Chapter 3

1704 Words
chapter 3 "EMILIO! Hijo! There you are! Kanina pa kita hinahanap ah?" ani Mr. de Castro na lumapad ang ngiti ng makita siya sabay abot sa kanya ng red wine. "Thank you tito!" nakangiti rin niyang tugon. "Reana will be with us in a few minutes. Nagbibihis pa! Alam mo naman ang mga babae kung makaharap sa salamin tila wala ng bukas" anunsyo nito na bahagyang tumawa. "So tell me, kumusta naman ang kasalukuyang tinatayo mong commercial plaza mall?" pag-iiba nito ng usapan. "So far tito, wala naman masyadong problema. Aside sa mga minor difficiency na hindi naman talaga maiiwasan" ani Emil. Masayang nag-uusap ang dalawang lalaki habang pabalik ng bulwagan nang mapansin na ang mga bisita ay nakatuon ang tingin sa iisang direksyon ng may paghanga. Napasunod naman siya sa tinitignan ng mga ito at bumungad sa kanyang paningin ang naka-off shoulder black dress na dalaga na pababa ng hagdan. Hindi aware si Reana na napakaganda niya sa suot niyang damit nang gabing iyon. Ayaw pa sana siyang payagan ng kanyang coutourer na isuot ang napiling itim na damit pero nagpumilit siya. Talagang sinadya niya na kulay itim ang isuot para sana iparamdam sa mga magulang ang pagtutol niya. Ngunit kabaligtaran ang nangyari dahil mas lalong bumagay ang damit na iyon sa maiksi niyang buhok nang isukat niya na lalong nagpatingkad sa tinatago niyang ganda! Tila siya isang diyosa habang bumababa ng hagdan at nakatuon ang lahat ng paningin ng mga bisita sa kanya. Iisang kahulugan ang nababasa sa mga mata ng mga ito. Ang paghanga! Nilibot niya ang paningin na tila may hinahanap. Napatigil siya nang makita ang ama katabi nang lalaking nakabanggaan niya kanina at tinawag niyang balasubas. Wala sa sarili na napangiti siya pagkaalala sa salitang ginamit niya sa lalaki. "Ang ungas at ang lapad ng ngiti? Siya ba si Emil? Kung minamalas ka nga naman!" aniya sa isip habang nakita niyang naglalakad ito palapit sa kanya. Inilahad ni Emil ang kanang palad nang mapatapat na sa dalaga. Nakita niya ang pag-aalangan sa magandang mukha ni Reana ngunit inabot rin nito ang kamay niya at pilit na ngumiti. "Huwag kang ngumiti!" ani Rean sa kanya. "What?" "You heared me!" may diin na bigkas ni Rean sa mahinang boses. "Baka isipin nila may gusto ako sayo!" "Wala ba?" "Antipatiko ka rin ano?" ani Reana at bigla siyang hinarap pero nanatili lang siyang kampante. "Ang angas mo nga talaga! Baka maging battered husband ako nito kapag ikinasal na tayo. Kawawa naman pala ako!" sagot niya na ikinausok ng ilong ni Reana. Natutuwa siya sa nakikitang inis nito sa kanya kaya lalo pa niya itong inaasar. Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa palad ni Reana habang iginigiya niya ito sa kinatatayuan ni Mr. de Castro na kaylapad ng ngiti at proud na proud. To be more convincing ay hinapit niya ito sa baywang na ikinaigtad naman bigla ni Reana. Tumingin ito sa kanya sa nanlilisik na mga mata. "Sir?" ani Emil na ngiting-ngiti. "From now on, you will call me dad!" pagtatama ni Mr. de Castro bago ibinaling ang tingin kay Reana. "My princess! Look at you now! I can't believe that this will come too soon!" wika ng daddy niya bago siya nito niyakap. "Thank you!" anas ng daddy niya. Alam niya ang ibig ipahiwatig ng pasasalamat na iyon. Katumbas niyon ang sarili niyang kaligayahan kung alam lang ng mga