chapter 4
PAKIRAMDAM ni Rean ay napakahaba ng gabing ito para sa kanya. Tila kaybagal ng oras dahil kanina pa sila nasa gitna ni Emil na kabilang sa mga magkaparehang nagsasayaw na sumusunod sa sweet music na kasalukuyang tumutugtog. Pagbaba nila kanina matapos siyang maayusan uli ni Megan ay hindi na siya hinihiwalayan ng binata. Nakabuntot ito sa kanya kahit saan. Kaya hindi siya makalapit-lapit kay Myla kahit pa may pagkakataon dahil nasa likod niya lagi ang binata.
"Do it again and I will kiss you right here! Right now!" mariing banta ni Emil na kanina pa nagtitimpi sa kanya.
Dahil maraming beses na sinasadya niyang apakan ang paa ng binata dahil sa totoo lang ay kanina pa nangangalay ang mga paa niya. Hindi siya marunong sumayaw kaya parang nakatayo lang naman siya sa gitna na sumusunod sa bawat galaw ng binata. Gusto niyang iparamdam rito na hindi siya interesado para mawalan ito ng gana sa kanya.
Ngunit kabaligtaran dahil lalo naman siyang inaasar ni Emil. Tila ba alam nito ang nasa isip niya at kinakalaban siya sa anuman ang gagawin pa lang niya.
"What have I done?" maang-maangan na sagot ni Rean.
"Try me and you will see!"
"Alright! Can we sit now?"
"No! Dito ka lang hanggat' hindi ko sinasabi!"
"You said it again!" nakasimangot na sabi niya.
"And I will not get tired to say it again and again!" sagot naman ng binata.
"Hindi ka pa ba napapagod?"
"Hindi."
"Wala ka bang girlfriend na masasaktan sa gagawin mong pagpayag sa kasunduan?" pag-iiba niya ng usapan.
Gusto niyang alamin kung magtatapat ito sa kanya na may girlfriend ito na iniwan nang dahil sa kasunduan ng mga magulang at kung magbubukas ito ng personal na buhay sa kanya.
"Walang masasaktan dahil wala akong girlfriend."
"Is it about tha company kaya napapayag kang ipagkasundo tayong dalawa?"
"Please stop it Reana. Your talking nonsense."
"So it is the joint company then" giit niya.
Hindi nakapagpigil si Emil at kinabig niya palapit si Rean sa kanya habang hapit nito ang maliit na beywang ni Reana at natuksong halikan ang dalaga!
"Her lips was so sweet and innocent!"
Iyon ang tumatak sa pilyong isip ng binata nang lumapat ang bibig nito sa labi ni Rean dahilan na nagtulak sa binata na huwag pakawalan ang mga labi ni Reana. Naramdaman pa nito ang bahagyang paninigas ni Rean sa kapangahasan niya habang hinahalikan ito ngunit hindi iyon nakabawas sa pagnanais niya na laliman pa ang paghalik dito kahit pilit na kumakawala sa mga halik niya ang dalaga sa nandidilat na mga mata.
"How dare you?!"
Pigil ang galit na kumawala kay Rean habang sinasabi niya iyon. Habang ngiting-ngiti naman si Emil. Tila wala lang dito ang nangyari at hindi man lang kakitaan ng guilt.
"I warned you, remember?"
"Now, I'm wondering kung totoong tomboy ka or nagpapanggap lang?" nakangising patuloy pa ni Emil.
Mangiyak-ngiyak naman siya dahil sa sinapit. Hiyang-hiya siya sa sarili at nagpupuyos sa galit nang akmang tatalikuran ito ngunit muli siya nitong kinabig palapit dito. Hindi siya tumutol sa ginawa ni Emil nang matuon ang tingin niya sa mga bisita na sa kanila nakatingin.
In a slow motion na nag-pause pa ang mga bisita pagkatapos ay pumalakpak sa eksenang nakita kani-kanina lang.
