Chapter Twenty Three Three years ago -Karen- "Mama ko, andito na po kami ng mga kapatid ko tawag sakin ni Jeremie na hila-hila ang tatlong kapatid na pinatawag ko sa labas dahil kakain na ng tanghalian. Tatlong taon na rin ang nakakalipas sa bilis ng panahon hindi ko na rin namalayan pa ang paglaki ng mga ito. Grabe kasi ang tatlo lumalabas na ang pagiging bossy ng mga ito kagaya ng kanilang ama. Pero bilib ako sa Kuya nila dahil ginagalang nila ito at isang sabi lang nito ay mas sinusunod ng mga ito. "San mo ba nakita ang mga kapatid mo anak.?" Tanong ko dito habang papasok ng kusina para hugasan ng kamay ang tatlo. "Di yan po kila Aling Tinay nakikipag-away sa anak nitong si Leo Mama." Sagot nito na ikinalingon ko sa tatlo na ngayon ay nakayuko na sa aking harapan. "Ano nakipag-away

