Chapter 43 -Zandro- Nakukuyom ako ng aking kamao ng dumampi sa aking pisngi ang isang malakas na sampal ng aking asawa, alam ko naman kung saan nagmumula ang galit nito kaya naman hindi ko pa rin magawang magalit dito . Naaawa ako dito dahil sa isiping pinagmukhang tanga lang namin ito ng aming mga anak dahil sa nagawa naming ilihim dito ang totoo. Kanina ng tumawag sa akin si Zhane na kasama niya ang kanyang Mommy na pupunta dito sa hospital ay nakaramdam na ako ng takot para sa galit ng aking asawa, kilala ko ito at hindi ito nagagalit ng walang matinding dahilan kaya alam kong magagawa nitong saktan ako dahil na rin sa nangyari kay Zen Levy. Habang umiiyak ito sa aming harapan ay hindi ko na rin mapigilan ang hindi ito yakapin, subalit talagang ayaw nitong magpahawak sa akin o magin

