Chapter Five
-Zandro-
Mahirap talaga mag tiwala sa mga taong kahit pakain at bigyan mo ng matutuluyan ay magagawa ka paring saktan at traydorin. Matagal ko ng alam ang tungkol kay Luiz isa sa mga tauhan kong binigyan ng trabaho at tahanan, alam ko din na una palang ay isa na itong assassin’s ng kabilang grupo na pinadala dito para patayin ako. Pero hindi s'ya o sila ang magtatagumpay na pabagsakin ang isang tulad ko, dahil niisip palang nila ay napaslang ko na silang lahat. Itong si Luiz ay bilang na araw sakin, hanggang sa nalaman na rin Khen ang lahat at alam kong alam na rin nito na plano ako hindi ko pa lang nasabi dito dahil sa naghihintay pa ako ng tamang panahon para mabigyan ng magandang parusa ang lahat ng kasam ni Luiz. Hindi ako tatawagin mafia lord kung mahina ang aking pakiramdam, yan ang isang bagay na pinag-aralan ko ng mabuti ang maging malakas ang pakiramdam tulog man o gising dahil hindi mo alam kung kailan aatake ang kalaban mo at lagi akong handa kahit pa sabihin na tahimik akong pinuno.
Pababa na ako nagdanan ng makita ko ang isang tauhan ko na may dala ng isang basket ng mga sari-saring mga gulay at prutas kumunot ang noo ko ng marinig na hinahanap nito si Karen kay Camille ang pinsan nito na kasalukuyang nag-aayos ng mga kurtinang pinagpalitan nito.
"Ah, ikaw ha! bakit mo hinahanap ang pinsan siguro isa ka rin sa mangliligaw n'ya noh.?" Kinikilig na salita nito sa tauhan ko napakamot naman ito ng ulo at makikita na nahihiya ito sa dalaga, dahil mukhang nabuking ito na may tingin nga ito kay Karen. Tuwang tuwa naman si Camille at tinuro ang kusina para sabihing andun sa Karen at nagluluto ng tanghalian. Nagpasalamat ang tauhan ko at maganda pa ang ngiti nito ng malaman kung nasaan ng aba si Karen ngayon, at nagtungo na nga ito sa kusina para makita ang kanyang hinahanap. Minadali ko naman ang aking paglalakad para mas mauna ako dito sa kusina nagulat pa nga s'ya at muntik pa kaming magkabungguan pero dahil ako ang amo n'ya ay nakayuko s'yang huminto at pinauna akong pumasok sa loob ng kusina. Hindi ko rin malaman ang nangyayari sa akin dahil nitong mga nakakaraang araw ay napapadalas na rin ang paglabas ko sa aking kuwarto kahit pa hindi naman talaga oras ng labas ko. Mabuti na lang din at hindi ko nalilimutan ang magsuot ng mask dahil ayoko pa rin makita ang mukha ko ng iba, at hindi ko iyon ikinatutuwa.
Nakita ko dun si Nana Mila na nag-aasikaso ng pagkain at katabi nito si Karen na may dalang kalderong malaki pupuntahan ko na sana ng maunahan naman ako ng tauhan ko at nagmamadaling kunin dito ung kalderong hawak nito para ilagay sa ibabaw ng mesa. Napangiti pa ito sa isa't-isa kaya hindi ko mabigilan na mapahampas sa mesa na malapit lang sa akin. Dahil sa lakas ng pagkakapalo ko ay nagulat sila pati si Nana Mila ay nabitiwan ang hawak na plato at nahulog sa sahig, malakas ang naging pagbasag kaya naman may iba pang mga tauhan ko ang nagtungo para tignan kung ano mana ng nangyayari. Hindi naman makagawa ng kahit na anong ingay ang mga ito dahil sa nakikitang galit sa aking mata at kahit pa sabihing naka mask pa ako. Nakatayo pa rin ako at pinagmamasdan ang dalagang alam kong nangangatog na rin ito sa gulat at takot dahil sa ginawang kong pagwawala.