"Lovely couple! Ang sweet nila!" kinikilig pa na sabi ng isang bisita.
"Kainggit naman sila!" sabi din ng isa at marami pang ibang mga bisita ang pumuri sa ka-sweetan kuno nila ni Emil.
"You heared that? Even them, they loved us both!" bulong ni Emil sa kanya na hindi binibitawan ang kamay niya na hawak nito.
"I hate you!" mariin niyang sabi dito.
"I don't think so?" tugon naman ni Emil.
"I will never love you!" mariin niyang sabi.
"You'll never know" sagot naman ng binata.
"Talagang hindi!" pamimilit niya na kulang na lang ay isigaw niya sa tenga ng binata para marinig siya nito. Mabuti na lamang at may music, walang may nakakarinig ng kung anuman ang pinagtatalunan nilang dalawa.
"Act naturally para hindi ka halatang affected sa halik ko!" pang-iinis ng binata.
"Ladies and gentlemen please allow me to greet you all a pleasant good evening to each and every one!" umpisa ng daddy ni Rean na nasa gitna hawak ang microphone.
Dahilan din at napatigil sila ni Emil sa pagsasagutan at natuon ang atensyon sa daddy niya at ang lahat ng mga bisita.
"As I have said, this night will mark as one memorable day in our family and I want to thank you all who are here tonight to witness the engagement of my daughter Reana to the one of the bachelors now in the city! Emilio Nuevo! The son of my very own best partner as well my best friend!" anunsyo ng daddy niya.
Malapad ang ngiti na iginiya siya ni Emil palapit sa daddy niya na patuloy sa pagsasalita. Dahil sinenyasan ito ng daddy niya na lumapit silang dalawa. Palakpakan naman ang mga bisita nang makalapit na sila sa daddy niya.
"Soon after you will all know the exact wedding date. For now lets enjoy this night all together with this dearly lovely couple!" pagtatapos ng daddy niya.
Habang siya ay inip na inip na sa kaganapan nang buong gabi. Gusto na niyang matapos ito kaagad at matulog. Baka sakaling sa paggising niya ay panaginip lang ang lahat at babalik na sa normal ang buhay niya.
Samantala, sa kalagitnaan ng kasiyahan ay may isang taong nagngingitngit ang kalooban. Sa dami ng bisita ay walang may nakapansin kung paano nito titigan nang may inggit si Reana sa tuwing mapadako ang tingin nito sa dalaga.
"Akin lang si Emil! Hindi ako papayag na mapunta siya sayo Reana o kahit kanino! Akin lang siya!" tiimbagang nitong usal sa sarili.
"Pagkatapos nang gabi ito mawawala ka na sa landas ko Reana!" patuloy nito at nakihalubilo na sa mga bisita.
Pinaikot ni Emil ang paningin para hanapin ang mga magulang ngunit napatigil siya nang mapadako ang tingin niya sa babaeng katabi ng mga ito. Sa palagay niya ay kararating lamang ng babae.
"Alice!" masayang bigkas ni Emil ng makalapit sa kababata. "I thought hindi ka na makakaabot? Ang sabi kasi ni tita baka delayed ang flight mo pabalik ng bansa? I'm so glad you came!" patuloy ni Emil na hinalikan sa pisngi si Alice.
"Well, I am here now! And you're Rean of course!" nakangiting baling ni Alice kay Reana na kahawak-kamay niya.
"Hi!" tipid na bati ni Reana.
"Love, si Alice Palmes kababata ko" pagpapakilala niya sa dalawang babae.
"Its so great to finally meet you, Alice! Emil is talking so much about you!" nagagalak na bati ni Reana sabay yakap at halik sa babae.
Palihim naman na pinisil ng binata ang kamay ni Rean na hawak nito dahil sa kung anong kasinungalingan ang pinagsasabi nito kay Alice.
"Really? Siguro naman puro magaganda ang kinukwento niya about sa akin?" tugon ni Alice bago muling bumaling ng tingin kay Emil.