magulang. "Dad, where's mom?" naitanong na lamang niya nang hindi makita ang ina sa gitna ng karamihan. "Over here my princess!" sabat ni Mrs. de Castro habang palapit kay Reana. Kung pagmasdan silang mag-ina ay talagang pinagbiyak na bunga. Namana ni Rean ang kutis at european features nito sa mommy niya. Ang height naman ay namana niya sa ama. Sa tangkad niyang 5'3 ay nagmukha siyang maliit nang tumabi kay Emil na sa tantya niya ay nasa 5'11 ang tangkad. May kaliitan kasi ang daddy niya. Katamtamang tangkad lang para sa mga lalaki. "I suppose you two have been introduce to each other already?" salubong ng mommy niya na palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Nakakatuwa mom, ngayon ko pa lang na-meet ang fiancee ko, at hindi ko akalain na fiancee ko ang ubod nang gwapo ang Emilio na ito?" aniyang sinadyang diinan ang pagbanggit sa pangalan ng binata at humawak pa siya sa braso nito at idinikit ang manipis niyang katawan sa matipunong katawan ng binata. Tila naman kinilig ang mommy niya sa kanyang ginawa. Nasabi tuloy nito na tama lang na pinagkasundo sila ni Emil at talagang bagay silang dalawa. "Myla is here my princess. Hindi mo pa ba nakita?" anang mommy niya matapos silang tuksuhin ni Emil. "Medyo may tampo ang kaibigan mong iyon dahil hindi mo man lang daw ipinalaam sa kanya na ikakasal ka na" patuloy pa ng mommy niya. Biglang umilap ang kanyang mga mata at pinagala ang paningin. "There you are" aniya sa isip nang mamataan si Myla sa nag-uumpukang mga bisita. "Excuse me mom, lapitan ko lang po si Myla" paalam niya sa ina. Ngunit hindi pa siya nakakalapit nang magsalita si Emil. Nakalimutan niyang kasa-kasama pala niya ito. "Your friend?" tukoy nito kay Myla. Tinitigan lamang niya ito nang hindi sinasagot. "Maganda rin siya tulad mo pero mas maganda ka. Mukhang nag-eenjoy naman siya sa kausap niya. Hayaan mo na siya. Ako na lang ang istimahin mo" patuloy pa nito na ikinataas ng kilay niya. "Asungot ka! Bakit ka ba sunod ng sunod?" biglang baling niya dito. "I'm your fiancee" tipid nitong sagot. "Will you stop it?" asik niya. "Stop what?" "Alam mong palabas lang ang lahat ng ito, bakit ka rin nakikisakay?" "Anong palabas? At hindi ako nakikisakay kundi nakikibagay" tugon naman nito. "Just shut up!" "Hey, hindi pa man ay nag-aaway na kayo? Or ganito lang ang lambingan niyo? Sorry to disturb you guys!" ani Myla na nakatuon ang tingin kay Rean. Nang-uusig ang mga mata. "You must be the groom to be?" baling nito kay Emil. Tinitigan lamang ito ni Emil at nginitian. Pagkatapos ay siya naman ang binalingan ni Myla. "Wow! I can't believe this! I mean, you Rean, a bride to-be? Well, what else can I say but, congratulations! Hope na maging masaya ka!" may diin sa huling sinabi nito. Hindi niya malaman kung paanong haharapin si Myla. Mabuti na rin at hindi siya hinihiwalayan ni Emil kahit sinusungitan niya ito. "She will!" salo naman ni Emil. "If you'll excuse us? Sasalubungin lang namin ang ibang mga bisita" ani Emil at iginiya siya pabalik kung saan naroon ang papa at mama niya. Napapalingon siya kay Myla habang hawak siya ni Emil sa beywang na iginigiya palapit sa mga magulang nito. Gusto niyang kausapin si Myla ng sarilinan ngunit paano? "Here they are!" narinig niyang anunsyo ng daddy niya. "Diba bagay na bagay sila mga balae?" "Saan ka pupunta?" ani Emil nang