“Anak, Zandrto anong ginagawa mo dito at bakit nagagalit ka ng ganyan?” Natatakot at nag-aalalang tanong sa akin ni Nana Milahindi ko. Parang hindi ko rin ito naririnig dahil ang mata ko ay nakatuon lang sa babaeng nasa tabi ng aking tauhan. Napapakuyom na rin ang aking kamao dahil sa hindi pa rin nawawala ang galit na namumuo sa aking dib-dib.
“Ikaw, umalis ka dito at bumalik ka sa puwesto, sa pagkakaalam ko pagbabantay sa buong mansion ko ang binabayaran ko sayo at hindi ang ligawan ang mga kasambahay ko dito, umalis ka kung ayaw mong makita akong nagagalit.?” Galit kong turan sa tauhan kong ngayon ay lumaki ang kanyang mata dahil sa alam na rin nito kung paano ako magalit o magparusa.
“Sorry po, boss Zandro” Salita nito sa na ngangatog na boses, lihim pa itong tumingin kay Karen na animoy nagpapaalam pa, hanggang sa tuluyan na itong umalis sa harapan ng dalaga. Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng aking kusina, binaling ko ang tingin kay Nana Mila at nakita ko ang sobra nitong pag-aalala sa akin, gusto ko manghumingi ng tawad dito ay hindi ko magawa dahil sa mabubuong galit ko ng malamang may ibang mangliligaw si karem maliban sa akin. Subalit dahil sa hindi pa rin humuhupa ang galit ko ay nagawa ko na lang basta hilahin si Karen at dalhin sa loob ng aking kuwarto ng wala itong idea kung bakit ko iyon ginawa. Subalit buo na rin ang loob ko na magtapat dito dahil hindi kakayanin na may ibang lalaki ang makakakuha ng attention nito dahil ang gusto ko ay ako lang ang lalaking gugustuhin nito.
Pagkasara pa lang ng pintuan ng sarili kong kuwarto ay niyakap ko na lang ito ng mahigpit kahit pa alam kong manglalaban ito sa akin. Alam kong natatakot na rin ito sa akin dahil sa maaari ko itong masaktan, wala itong idea kung paano ako magalit kaya naman kailangan kong kumalma ng sa ganoon ay makaya kong makpagtapat dito ng maayos at ng hindi ito magulat sa kanyang maririnig mula sa akin.
"I'm sorry honey please forgive me. Ayoko lang may nakikitang ibang lalaki ang nasa tabi mo dahil sa hindi ko mapipigilana ng galit ako sa oras na may ibang lalaking gusto ka rin makuha mula sa akin. Malambing at nahihiya kong sambit dito na lalong ikinagulat nito napatingin ito sa akin at makikita sa mata nito ang pagtataka, kaya naman dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi nito at pinunasan ang luhang naglalandas na narin sa pisngi nito. Napapikit pa ako at dinadama ko ang lambot at kinis ng mukha nito na animoy isang manikang kaylan man ay hindi naging marumi. Lalo naman bumilis ang t***k ng aking puso ng pagmulat ng aking mata ay hawak na nito ang aking kamay na nasa kanyang mukha, nakatitig lang ito sa akin at hindi ko mabasa ng nais nitong sabihin at iparating. Alam ko sa sarili ko na isa akong mafia lord at kinatatakutan ng marami, pero bakit parang pagdating kay Karen ay wala akong maisip na tamang gawin? At bakit parang ayaw gumana ng utak ko habang nasa mga bisig ko ang babaeng halos ikatunaw na rin ng aking puso.
Pero dahil sa labis na pagkagusto ko sa dalaga ay walang salitang hinagkan ko ang mga labi nito sobrang lambot, nanglaki pa ang mga mata nito dahil sa gulat na bigla ko itong hinalikan. Para kong humalik ng isang manikin dahil sa hindi man lang ito gumanti ng halik sa akin, nguni’t ayos lang naman yon sa akin dahil sa ramdam kong ako ang first kiss nito, at titiyakin ko rin na ako ang last nito. Nagdidiwang ang puso ko dahil sa nalalaman kong malinis na babae ang nagustuhan ko at alam kong magiging mabuti itong ina sa magiging anak namin, kinikilig ako sa isiping ito nan ga ang magiging asawa ko sa hinaharap at gagawin ko ang lahat ng sa ganoon ay maging mabuting asawa at ama sa mnga parating naming sulping.