May ideyang biglang kumislap sa isipan ni Rean nang mga sandaling iyon. There is something about this Alice. Malakas ang intuition instinct niya.
"Alice, please do me a favor. Iiwan ko muna sayo ang fiancee ko, hindi na kasi ako hinihiwalayan niyan mula pa kanina, buntot ng buntot" sabi niya na binuntutan ng tawa. "I can sense na matagal kayo bago nagkita. So, why don't you both chat for awhile? Mag-iikot-ikot lang ako and mingle with some friends" patuloy niya at akmang tatalikod na siya nang hawakan ni Emil ang braso niya sa nagbabantang mga titig.
"Honey naman" may lambing sa boses na bigkas niya at ngitian ito.
"I am just around, you know where to look for me."
"Are you sure Reana?" tugon ni Alice.
"Of course Alice!" masiglang sagot niya bago binalingan ang papalapit sa kanila na si Myla.
"Here she is!" anunsyo niya nang nasa harapan na nila si Myla.
"Myla, I want you to meet Alice Palmes, a dear friend of Emil. And Alice, this is Myla Arones, a dear friend of mine too!" pagpapakilala niya sa dalawa.
"Nice to meet you Myla!" nakangiting bati ni Alice.
"Same here Alice!" wika din ni Myla at pagkatapos ay bumaling kay Emil. "Hiramin ko muna itong Fiancee mo ha, Emil? Ibabalik ko din mamaya, its a girltalk kaya bawal ka!" sabay tawa na bigkas ni Myla.
Wala nang nagawa ang sanang pagtutol ni Emil ng akayin na siya ni Myla palayo. Nakita pa niya kung paanong naningkit ang mga mata nito na nakakuyom ang palad ng lingunin niya at kindatan.
"I am going back to London tomorrow morning, are you still coming?" sabi ni Myla nang makalayo na sila sa karamihan.
"Myla.." anas niyang hindi alam ang isasagot.
"I get it. You can't. I understand."
"Its not that! I don't know now! Look Myla, everything just happened suddenly! I don't know what to decide!"
"Ganito lang iyan Rean, are you coming with me? Yes or no?"
Nagpakawala na lamang ng malalim na buntunghininga si Alice nang hindi pa rin siya makasagot sa tanong nito bago muling nagsalita.
"Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo! Hihintayin kita sa airport pero kung hindi ka darating sa oras na napag-usapan natin, magkalimutan na tayo!" ani Myla at tinalikuran na siya. Deretso ito palabas ng main gate.
Hindi niya maintindihan ang sarili. Gustuhin man niya itong habulin ay hindi niya magawang ihakbang ang mga paa. Maging ang tawagin ito sa pangalan ay hindi niya maibigkas.
"I'm so sorry!" anas niya kasabay ng paglaglag ng mga luha.
Kinabukasan ay nayanig ang buong kabahayan sa sigaw ni Eva de Castro.
"Reanaaaaaa!!!!"
Nagkandakumahog naman ang asawang si Agosto de Castro na napasugod sa silid ng anak na si Reana.
"What happened?"
"She's gone!" umiiyak na sambit ni Eva.
"What do you mean she's gone?" tanong ng naguguluhang si Agosto sa asawa.
"She's gone! Can't you see it? Wala na si Reana! Iniwan niya tayo! She left! Lumayas siya! And this is all your fault Agosto!" galit na paninisi ni Eva sa kaharap.
"Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hindi kita mapapatawad!"
"Hindi kita mapapatawad Agosto!" sabay talikod na iniwan ni Eva ang nanatiling nakatayo na asawa habang nakatuon ang mga mata sa bukas na closet ni Reana na wala nang laman.
"God!" nanlulumong sambit ni Agosto.
"Eva!"
"Eva!" tawag nito sa asawa na bumababa ng hagdan.
"Where are you going?"
"Eva!" paulit-ulit na tawag ni Agosto ngunit tila walang naririnig ang asawa at hindi siya nito pinapansin.