pigilan siya nito sa bandang siko. "Hindi ka pa nga nakaupo eh!" Namataan niyang pumasok ng ladies room si Myla. Susundan niya sana ito. "Sa powder room sasama ka?" baling niya sa binata. Hindi pa man ay de-monitor na ang galaw niya? Paano pa kaya kung mag-asawa na sila? Kinilabutan siya sa naisip kaya ipinilig niya ang ulo bago tuluyang talikuran ito. Nag-excuse naman siya sa mga magulang at ganun din sa mga magulang nito. "Myla, please let me explain!" pigil niya sa babae nang pagpasok niya ng ladies room ay palabas naman ito. "Ano pa ang ipapaliwanag mo Rean? Maliwanag na sa akin ang lahat! Nakikita kong magiging masaya ka sa kanya and I want to be happy for you too Reana. I mean it! And by the way, bagay sayo ang suot mo" ani Myla na mababanaag ang pait sa mga mata. "Myla.." anas niya. Wala siyang maapuhap na sabihin sa babae hanggang sa lumabas na ito ng ladies room. Nanatili naman siyang nakatungo lang sa harapan ng salamin habang pinakatitigan ang sariling repleksyon. "No! This isn't me!" sigaw niya sa isip. What she's seeing is a reflection of a sophisticated modern woman of her age with a strong attitude and confidence, with courage and presence! "She's a fake!" muling sigaw niya sa isip. Hindi kumbinsido sa nakikita ng kanyang mga mata ayon sa ipinapahiwatig ng repleksyon sa salamin. Galit na naghilamos siya kaya natanggal lahat ng make-up niya na pinaghirapan ng baklang make-up artist na kinuha ng mommy niya. Ilang beses pa naman niya itong neritoke kanina dahil hindi niya gusto ang may kolorete sa mukha. Pagkatapos ay marahas na binuksan niya ang pinto at pabagsak na isara iyon. "I don't want this too!" "Who?" "You!" sagot niya kay Emil. Sa galit marahil ay hindi niya ito napansin na nasa labas ng ladies room. "Did you follow me?" "No! I've been waiting here dahil tinatanong ako ng mga bisita kung nasaan na ang fiancee ko." "And wait, put your make-up on!" pigil nito sa kanya ng akma niyang lagpasan ito. "Damn!" "Minumura mo ba ako?" anito. "Binanggit ko ba ang pangalan mo?" sarkastiko niyang tugon. "Come" sabay hila nito sa kanya paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. "Saan mo naman ako dadalhin? Baka nakakalimutan mo bahay namin ito?" "I don't damn care! Hindi uubra sa akin ang pagka-brusko kuno mo!" asik nito bago pwersahang binuksan ang isa sa mga guest room nila. "Stay here!" anito na sapilitan siyang pinaupo sa silya na kaharap ng salamin. "At huwag kang aalis o lumabas ng kwartong ito nang hindi ko nalalaman!" banta nito bago lumabas ng silid. "s**t! Demanding pa kay daddy ang damuho!" nangngingitngit sa inis na wika niya. "Humanda ka mamaya, makakaganti rin ako sayo!" "Oh, dear! My dear Reana not again?" anang baklang umayos sa kanya nang mapasukan siya sa silid. Tinawag ito ni Emil nang lumabas at iniwan siya kanina. Alam niyang nababanas na ang bakla sa kanya kanina pa pero nagpipigil lang at malaki ang ibinayad ng mommy niya dito. Isa pa, sa salon nito lagi nag-papaayos ang mommy niya ng buhok at nagpapa-make-up sa tuwing may dadaluhan na importanteng okasyon ang mga magulang. "Do as fast as you can please, Megan" ani Emil sa bakla. Pagkatapos ay kampanteng naupo ito sa single sofa paharap sa kanya. "Talagang nananadya ang hudyo!" aniya sa isip saka matalim na pinukol ito ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD