EXAUSTED ang isip at katawan na binagsak ni Reana ang likod sa sahig kung saan nagkalat ang mga pinta at paint brushes. Kasalukuyan na naman siyang nasa kanyang sariling mundo. Iyong malayo sa mga tao. Sa kanyang haven cave house.
Kanina pa siya nakatitig lang sa sketch pad na tila may imahe doon at naghihintay na iguhit niya. Subalit hindi naman umaayon ang kamay niya na tila tinatamad. Malinaw pa rin sa isipan niya ang tagpo kanina sa airport, ang huling pag-uusap nila ni Myla.
"Are you sure this is what you want? Paano ang exhibit na sasalihan mo sa New York?" ang hindi makapaniwalang si Myla sa naging desisyon niya.
Umalis siya ng bahay nang madaling araw dala ang mga damit, gamit, at personal belongings na sumunod kay Myla sa airport. Ngunit pagdating doon at nang nasa departure area na ay bigla na lamang siyang umurong at sinabi dito na hindi na siya tutuloy.
"I can't Myla..! I am so sorry! Hope you understand. Malaking kahihiyan sa pamilya ang gagawin kong pag-urong sa kasal at lalo na kay daddy. I can't fail him!"
"Ang tanong ko ang sagutin mo! Ito ba talaga ang gusto mo?" ulit ni Myla na tinitimpi ang galit.
"You know how much I want to be with you! Just the two of us! But I just can't!" nanlulumong sagot niya.
"Well, then? Goodbye Reana!" sabi ni Myla at tinalikuran siya.
"I will call you as soon as you arrived there!" pahabol niyang sabi.
"Don't bother!" sagot naman nito bagamat patuloy ang paglalakad palayo.
Madilim ang kalangitan nang lisanin niya ang airport. Tila ito nakikisimpatya sa kasalukuyang niyang nararamdaman at nagbabanta ng isang malakas na pag-ulan samantalang ang ganda ng sikat ng araw kaninang umaga. Kaya naisipan niyang dumaan muna sa cave house at doon magpalipas ng oras at sama ng loob. Gulong-gulo ang isip niya sa mga kasalukuyang nangyayari sa kanyang buhay. Hanggang bumuhos na nga ang malakas na ulan at doon na siya inabutan sa cave house. Para malibang at maibaling kahit saglit ang mga gumugulo sa isip ay inilabas niyang lahat ng mga gamit sa pagpipinta at nagsimulang humulma ng isang obra ngunit sa kanyang dismaya ay wala siyang maiguhit na kanyang ipinagtataka dahil ngayon lang ito nangyari sa kanya.
"Shiiitttt!! What is happening to me? How could I've done this to Myla?" nalilitong sabi niya.
"At ang exhibit?" patuloy na kausap niya sa sarili na nakatihayang nakahiga sa sahig. Hindi niya ramdam ang lamig na mula sa kahoy na sahig na nanunuot sa kanyang balat lalo pa at umuulan.
Ang exibit na kanya sanang dadaluhan ay isa sa mga prestigious events na ginaganap every year sa nasabing bansa. Naghirap pa naman si Myla na maisali ang ilan sa mga piling paintings niya para lamang makapasok doon pagkatapos ay hindi rin pala siya personal na haharap doon. On her behalf ay si Myla ang haharap sa mga taong pinangakuan nito kaya kailangan na naroon ito sa araw ng pagdalo.
Sa lalim ng iniisip niya ay napahawak siya sa bibig na hinalikan ni Emil. Bigla naman sumungaw ang ngiti sa kanyang labi pagkaalala sa nangyaring halikan.
"He's the one who kissed me! Not me!" giit niya sa isip at ayaw umamin na may kakaibang damdamin ang napukaw sa kanya sa paghalik na iyon ni Emil.
Sa isiping iyon ay bigla siyang bumangon at humarap sa lababo na pinagkukuskos ang bibig ng tubig gamit ang kanyang kamay.
Hindi niya gusto ang nangyayari sa kanyang sarili. Kung dati ay alam niya kung ano at sino siya, ngayon ay iba na simula nang magkaharap sila ni Emil.
