Chapter Six
-Karen-
Halos mag-iisang linggo na rin mula ng nangyari ung halikan sa pagitan naming dalawa ni Senyorito Zandro sa loob ng kuwarto nito. Hindi ko pa malalaman ang tunay na dahilan ay nagpadala na lamang ako sa nangyayari sa amin dalawa ng mga oras na yun, alam ko rin namang mali at ako lang din ang masasakta pero hinayaan ko s'yang gawin ang nais nito sa aking mga labi, at aaminin kong nagugustuhan ko ang mga halik nitong bago sa aking pandama. Sa katunayan pa nga ay ilang araw na rin ang nakakaraan pero dama ko at ramdam ko pa rin ang ginawa nitong paghalik sa aking labi na labis nagdulot sa akin ng saya at ligaya, sa buong buhay ko ay ngayong lang ako nahalikan ng isang lalaki. At hindi ko aakalain na ang makakakuha pa ng unang halik ko ay ang crush ko, kinikilig akong tumingin sa salamin habang nagsusuklay at pinatutuyo ang buhok ko dahil sa kakatapos ko lang din kasing maligo at alam kong kailangan ko na rin magpahinga ngayon at maaaga pa ang magiging trabaho namin bukas.
" Ay naku! Karen, ano ba yan iniisip mong kahalayan, babae ka pero ang pangit ang nasa isip mo." Mahina kong sambit sa aking sarili at napapakamot pa ako sa aking ulo. Ipinaling ko ang aking ulo para maiwaksi ang aking nararamdaman ngunit pilit s'yang naroroon at hindi ko rin maiwasan na isipin ang lahat ng yun. Ilang sandali pa ay napabuntong hininga na lamang ako at tinuloy ang pagsusuklay at saka natulog na rin, napatingin pa ako kay Camille na mahinbing na rin ang pagkakatulog sa kabilang kam. Dalawa lang kani dito sa kuwarto at nasa kabilang silid naman ang iba pa naming kasamang kasambahay dito sa malaking mansion ng mga De Lana.
Kinabukasan ay maaga akong nagpunta sa may garden ng sa ganoon ay maayos ko ang mga bulaklak na naroroon. Noong araw kasi na nagsimula kaming magtrabaho dito sa mansion ay nakiota kong mukhang napapabayaan na rin ang mga bulaklak. At ayon kay Nana mila ay ang Senyora ang nag-aalala noon sa mga bulaklak, nguni’t ng nawala ito at tuluyan na rin nalanta at nagkasira ang mga halaman at bulaklak na naroon. Simula ng itanong sa akin ni Nana Mila kung may alam daw ako sa mga bulaklak at kung pwde ko daw bang alagaan ang hardin ng nasirang Senyora at hindi na rin ako nagdalawang isip pa dahil talagang gusto ko ang mga bulaklak lalo na ang mga tulips na bihirang makita dito sa bansa. Nanglaki pa nga ang bata ko ng sabihin sa akin ni Nana Mila na nagpadeliver daw siya ng mga bagong buto o mga bagong bulaklak na pwde kong gamitin para muling maumbalik ang ganda ng hardin ng Senyora.
Dahil pa nga sa pagmamahal ko sa mga bulaklak ay binalak kong ipangalan pa ang mga ito sa magiging anak sa oras na magkaroon ako ng pamilya. Ang pag-iisip na yun ay nahinto ng bigla na lang dumating Fredie isa sa mga tauhan ni Senyorito Zandro at nagpapahiwatig sa akin ng kanyang pagkagusto. Ngunit una palang ay sinabi ko na wala akong nararmdaman para dito kaya naman naging magkaibigan na lang kami at binibigyan ko ito ng mga bulaklak sa tuwing uuwi ito sa kanila dahil gusto daw ng Ina nitong may sakit ang mga tulips lalo na kung kulay puti ang mga ito. Natutuwa akong makita ang mga taong masaya sa mga bulakalak na binibigay ko, kaya talagang pinupuntahan pa ako ni Fredie bago ito umalis at kukunin nito sa akin ang bulaklak na para sa kanyang ina. Alam naman ito ni Nana Mila at okey lang naman daw sa kanya napumitas dahil ganon din daw ang ginawa ng Senyora noong nabubuhay pa ito hilig din daw nitong mamimigay ng mga bulaklak lalo na kung malalaman din daw nitong para sa ina ng mga tauhan ng kanyag anak na si Senyorito Zandro.
