chapter 2
NATAGPUAN na lamang ni Rean ang sarili nang hindi namamalayan sa park kung saan, palagi siyang dinadala ng mga magulang tuwing linggo noong bata pa siya. Dito malaya siyang nakakatakbo, nakakasigaw, at nakikipaghabulan sa mga batang nakilala niya at naging kaibigan.
Ngunit, ang hinding-hindi niya makakalimutan ay may isang bata ang lumapit sa kanya. Limang taon siya noon at sa pagkakatanda niya ay mahigit sampung taon naman ang batang lalaki.
Inalok siya nito ng ice cream na tinanggihan niya dahil sa paalala ng daddy at mommy niya na "don't talk to strangers" rule.
"Hindi naman ako stranger eh!" anang batang lalaki.
"Hindi kita kilala eh!" snob na sagot ng limang taong si Rean sabay irap na ikinatawa ng batang lalaki.
"Eh, di magpapakilala ako! I'm Emil. What is your name?" balik-tanong nito sa batang babae.
"Rean?"
"What a pretty name just like you?"
"Ako nga iyon eh!"
"Yes, like you!"
"That is my name, Rean!" sigaw sa inis ng batang babae.
"Yes, you are Rean. And so pretty you are?"
"No. I'm not pretty" umiiling na tanggi ng batang babae.
"Yes, you are?"
"No! I'm not!" sigaw ng batang si Rean na nakikipagtalo sa batang lalaki.
Bumangon siya mula sa pagkakaupo na pasalampak sa damuhan nang maalala ang bahaging iyon ng nakaraan.
"Is he the same Emil that I met when I was 5?" napakunot ang noo na tanong niya sa sarili.
What if, kung iisa lang ang Emil na nakilala niya noon at ang Emil na gustong ipakasal sa kanya ng mga magulang ngayon?
She still remember that she's fond of his eyes na tila nang-aakit at laging nakangiti sa tuwing tinitignan niya ito noon at inaasar naman siya.
"Waaaaa! Kailan pa ako naging interesado sa mata ng isang lalaki?" biglang saway niya sa sarili.
"Ganun ba kalandi ang limang taon na Rean dati?" kastigo niya sa sarili.
"Kainis! Bakit sa lahat ng lugar dito pa ako napadpad!" patuloy na pagmamaktol niya habang pasakay sa nakaparang kotse.
Pagkaupo ay kaagad na pinaandar niya iyon at nilisan na ang park. Iisa ang tinutumbok na daan. Ang kanyang "haven cave house" kung tawagin. Doon malaya siya. Walang may dumidikta sa mga galaw niya at higit sa lahat sariling mundo niya. Ang kanyang mga artworks and paintings.
Rean is a gifted artist. Bagay na tutol ang ama. Gusto nitong sumunod siya sa yapak ng daddy niya. A businessman. Kaya accountancy ang pinakuha sa kanya imbes na fine arts.
Kaya nagkakasya na lang siya sa patagong pagpipinta. Lahat ng artworks niya ay nasa haven cave house at hindi iyon alam ng daddy at mommy niya. Sa tuwing may problema siya o kaya'y in deppressed, dito siya pumupunta. Dito niya ginugugol ang oras niya. Her other way of deliberating herself.
Ito'y malayo sa condo na binili ng daddy niya para sa kanya. Nasa tabing dagat ito. A concrete house structure in bungalow style. Siya lamang ang nakakaalam ng lugar na ito. Maging ang gf na si Myla ay hindi niya sinabihan tungkol dito.
"SHIIIT!!!" napamurang bigkas niya nang tumunog ang kanyang mobile phone at makitang ang daddy niya ang tumatawag.
Napatingin siya sa canvass na ipinipinta. Hindi niya matukoy kung anong imahe ang nais buuin ng mga kamay niya basta ang alam niya ay sumusunod lamang siya sa bawat galaw ng mga daliri at palad niya.
Blangko ang ekspresyon ng mukha na nakatingin siya sa hindi pa tapos na painting. Napapaisip ng malalim nang muling pukawin ng walang tigil na pagtawag ng ama.
Ibinaba niya ang paintbrush na hawak at sinagot ang tawag.
Hindi pa man siya nakapag-hello ay sinalubong kaagad siya ng galit na boses ng ama.
"Where the hell are you Reana?" anang ama sa kabilang linya. "It's almost 7pm!"
"Coming dad!" sagot niya sabay press ng end button.
Hindi na niya hinintay na sumagot pa uli ang daddy niya at ayaw niyang makipagdiskusyunan dito. Not now. Not today.