Inilagay ko sa aking batok ang braso nito, hanggang sa unti-unti kong nararamdamana ng pagtugon nito sa halik ko na kahit alam kong hindi pa naman nito naggawa. Yumakap ako sa bewang nito para lalong ipagdikit ang aming mga katawan nadadala na rin ako sa init ng aming katawan ng biglang may kumatok sa pintuan. Nung una ay hindi namin ito pinansin pero napapalakas na ang mga pagtawag ng mga ito. Natauhan naman si Karen sa mga nangyari at napahawak sa kanyang mga labi at nakikita kong nahihiya ngayon sa aking harapan, mas lalong namumula ngayon ang pisngi nito kaya naman lihim akong natawa na ikinahampas naman nito sa akin at tinignan ako ng masama. Muli ko na lang itong niyakap ng sa ganoon ay mawala ang galit nito dahil kailan man ay hindi ko gugustuhin na sumama ang loob nito sa akin. Dahan dahan kong inangat ang maganda nitong mukha dahil sa nakayuko ito. Ngumiti ako dito at muling niyakap.
"Please be at my side, honey! Gagawin ko ang lahat para hindi kana muling matakot pa sa akin Karen, alam ko rin na naguguluhan ka pa pero seryoso akong sabihin na gusto kita at ayokong mawala ka sa tabi ko." Bulong ko sa tenga nito habang hinahaplos ang buhok nito na mahaba hanggang likod natural ang pagkaitim nito na bumagay sa kanyang pagkatangkad. Maganda ang hubog ng katawan nito kahit hindi ko pa man nakikita hawak ko pa lang sa bewang nito ay alam ko na kung gaano ito ka sexy. Lalo na siguro kung nasa ibabaw kami ng kama, napangisi naman ako sa isiping nadala ko na ito sa kama malamang na puro ungol lang ang maririnig ko dito. Nasasabik tuloy akong mangyari yun. Ilang sandali pa ay muling may kumatok sabay pa kaming napatingin sa pintuang sarado dahil sa boses pala iyon ni Camille ang pinsan nito at mukhang nag-aalala dahil nasa loob ng kuwarto ang pinsan nito.
"Ahmm! Senyorito, hinahanap na po ako ng pinsan ko maaari na po ba akong lumabas?" Sabi nito na halata parin ang takot at pangamba. Hinaplos ko ulit ang mukha nito pero umiwas na ito kaya naman labag man sa kalooban ko na palabasin ito ay tumango na lang ako.
“Pag-isipan mo ang sinabi ko sayo, honey!” Pahabol ko pa dito at saka na ito tuluyang umalis sa mga bisig ko. Pero masaya pa rin naman ako sa mga nangyayari dahil alam kong naiintindihan na rin naman nito ang anis kong iparating sa kanya. Mabilis naman itong nagpasalamat at lumabas ng kuwarto ko narinig ko pang pinagalitan ito ni Camille at pinagsabihan na ayusin ang trabaho para hindi sila mapaalis dito. Humingi naman ng pasensya dito ang pinsan at hindi ko mapigilan ang matawa dahil mukhang walang alam ang pinsan nitong si Camille sa nangyari sa amin sa loob ng kuwarto ko. But I don't care sa mga iisipin at sasabihin nila basta ang alam ko gusto ko na s'ya o mas magandang sabihin na mahal ko na s'ya wala man ako alam sa ganito ay hinahayaan ko na lang ang aking puso na ipadama sa akin kung gaano kasaya ang mga ganitong klaseng bagayu. Bihira ka lang daw makakakita ng ganitong klaseng pagmamahal sabi sa akin ni Lola Arriya kaya naman kapag dumating ang araw na makilala mo ang taong nakalaan sayo ay pakialagaan at pagkaingatan mo ng sa ganoon ay hindi rin siya mawala sa buhay mo. Dahil mas malaking pagsisisi kung ang taong pinakamamahala mo ang mawawala sayo ng hind imo riun naman inaasahan.