"Hi, good morning! Karen, ang aga mo naman dito? Mukhang excited ka pa kaysa sa akin na makita ang Mama ko at talagang nakaready na rin ang mga bulaklak na para sa kanya. Salamat pala sa mga ito." Masayang at nakangiti nitong sambit sa akin, napanguso pa ako dito dahil sa pagiging piling rin nito minsan, kunwari pa itong kinikilig na animoy totoo kaming may relasyon.
"Good morning! din sayo Fredie, at saka hindi ako excited dahil alam kong uuwi ka at makikita mo ang Mama mo. Sa totoo lang ams excited pa akong malaman kung nagustuhan ba ng Mama mo ang mga bulaklak na dala mo para sa kanya. At hindi kung ano-ano ang iniisip mo yan. Sige na ayusin mo na rin ang mga iyan ng sa ganoon at makaalis kana at mukhang hinihintay ka na rin ng Mama mo.” Nakangiti ko ring tugon dito na ikinalapad naman din ng ngiti nito sa akin. Nahihiya man ay sinun od na lang nito ang aking naging nais kaya kahit papaano ay napanatag akong kahit papaano ay may kaibigan akong maituturong kahit pa na reject ko ito noon.
"Ahm, salamat ulit dito Karen. At magpapaalam sana ako sayo baka kasi matagal bago ako makabalik dito kasi kinuha ako ni boss Khen kaya baka dun muna ako magbabantay sa kabilang mansion ng mga De Lana. At saka mas malapit lang iyon sa bahay namin at madali ko ring madadalaw ang Mama ko lalo pa at nakikita na rin ng mga doctor na bumubuti na rin ang kalagayan nito. Sa totoo lang ay masaya ang aking ina sa tuwing makikita n’ya ang tulips na dala ko galing sayo, at alam mo bang gusto ka rin n’yang makilala. Sabi ko kasi kaibigan ko ang pinakamagandang hardenera dito.” Natatawa pa nitong turan na ikinatawa ko na lang din dito.
Nalungkot man ako ay wala akong magagawa alam ko ang klase ng trabho nila kaya naiintindihan ko at alam kong kailanan nilang sumunod kung gusto nila ng trabaho. Matagal ng may sakit ang ina nito at base sa pagkukuwento nito ay isang cancer ang sakit nito, wala rin itong ama dahil sa mas maaga itong kinuha sa kanila. Tanging siya na lang ang kanyang ina ang magkasama kaya naman kung minsan ay naaawa ako kay Fredie dahil hindi lingid sa kaalaman kong palaging nasa panganib ang kanilang mga buhay. Madalas ko ring ipinagdarasal na sana ay mas mahabang panahon pa itong mabuhay ng sa gannonm ay maalagaan nito ng maayos ang kanyang ina. Alam kong mabait at mapagmahal si Fredie na tao, at hangad ko rin dito ang kaligayan at kagustuhan na makitang magkaroon din ito ng masaya at maayos na pamilya.
"Ah, ganon ba kaylan naman ang alis mo, ngayon na ba?" Tanong ko dito at malungkot ko itong tinignan. Subalit ngumiti lang ito sa akin bago sumagot, naglakad rin ito papalapit sa akin at naupo sa isang bangkong baton a naroroon.
"Mamayang gabi na Karen, nga pla mag-iingat ka dito at wag kang lalabas ng gabi lalo na kung wala ang Senyorito dito, sa totoo lang ay masyado kasing delikado Karen, kaya sana ay double ang pag-iingat na gagawin mo." Pahayag nito sakin bago hawakan ang kamay ko at napatingin ako dito na hindi agad nakapagreak sa kanyang ginawa. Wala naman s'yang ginawa kung ang titigan lang ako at ngumit ng napakatamis. Hindi ko naman maitatanggi na gwapo ito ngunit sadyang hindi ito nais ng aking puso.
"Fre,,, fredie” Mahina at nauutal kong sagot dito, bumibilis na rin ang kabog ng aking dib-dib ng dahil sa pagkagulat.
