pang mga traydor sa hinahawakan nito. "Gusto ko sanang malaman kung kanino s'ya nagtatrabaho, alamin kung paano nakakapasok dito ung kausap niya at kung may iba pa silang kasabwat dito sa bahay mo? Mukha kasing hindi na maganda ang pamalalakad mo kaya napapasukan ka ng ibang hayop dito. Isa pa may mga inoseng naririto na maaring madamay oras na sugurin ka nila, at alam nating dalawa na hind imo lahat maililigtas dahil alam mong mas uunahin ng mga tapat mong tauhan na iligtas ka kaysa ang mga iba pang madadamay. Hayaan mo akong gumawa ng paraa ng sa ganoon makilala natin kung sino man ang nasa likod ng lahat ng ito o kung may kinalaman din ito kay Mr. Suarez?" Mahabang paliwanag ko habang papalayo na kami sa lugar at patungong pool area. Makikita ang lalim nitong pag-iisip ngun’t tumango lang ito sakin at piniga ang isang balikat bago tuluyang umaalis sa aking harapan at pumunta sa kung saan. "Buwisit, talaga ang isang un sakit ng balikat ko ah,,, hay! kainis sya." Salita ko habang hinihimas ang piniga nito. Nagpasya na lang ako umuwi at balikan na lang sa susunod si Camille at sa pagbabalik ko sisigurado kong akin kana reyna ko, ngising banggit ko dito habang nakatanaw sa kuwarto nitong nakasarado na malamang din ay tulog na ito ng ganitong oras. Paglabas ko ng mansion ay nakita ko rin palabas si Luiz hindi naman ako nakita nito kaya naman napangisi na lang ako dito, mukhang magrereport na ito sa taong pinagsisilbihan nito. "Sige lang enjoy mo lang Luiz darating din ang araw mo." Salita ko sa isip habang pasakay ako sa sasakyan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD