chapter 6
Two months ago..
"ALICE, are you okay? What happened?" humahangos na tanong ni Emil sa kababata.
"Emil, you're here!" bigkas ng dalaga na niyakap kaagad ang kadarating lang na si Emil.
"Yes, Im here Alice!" hagod sa likod na sambit naman nito. "Now, take a deep breath and tell me what had happened!"
"Thanks for coming!" sambit ni Alice matapos mahimasmasan.
"I drove here as soon as I recieved your message!"
"Im so sorry kung naabala kita sa trabaho mo. I know that you're busy, wala na kasi akong ibang maisip na pwedeng matawagan" humihikbi pa rin na sambit ni Alice.
"Yes, my secretary told me that you called three times. Nasa construction site kasi ako kaya hindi kita agad natawagan. Huwag mo nang isipin iyon, ang importante walang may masamang nangyari sayo. Now, tell me what happened!" ulit na tanong ng binata. "Are you alone here?"
"It doesn't matter now that you're here" umiiling-iling na sagot ni Alice nang kumalas sa binata.
"Okay, okay.. You take a rest at ako na ang bahala dito."
"Pwede bang dito ka na matu-log?" ang tila nag-aalangan pang tanong ng dalaga.
Tumingin dito si Emil na hindi makasagot. Iniisip na kung tanggihan nito ang kababata at sakaling may masamang mangyari dito ay dadalhin pa rin nito sa konsensya niya.
"Sige, sasamahan kita ngayong gabi. Alam mo naman na hindi kita matiis."
"Salamat!" nakahinga ng maluwag na sagot ng dalaga.
Ang hindi nakita ni Emil ay nang napangiti ng lihim si Alice sa binabalak sa binata. Pumasok kasi ito sa kusina para umano ipaghanda siya ng mainit na mahihigop. Its been two months since nakauwi ng bansa ang binata. Magkakilala ang mga magulang nila dahil sa negosyo. Hindi man masasabing malapit na magkakaibigan ang mga magulang nila pero lumaki silang sabay at sabay din nag-aral sa isang exclusive schools sa bansa. Nagkahiwalay lamang sila nang sa ibang bansa na nag-aral si Emil. But its not enough reason for her to stop loving Emil secretly! Yes, she loves him! But scared to death na ipaalam iyon sa binata sa takot na iwasan at kamuhian siya ng kaibigan. Una rito, sinabi na ni Emil na mahal siya nito bilang isang kapatid at kung sinuman ang mananakit sa kanya ay ipaglalaban siya. Ayaw niyang masira ang tiwala ni Emil kung kaya lihim niyang pinakatago-tago and damdamin sa kababata. Sapat nang malapit siya dito. Ngunit biglang nag-iba ang lahat at gumuho ang natitira pa niyang konting pag-asa na mapasakanya ang kaibigan nang ipagtapat nito na uuwi ito for his engagement na ikinagulat niya. Kasalukuyan kasi itong nasa States for a business transaction.
"Y-you are getting mar-married?" ang hindi mabigkas-bigkas na ulit niya sa gulat nang tawagan siya ng binata via-long distance call. Kung sana nakita lang ni Emil ang mga luha na bigla na lamang bumuhos sa kanyang mga mata ng mga sandaling iyon pero pilit pa rin siyang nagpakahinahon at hindi nagpahalata na nasasaktan, sa halip ay binati niya ito ng advance congratulations!
"Thank you! See you soon when I get there!"
But to her surprise umuwi ito ng mas maaga at ginulat na lamang siya isang umaga na naroon ito sa garden at hinihintay siya. Patakbo siyang lumapit dito at agad na yumakap.
'I missed you!"
"I missed you too! Pero kapag kasama ko na ang fiancée ko huwag kang ganyan ha? Baka magselos eh!" natatawang biro nito na ikinaasim ng mukha niya.
"Ganun ba? Sorry ha? Nakalimutan ko mag-aasawa ka na nga pala!"
"Ikaw naman kasi bakit hindi mo pa sagutin si Jonem, mabait naman iyon at gwapo pa! Sa ganun double wedding tayo diba?"
"Naku, pwede ba? Don't ruin my beautiful day! Ganda-ganda ng araw ko eh sisirain mo lang!" nakasimangot niyang sabi.
"Is that so? And who's the lucky guy?" sabay pisil sa baba niya na tanong nito.
Tumitig siya dito at gusto nang sabihin na ito pero nagpigil lamang siya at sa halip ay iba ang kanyang nasabi.
"Where did you two met?"
"We've not yet meet!" deretsang sagot nito na ikinagulat niya.
Natawa marahil ito sa reaksyon niyang namimilog ang mga mata habang nakataas ang kilay na hindi makapaniwala sa sagot nito.
"You're fooling me right?"
"Im not! Hindi ko pa siya nakilala at nakita in person but I know in my heart tha I love her!"
"You know her through internet then?"
"Nope!"
"Will you get to the point? You're puzzling me!" naiinis nang sabi niya sabay hampas sa balikat ng kababata.
"Alright! Alright! Just give me a minute will you? Kararating ko lang niratrat mo kaagad ako ng tanong!"
"You asked for it! Now, answer me!"
"Its Agosto de Castro."
"Who?"
"Dad's business partner and friend. And the father of Reana."
"Her name is Reana?" pangungumpirma ng dalaga.
"Yes" sagot ng binata na may kislap sa mga mata pagkabanggit sa pangalan ni Reana. Kung nasaktan man siya ay hindi niya iyon pinakita.
"And you haven't meet her?"
"Kaya nga ako umuwi ng maaga dito para makilala na siya."
"Hey, what were you thinking?"