"No! I know who am I and who I was!" giit niya sa sarili.
Kinabukasan ay maagang nagising si Emil na masayang-masaya. Nakangiti pa ito nang magtungo sa kusina at humarap sa kusinera nilang si Nana Pasing.
"Good morning Nana Pasing!" bati niya na ikinagulat nito.
"Ay kalabaw ka!"
"Si nana naman! Hindi naman ako mukhang kalabaw at lalong hindi ako amoy kalabaw! Naligo na po ako! Amuyin mo pa ako!" sabi niya sabay lapit dito.
"Sa ginulat mo ako eh! At bakit ka napadpad dito sa kusina samantalang ni minsan simula nang manilbihan ako sa bahay na ito ay hindi pa kita nakikitang nagagawi dito?"
"Sa naamoy ko po ang mabangong niluluto niyo eh!"
"Talaga? Hmmm...hindi ako naniniwala! Lagi naman mabango ang niluluto ko pero hindi ka napupunta dito!" ang tila may hinampo na tugon ni Nana Pasing.
"Baka po nagkataon lang at nagkakasalisihan tayo sa tuwing napupunta ako ng kusina?"
"Naku bata ka utuin pa ako! Pero teka nga, bakit ang aga mo?"
"May hihilingin po kasi sana ako Nana Pasing" sabi niyang tinatantya ang mood ng kaharap.
"Ayun pala! Ano ba iyon?"
"Gusto ko po maghanda kayo mamaya ng espesyal na dinner para sa dalawa. Iimbitahin ko po dito si Reana" nakangiti niyang sabi.
"Kaya naman pala ang ganda ng gising ng alaga ko! Oo naman, sabihin mo lang ang mga pagkain na gusto mong ipahanda at ako na ang bahala!"
"The best ka talaga Nana Pasing!" sabi niya at niyakap itong bigla na muntik nang ikatumba ng Nana Pasing niya at ikinatawa nilang dalawa.
"Saan ko naman ihahanda ang mga pagkain pagkatapos?"
"Sa garden po Nana Pasing. Tatawag ako ng mag-a-arrange at magde-decorate."
"Talagang paghahandaan mo ah! Inlab ka na nga talaga! Sa wakas napana din ni kupido iyang pihikan mong puso!" ani Nana Pasing na natutuwa sa ipinapakitang kasiglahan ng alaga.
"Salamat po Nana Pasing! Alam kong maasahan kita kaya ikaw na ang bahala sa lahat. Susunduin ko lang po si Reana."
"Nang ganito kaaga?"
"Hindi po! Magja-jogging muna ako at pagkatapos ay maliligo at kakain ng inihanda ninyong almusal. Pagkatapos, dadaan muna ako sa construction site. Marami po akong nakabinbin na trabaho doon at kailangan ng presensya ko." mahabang paliwanag niya na hindi nawawala ang kakaibang sigla.
"Humayo ka na at nang makabalik ka dito ng maaga!" pagtataboy ni Nana Pasing sa kanya na ikinatawa niya at talikuran na ito.
Routine na niya tuwing madaling araw ang pagja-jogging sa loob ng subdivision basta narito siya sa bansa dahil kadalasan ay out of the country ang trabaho niya. Sinisiguro niyang well 'n fit siya at alaga sa ehersisyo ang katawan. Dahil nitong pasts months lang siya napermi ng bansa na sinamantala ng mga magulang at naiplano na i-engage siya sa unica hija ng mga de Castro.
Nakatatlong ikot na siya nang makatanggap ng tawag mula kay Mr. de Castro dahilan at napatigil siya sa paglalakad.
"Hello tito? Good morning! Anything I can do for you?" masigla niyang bati nang sagutin ang tawag.
"Good morning too Emil, pasensya ka na kung nadistorbo kita" sabi ni Agosto de Castro sa kabilang linya.
"Perhaps its important tito" tugon niya at biglang sumeryoso.
"There's a problem Emil! Nawawala si Reana!"
