Chapter Thirty-Four -Karen- Nagising ako sa isang malawak na parang isang paraiso, tinignan ko pa ang aking sarili dahil nagtataka kung bakit puting bistada ang aking suot. "Asan ba ako bakit parang ibang lugar ito, nasa ibang bansa ba ako?" Tanong ko sa aking sarili at iginala ang tingin sa buong paligid. Parang malawak na lupain lang ang nakikita ko at bakit wala akong makitang kahit na isang bahay man lang o mga tao na pwde ko sa ng mapagtanungan. Hindi ko na alam kung asan ba talaga ako ng may makita akong isang lalaking nakatayo di kalayuan sakin. Lalapitan ko sana ito ng bigla na lamang ito lumingon nanglaki ang aking mga mata ng mapagtanto ko kung sino ito. "Jeremie, " Mahina kong tawag dito nakangiti naman itong lumapit sakin at niyaya akong maupo sa isang upuan na malapit lang

