Chapter Thirty-Two -Karen- Patuloy lang sa patulo ang aking luha habang nakatanaw sa malayo, andito ako ngayon sa kuwarto at tahimik na nakatingin sa bintana may naglalarong mga bata pero wala dun ang pokus ko. Pilit ko kasing inaalala ang lahat ng mga nangyari mula ng makilala ko ito nakasama at dinamayan ng mawalan ito ng buong pamilya. At nung mga panahon na lumabas ang resulta na pwede ko na itong magng tunay na anak sobrang saya ng puso ko dahil sabi ko sa wakas ay may anak na ako. Nung lumabas ang mga kapatid nito halos ito ang nag- aalaga dahil kaylangan kong magtrabaho dahil malaki ang gastos ng mga triplets lalo at ang bilis lang lumaki ng mga ito. Ang anak kong si Jeremie ang palaging nagigising sa madaling araw kapag narinig nitong umiiyak at magtitimpla ng mga gatas din ng m