"What?!" sa gulat ay napalakas ang boses niya. "What do you mean na nawawala tito? Where she could be? At kailan pa?"
"Hindi pa siya umuuwi since yesterday. Natuklasan na lang namin kinabukasan pagkatapos ng engagement party na wala na siya dala ang mga damit niya."
"And why you didn't tell me about this tito Agosto?" may sumbat sa boses na sabi niya.
"Please Emil, help us find her! Nag-aalala na kami lalo na ang mommy niya!"
"Ok tito, magkita na lang po tayo sa isang lugar para makapag-usap."
"Sige hijo, sabihin mo kung saan at anong oras!" ani Mr. de Castro na mahahalata sa boses ang sobrang pag-aalala.
Kulang na lang ay lumipad si Emil na tumatakbo pabalik ng bahay. Pagdating ng kwarto nito ay deretso kaagad ng banyo at dali-daling naligo. Kung paano siyang natapos sa paliligo nang ganun kabilis ay ganun din kung paano itong nagbihis. Maging nang tawagin siya ni Nana Pasing ay hindi niya narinig at nilagpasan na lamang ito sa bilis ng paglakad na lumabas ng bahay at tinungo ang garahe. Nagtataka na nakakunot ang medyo may kulubot nang noo ng kusinera na sinundan na lamang ng tingin nito ang alaga.
"Reana, where are you?" inis na sambit ni Emil sa sarili nang hindi makontak ang numero ng dalaga habang nagmamaneho. Hanggang sa sumagi sa isip nito ang nag-iisang tao na malapit sa fiancee.
"Ah, yes, Myla! But--where I can find you too?" tila sumakit ang sintido ng binata ng mga sandaling iyon sa kung ano ang dapat unang isipin o gawin para mahanap si Reana.
Akmang idadayal ni Emil ang numero ni Agosto de Castro nang makitang tumatawag naman si Alice. Sa halip na sagutin ang dalaga ay pinatayan nito iyon ng telepono at itinuon na lamang ang atensyon sa pagmamaneho.
"Not now Alice! Not now!"
Samantala inis na inis naman si Alice nang hindi sagutin ni Emil ang tawag nito and the worst is, he hang up on her!
"What's his problem?"
"Hey, girl cheer up! I just told you! Let him go!"
"Shut up Irene!" sigaw ni Alice sa kaibigan.
She's at her condo at nagpapasundo kay Emil kaya nito tinawagan ang binata.
"He's engaged and getting married! For God's sake Alice! Forget him!"
"No! I can't!"
"And why not?" kunot ang noo na tanong ni Irene. Naiinis na ito sa katigasan ng kaibigan.
"Its because I am pregnant!"
"You are what--?"
"Before I drove here in your place, dumaan ako sa pharmacy and bought a pregnancy test and its positive! I am two months pregnant!" umiiyak nang amin ni Alice. Nilapitan naman ito ni Irene para yakapin.
"Paano mong ipapaliwanag ito sa kanya ngayon?"
"I don't know Irene. I don't know! Ayaw kong kamuhian ako ni Emil! Not this time that I needed him most! Alam kong hindi niya ako paniniwalaan sa ipagtatapat ko!"
"But you have to! May karapatan siyang malaman na sa kanya ang dinadala mo!" pangungumbinsi ni Irene.
"But how? Ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko kanina pa! Hindi ko alam kung bakit!"
"Hindi kaya may alam na siya sa nangyari?"
"I doubt it, I! Wala siyang maalala, I am sure of that!"
"How could you be so sure?" muling tanong ni Irene.
"Its because I drugged him!" nakayukong amin ni Alice sa kaibigan.
"God Alice! Ano ba itong ginawa mo?"
"I love him so much! I don't want to lose him kaya ko nagawa ang lahat ng ito! At hindi ko pinagsisihan ang lahat dahil alam kong magiging akin si Emil. Akin lang siya!"
"You're crazy Alice!" singhal ni Irene dito habang hawak ng dalawang kamay ang balikat ng kaibigan.
"I know" nakangisi pang sagot ng dalaga.
Itutuloy...