Napukaw siya sa tanong na iyon ng binata at napabalik sa kasalukuyan. That was two months ago, bago ang pangalawang uwi nito ngayon. Dahil hindi din natuloy ang pagkikita nila dahil wala sa bansa ng mga panahon na iyon si Reana kaya bumalik din kaagad si Emil sa States which is ikinalungkot niya ng mga oras na iyon. Wala itong bukambibig kundi si Reana na ikinangitngit niya.
Napatitig siya sa hawak nitong tray na may isang katamtamang bowl na umuusok sa init. Nagluto nga ito ng sopas para sa kanya.
"Ngayon ko lang alam cook ka din pala."
"Wala kang bilib sa akin eh!" sabay kindat nito sa kanya.
"Don't do that!"
"Don't do what?" kunot-noo nitong tanong.
"Wala, ang sabi ko sarap ng luto mo!"
"I know!"
"Hindi ka rin conceited ano?"
"You better sleep now and take a rest Alice, I'll just be right here, hindi kita iiwan" seryosong sambit ng binata na umupo sa tabi ng kama niya at kinuha ang bowl sa kamay niya na wala nang laman.
Ngumiti siyang tumitig sa kaibigan. Sa loob-loob niya ay gusto na niyang umurong sa masamang binabalak dito pero sa tuwing sumasagi sa isipan niya na may Reana nang naghihintay dito ay bumabangon ang selos niya.
"Alice?"
"Alice!" muling tawag ni Emil nang wala na sa kwarto ang dalaga.
"Goodmorning!" nakangiting bati ni Alice pagkapasok sa kwarto. Nakasuot pa ito ng apron at may hawak na sandok sa isang kamay.
"We're you cooking?"
"Oo, kaya bumangon ka na diyan at handa na ang almusal."
"Alice, why am I here in your bed? Dito ba ako natulog? God Alice! May ginawa ba akong hindi maganda sa iyo?"
"H-ha? N-no! Wala kang masamang ginawa sa akin. Nagisingan kasi kitang nakatulog sa gilid ng kama ko, naawa naman ako sayo. Napuyat ka sa kababantay sa akin kaya pinalipat kita sa kama, hindi mo ba naalala? Mag-uumaga na rin iyon kaya bumangon na ako at nagluto sa kusina."
"Wa-wala akong maalala" nakahawak sa ulo na sagot ni Emil at pilit inaalala ang mga nangyari pero kahit anong isip ang gawin ng binata ay wala talaga itong matandaan.
Nakaalis na sa harapan nito si Alice pero nanatili pa ring nakatitig lang sa sarili si Emil. Nagtataka pa rin dahil wala itong matandaan na lumipat sa kama ni Alice. Ang alam niya nakaupo lang siya sa single sofa na naroon sa loob ng kwarto ng dalaga habang umiinom ng soda na inabot ni Alice sa kanya. Pagkatapos ay bumalik na sa kama si Alice para matulog.
"But why am I wearing only this boxer short? Nasaan ang mga damit ko?" naitanong niya sa isip nang matanto na iyon lang ang suot niya.
"Nasa dryer pala ang mga damit mo" boses ni Alice na bumalik sa kwarto. "Bilisan mo na diyan at lalamig na ang mga niluto ko."
"You washed my clothes?" nagtatakang tanong niya nang akmang tatalikuran siya ng dalaga.
"Yes. Sorry kung pinakialaman ko ang mga damit mo pero nangangamoy kasi ng gamot na pinainom mo sa akin, so I decided to washed it just like I used to do everytime you stay here in the house."
"That explains!" ngunit sa isip na lamang sinabi iyon ng binata. Ayaw niyang mag-isip na baka nagtake-advantage siya sa kaibigan ng hindi niya alam. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nagkataon.
"So, will you able to put on your clothes or it takes time?" pukaw sa kanya ni Alice na hindi pa rin pala umaalis sa harapan niya.
"Yes. I'll be there in a minute" nakangiti niyang sagot. Feeling relieved!
"Okay."
Tahimik na kumain ang dalawa na tila nakikiramdam sa isa't-isa. Si Alice na hindi makatingin ng deretso sa mga mata ng binata. Si Emil na naguguluhan pa rin sa huling mga pangyayari na natagpuan na lamang ang sarili na nasa kama ng kaibigan. Oo nga, hindi ito ang una niyang pagtulog dito sa bahay ng mga Arones, but that was before at sa guest room siya natutulog, not in Alice's room. Noong mga bata pa silang pareho ni Alice dahil magkapitbahay lang sila, bago nag-migrate ang buong pamilya niya sa Amerika.
"Hindi mo naikwento sa akin ang nangyaring panloloob sa bahay mo kagabi" pukaw niya sa katahimikan nang maalala ang dahilan kung bakit siya napasugod sa bahay ng kaibigan.
"Na-ipablotter ko na kaninang paggising ko." sagot ni Alice na hindi pa rin makatingin sa kababata.
"Mabuti naman. Hindi pa ba darating si Nanay Pasing?" tukoy niya sa katiwala ng bahay. Isa pa sa mga ipinagtataka niya dahil ni minsan hindi umaalis ng bahay ang katiwala lalo pa at nag-iisa lang si Alice at wala din ang mga magulang na kasalukuyang nasa Paris.
"Maya-maya nandito na si Nanay Pasing. Huwag kang mag-alala I will be fine, at saka hindi na rin siguro babalik ang mga nanloob na iyon.
"Are you sure?" paniniguro ng binata dahil ayaw niyang iwan ang dalaga na nag-iisa.
"She's waiting right?" may pait sa lalamunan na sambit ng dalaga ngunit siya lang ang nakakaalam.
"I will check on you from time to time. Tatawagan kita."
" Thank you for your time Emil!" pahabol niya bago sumakay ng kotse nito ang binata.
itutuloy...