Kaya nagkukumahog na nagligpit na lamang siya at nagbihis. May mga spare clothes siyang iniiwan sa cave house in case of emergency gaya na lamang nito ngayon.
As usual ay nawili siya sa kakapinta at hindi namalayan ang oras. Matapos niyang maligpit ang lahat na gamit ay lumabas na siya ng cave house at ikinandado iyon bago umibis sa kanyang kotse.
"SAAN ka ba galing at ngayon ka lang?" sita ng daddy niya.
Sa back door siya dumaan para walang makakita sa kanya. Kaya nagulat pa siya nang sa pagbukas niya ng pintuan ay makasalubong ang ama.
"Dad, hayaan muna nating makapagbihis si Rean" sansala ng mommy niya na sinundan ang ama.
"Pumanhik ka na sa kwarto mo anak, kanina pa naghihintay ang mag-aayos sayo" baling ng mommy niya sa kanya sa tinging nagpapaunawa.
Bumubulong-bulong ang daddy niya habang akay ng kanyang mommy pabalik sa bulwagan para umistima sa mga bisitang dumarating.
Napatingin siya sa kanyang mga kamay at hindi nga siya nagkamali. May mga spots ng paints ang braso niya at ganun din sa kuko niya na dumikit. Kaya nasisiguro niyang iyon ang dahilan ng pagbubulong-bulong ng daddy niya. Kung hindi lamang sa mga bisita ay nasisigurado niyang kanina pa umaalingawngaw ang boses ng daddy niya sa kakasermon sa kanya. Kaya abswelto siya ngayon!
"At bakit naman hindi? Its my big party, remember?" aniya sa isip na nakikipagtalo sa kanyang sarili.
Malawak ang bakuran nila kung saan ngayon idinadaos ang party para sa kanya. An engagement party to be exact!
Marami nang tao kanina sa bakuran nang pasalisi siyang pumasok sa front gate ng bahay. Mabuti na lamang at walang nakapansin sa kanyang patagong pagpasok papuntang backdoor.
"Ano ba?" singhal niya sa lalaking nakabangga.
Matangkad. Moreno. Built-in size ang pangangatawan. Halatang alaga sa ehersisyo. At may mga matang kaakit-akit. Tila nanghihipnotismo sa tuwing ika'y mapatitig.
"Teka, nakita ko na ang mga matang iyon ah!" sigaw niya sa isip. Hindi nga lang niya matukoy kung saan?
Natigilan siya sa sarili nang mahimasmasan. "Ako ba ito? Bakit bigla ko na lamang dinis-cribe ang balasubas na 'to" aniya sa isip.
"Miss sorry! Hindi kita napansin. Nalibang kasi ako sa pag-ikot sa lugar" hinging paumanhin nito in a very masculine voice. Lalaking-lalaki ang dating!
"Teka, kanina pa ako lalaki ng lalaki ah! Babae na ba ako? Para ma-e-engage lang naman ako! Oh, shiii--! Not again!" sabay takbo na umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay nila at hindi pinansin ang pagtawag ng tinawag niyang balasubas na lalaki.
Nakalimutan na naman niya na kanina pa naghihintay ang mag-aayos sa kanya. Matatapos na lang ata ang gabi hindi pa lumalabas ang bride to-be!
NAIWAN namang napa-puzzle si Emil nang talikuran siyang bigla ng babaeng nakabangga. Nang una ay hindi niya akalain na babae iyon kung hindi siya nito sininghalan ay hindi niya malalaman dahil sa ayos nito at dungis ng jeans na suot.
"Hindi kaya iyon si Rean?" naitanong ni Emil sa sarili.
Maagang dumating sa malaking bahay ang mga Nuevo. Buong akala ni Emil ay madadatnan niya si Reana at inaasahan na ito ang sasalubong sa kanila. Pero nagkamali siya ng iniisip dahil walang Reana sa bahay ng datnan nila.
Ayon kay Mr. de Castro ay nasa isang kaibigan umano si Reana having her despidida party na in-organize ng isang kaibigan ng dalaga. Kaya wala siyang magawa kundi ang hintayin na lamang ang pag-uwi ng magiging bride to-be niya.
Kaya, habang abala ang lahat sa paghahanda ay naglibot si Emil sa malaking bahay ng mga de Castro. Nililibang ang sarili dahil sa kabang nararamdaman sa paghaharap nila ni Rean. Ang babaing matagal na nitong iniingatan at tanging itinatangi ng pihikan nitong puso.