Hindi na muna ako nagpakita kay Karen kahit sobra ko na itong miss na miss, dahil na rin sa marami pa akong dapat na ayusin at gawin, aalis rin ako ng bansa at ilang linggo kong hindi makikita ang maganda nitong mukha. Nagkaroon pa ng ilang laban sa pagitan ng namin at ni Mr. Suarez, ilang malalaking hide out nito ang pinasabog ni Khen at hindi tumigil ang pinsan kong yon hangga’t hindi nito napapabagsak ang lahat ng gustong kumalaban sa amin. Ako naman ay inayos ang tungkol kay Luiz, subalit nalaman kong hindi ito tauhan ni Mr. Suarez at ibang grupo ito. marami itong naging kasabwat sa loob at labas ng aking mansion, pero hindi ko na rin hinayaan na muli pa itong makagawa ng mga bagay na ikakapahamak ko kaya naman inunahan ko na rin ang mga ito at inubosa ng lahat. Nagawa kong tapusin ang naging laban kay Luiz at sa boss nitong hindi ko pa talaga nakikilala dahil hanggang sa kamatayan ay hindi nagsimula si Luiz at mukhang sobrang loyal niya sa aknilang naging samahan na hindi rin inaasahan.
Halos minamadali ko na rin ang lahat ng laban na meron ako dahil kailangan ko na rin balikan ang babaeng mahal ko. Nais ko pa rin na magkaroon ng pamilya at mga anak pero hindi ko hahayaang mapahamak ang mga ito kaya kailangan kong maubos lahat ng gustong pumatay sakin. Nagpahatid na lang ako ng pagkain sa kuwarto ko dahil sa marami talaga kong dapat ayusin at pirmahan, at ang buong akala ko ay si Karen ang magdadala ng pagakin ko, subalit si Nana Mila ang naghatid ng pagkain ko at sinabing nasa palengke si Karen at namimili ng mga sariwang isda at pinasamahan na lang muna niya ito sa isa nilang tauahn ng sa ganoon ay makabalik na rin ito agad.
Nabigo akong makita ito kaya nagseryoso na lang ako sa ginagawa ko pagkababa ni Nana Mila, pero sumagi naman sa isip ko kung sinong tauhan ko ang kasama nito, mabilis kong kinuha ang aking phone at tinawagan ang isa ko pang tauahn para itatanong kung sino ang kasama ngayon ni Karen sa pamamalengke? Napahinga na lang ako ng maluwag ng malamang si Khen pala ang kasama nito dahil sa nililigawan din pala ni Khen si Camille. Wala akong alam sa dalawang ito pero sa nakikita ko kay Khen ay mukha naman itong seryoso sa dalaga, mabuti na lang at si Camille ang nagustuhan nito dahil kuns si Karen ay baka ako na rin ang tumapos ng buhay nito. Ilang sandali pa ay tumunog naman ang phone ko at isang unresigter number nag lumabas kaya naman hindi ko na lang ito sinagot pa dahil ang ayoko sa lahat at yung sumasagot na hindi ko kilala at wala akong panahon sa mga ganitong klaseng tao. Pero makulit ito at nagtxt pa sa akin.
"Hi Mr. De Lana I'm Danica Ramirez, pwde ka bang makausap kung hindi ka naman busy." Basa ko sa una nitong text, pero napapaisip lang ako kung sino ang babaeng yon dahil wala akong kilalang ganoong klaseng panalan.
“May nais lang akong ioffer sayo, at alam kong ikaliligaya mo ito Mr. De Lana?” Text ulit nito na nagpakuno’t na ng aking noo. Mas lalo pa kong naguluhan para sa sinabi nito, hindi ko pa rin ito nireplayan dahil ayoko talaga ng mga babaeng mahaharot lalo na pagdating sa paglalandi ng isang lalaki. Muli pa itong tumawag subalit hindi ko lang ito talaga pinansin pa at mabilis ko rin naman naiblock ang number nito sa phone ng sa ganoon ay hindi na ako nito matawagan o matext man lang.
“Sino naman ba to?” Sambit ko na lang sa aking isipan at hindi ko na lang din ito pinansin pa at nagpatuloy ko para tapusina ng lahat ng magiging trabaho ko sa loob ng ilang, kailangan kong umalis papuntang Italy dahil sa mahalang bagay na dapat kong gawin don,ayoko mang umalis suibalit wala kong magagawa dahil buong pamilya ko ang nagpapatawag sa akin at kailangan ko itong sundin kahit pa ayokong gawin.