Chapter Twenty Five -KHEN- Natayo ako ngayon sa bintana ng kuwarto namin mag-asawa habang tinatanaw ko ang kambal kong naglalaro sa bakuran ng mansion ko. Actually wala akong idea na ganito ang piling ng isang lalaki kapag nagkaroon ng pamilyang masasabi mong sayo talaga. Kaya hanggang ngayon ay hinahangad ko pa rin para sa pinsan kong si Zandro na sana ay maranaas niya ang buhay na meron ako ngayon. Malaki ang tiwala ko dito at alam kong mahahanap din nito ang para sa kanya kaya naman hinahayaan ko na lamang ito sa mga bagay na gusto nitong gawin sa buhay niya. Alam ko rin na alam nito ang tama para sa buhay niya at malaki ang tiwala ako dito, hindi ko lang magawang mag-alala para dito, lalo pa ngayong wala itong maalala sa narakaan. Naramdaman kong bumukas ang pinto hindi na ako