"Alam kong aalagaan ka n'ya at alam ko rin na mamahalin ka rin n'ya na mas higit pa sa naramdaman ko." Mahinang sambit nito na hindi ko gaanong maintindihan kung sino ang tinutukoy nitong magmamahal sa akin ng higit pa sa kanya. Patanong ko itong tinignan pero nakangiti lang ito sa akin na animoy siguro sa kanyang sinsabi. Napabitaw ito sakin at napabuntong hininga na lamang ito sa aking harapan.
"Ano ba ang ibig mong sabihin sa sinasabi mo ha, Fredie hindi ko kasi maintindihan eh! Ano ba yon? Pagkukulit kong tanong dito. Pero hindi pa s'ya nakakapagsalita muli ng bigla na lang ito bumagsak sa lupa, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko si Senyorito Zandro na galit na galit na pinagsusuntok si Fredie na ngayon at wala ng malay na nakahiga sa lupa at puno ng dugo at mukha nito. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Senyorito Khen at hinilang palayo si Senyorito Zandro mula kay Fredie na lupaypay na nasa lupa.
"F*ck anong ginawa mo Zandro?” Malakas na salita ni Senyorito Khen kay Senyorito Zandro na ngayon nakatayo sa isang sulok at pinakakalma ito, marami na rin ang dumating na mga tauhan ng mga ito at tinignan agad si Fredie kung ok pa ba ang binata. Ng matiyak ng mga ito na ligtas si Fredie ay mabilis nila itong kinuha para dalhin sa clinic na narito lang din sa loob ng mansion. Napalingon sa akin si Senyorito Zandro at lalo akong natulos sa aking kinaroroonan ng magtama ang aming mga mata at hindi ko alam ang aking gagawin o sasabihin. Galit na galit ang makikita sa mga mata nitong gusto kong pinagmamasdan, naka mask pa rin ito at kahit na gustuhin kong amkita ito at hindi ko magawa dahil sa ayaw daw nitong inaalis ang kanyang mask na hindi ko malaman kung ano nga ba ang totoong dahilan nito. Nagdatingan na rin sila Nana Mila at pinsan kong si Camille kahit pa ang mga ito ay nagulat ng makita si Fredie na duguan at walang malay habang buhat-buhat ng ibang tauhan ni Senyorito Zandro.
"Kamusta ka Karen?” Pag-aalalang tanong sa akin ni Nan Mila. Si Camille naman ay nasa tabi ko at pinakakalma ang aking nararamdaman, hindi ko magawang magkuwento dahil alam kong hindi naman nila ako maiintindihan. Subalit naroroon pa rin ang pag-aalala ko para sa binatang si Fredie alam kong malulungkot ang Mama nito oras na hindi ito makakarating mamayang gabi, napatingin naman ako sa mga bulaklak na angkalat sa lupa at nalungkot akong hindi na ito makikita ng ina ni Fredie dahil sa nadurong na rin ang ilan dahil sa natapakan it oni Senyorito Zandro ng atakihin niya si Fredie at bigyan ng mga suntrok.
"Okey lang po ako Nana Mila." Mahinang sagot ko dito. Tumango na lang sa akin ang matanda at nag-utos sa iba na linisin ang buong paligid at ibalik man kung ano ang nasirang mga bulaklak sa mga lagayan nito. Muli naman akong nakaramdam ng pagtingin ni Senyorito Zandro, subalit sa pagkakataong ito ay galit ko na rin ito tinignna at nakita ko rin ang malaking pagtataka nito sa akin, hindi ko na lang ito pinansin pa dahil ayokong makausapa ng ganitong klaseng tao dahil nagagawa nitong manakit kahit pa wala namang ginagawang masama sa kanya ang tao. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin si Nana Mila para umalis sa lugar ng pigilan it oni Senyorito Xandro at tuminin sa akin ng makahulugan.
"Sandali lang gusto kong makausap si Karen, iwan na lang muna n’yo kaming dalawa at may gusto lang akong liwanagin sa kanya." Matigas at may diin nitong sambit na lalong napadag-dag ng kabang nararamdaman ko, pero nilabanan ko ang takot dahila lam kong nasa tama ako at ayoko talagang may nakikitang nasasaktan ng walang kasalan. Nagkatinginan ang mga tao sa paligid namin at nakita ko na lang na isa-isa nawawala rin at umaalis ang mga ito, hanggang sa si Camille na lang ang natira subalit hinila naman ito ni Senyorito Khen at saka tuluyan na rin nawala ng mga ito sa paningin ko.
