Chapter Twenty-Eight -ZANDRO- Hindi ko akalaing sasabihin yon ni Karen sa mga anak naming, akala ko pa naman ay galit ito sakin dahil sa mga nasabi kong masasakit na salita dito nguni’t nagkamali pala ako at labais kong pinagsisihan ang lahat ng to. Sa ngayon kasama ko ang mga anak dito sa bahay ko sa Cavite. Isa itong mansion na pinagawa ko para sa magiging pamilya ko, well wala naman akong ibang babaeng gustong maging asawa kung di si Karen lang. Nguni’t hindi ko alam na mangyayari ito agad at tatlong pa ang magiging bunga ng isang gabing may nangyari saming dalawa. Hindi ito sumama dahil may pasok sa school kasama nito ang isa pa nitong anak na si Jeremie, alam ko ang totoo dito dahil pinaimbistigahan ko na ito at tinanggap ko na rin ito nalaman ko kasi na hindi nito pinababayaan ang