"A-ano po ang pag-uusap natin Senyorito Zandro?” Kinakabahan kong tanong dito, subalit kailangan kong manindigan sa kung ano ang tama. At mali ang ginawa nitong pangbubugbog kay Fredie kaya naman hindi ko hahayaan na ulitin pa niya ang mga ganoong bagay. Tao rin ang mga tauhan nito at marunong masaktan, naiinis na rin akong tumingin dito pero nakikita kong nag-aalinlangan ito sa nais nitong sabihin sa akin.
“Sorry, nabigla lang ako. Hindi ko alam minsan ang gagawin sa tuwing may nakikita akong lalaking kausap o kasama mo, Karen. Kaya sana ay mapatawad mo ako dahil hindi ko naman talaga gustong manakit, kaya lang nauunahan ako ng selos na makitang masaya kang nakikipag-usap sa tauhan kong yon.” Mahina at nahihiya nitong sambit sa akin. Pinakatitigan ko ito at alam kong nagsisisi na rin ito sa kung ano man ang ginawa niya.
“Masama na ba ngayon ang magkaroon na kaibigan na lalaki ha? At mawalang galang na rin Senyorito Zandro dahil sa pagkakaalam ko ay isa lang din ako sa mga tauhan mo ay hindi mo ako pag-aari? Kaya sa tingin ko po ay wala kayong karapatan na magselos dahil wala tayong relasyon maliban sa pagiging mag-amo?” Seryosong sambit ko dito at tumingin na rin ako sa kawalan dahil pinipigilan kong makita ang magiging reaksyon nito sa akin.
“I really like you, Karen” Mabilis naman nitong sambit na ikinalingon ko pa dito, lumapit ito sa akin at hinila ako sa bewang hanggang sa naramdaman ko na lang ang labi nitong humahalik sa labi ko. Mas lalo akong walang maintindihan dahil sa halik na ginawa nito sa akin. Tulad ng unang halik nito at wala akong naging tugon, hanggang sa napapikit na lang ako dahil sa parang inuubos nito ang lakas ko at ang tanging nagagawa ko lang ay ibigay dito ang kanyang nais.
Lumalim pa ang halikan namin ng maramdaman ko ang kamay nito na kinakapa ang aking isang dib-dib gusto ko sanang umagal ngunit ayaw ng bibig kong magsalita at sabi ng katawan ko ay ayos lang naman ang ginagawa nito. Hanggang sa hindi ko na rin talaga kinaya at npapaungol ako ng hindi ko rin namamalayan.
" I really miss you, honey." Sabi nito sa gitna ng aming paghahalikan. Nabigla ako at nakabawi sa aking kapusukan. Nilabanan ko ang nararamdaman ko at napahiwalay ako sa pagkakayakap nito kasabay ng pagputol ng aming halikan.
"What’s wrong?” Pagtatakang tanong nito sa akin at nakakuno’t pa ang kanyang noo. Naguguluhan ko na rin ito tinigan at alam kong alam na rin nito ang aking ibig sabihin.
"Ang sabi n'yo po mag-uusap tau eh, hindi naman usap ang ginawa n'yo sa akin Senyorito? Ayokong maging bastos sa inyo dahil amo ko kaya at alam kong Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Pero baka naman po pwdeng irespeto n’yo ako bilang babae at tao. Wala akong maintindiha sa gusto n’yong iparating na gusto n’yo ako, eh hindi nyo naman po magawang igalang ang mga bagay na meron ako.?” Salita ko dito na hindi inisip na amo ko pa s'ya. Naging seryoso rina ng tingin nito at alam kong tinamaan siya sa sinabi ko. Napahiwalay na rin ako dito at dahil na rin sa ginawa ko ay nagawa kong lumayo ng konti at muli akong tumingin sa kawalan, para isipin kung tama nga ba ang nasabi at nagawa ko. Tahimik pa rin ito at nakatingin lang sakin ng ilang minute pa ang lumipas ay bigla na lang ito napabuntong hininga at dahan-dahang lumapit sa akin. Bigla ako nito hila at napasubsob ako sa dib-dib nitong matikas dahil halata dito na tambay ito sa gym, wala itong naging tugon kaya naman napapaisip ako kung tunay at totoo ba ang sinasabi nito sa akin o gusto lang ako makuha nito na tulad rin sa nababalitaan kong mga naging babae nito noon.