chapter 8
"How dare you accusing me? You dragged me out from the exhibit just looking for Reana?" galit na sumbat ni Myla kay Emil.
"J-just? Just looking from Reana?" hindi makapaniwalang sambit ng binata dahil sa reaksyon ng kaharap na parang wala lang dito na nawawala ang kaibigan.
"If I know Reana, she's just out there, somewhere! You don't have to travel from Manila until here in London just to ask me where she is!" singhal ni Myla dahil sa inis sa binata.
"I don't believe you!" asik din ni Emil.
"Then, don't!" sagot ni Myla at akma nang babalik sa loob ng pigilan ito ni Emil sa braso.
"Please Myla, kung may alam ka kung nasaan si Reana, tell me. Nag-aalala na rin sina tito Agosto at tita Eva."
"Kung sana nga alam ko kung nasaan din si Reana, Emil. But, believe me, last time I saw her was at NAIA, ng sumunod siya sa akin sa airport nang flight ko papunta rito sa London but on the last minute she said no. Hindi niya kayang biguin ang daddy niya at lalo nang hindi niya kayang mapahiya si tito Agosto sa pagpapakasal sayo. Mas pinili pa rin niya ang gusto ng daddy niya, and again she turns down her opportunity to be known as the best artist of the Philippines" mahabang pahayag ni Myla.
"I thought you two are--"
"Couple?"
"Yes--as I h-heard."
"Well, that is not true. Reana and I were bestfriends. We thought of that too when I confront her during our high school days. Maybe she got confused of her sexuality for a time and I let her feel that we could be together for a lifetime. But when I saw you both that night of your engagement. I saw a lovely matched couple!" may ngiti sa labi nang sambitin ni Myla ang huling sinabi nito. "By then, I told to myself she doesn't belong to a third s*x. Kaya, you have to find her Emil at ituloy ang wedding. I promise, I will be there!"
Hindi makapaniwala sa mga narinig mula mismo sa bibig ni Myla na hindi siya makapagsalita.
"Do you think she loves me too?"
"Hindi nga ako nagkamali ng akala. You're inlove with my bestfriend!" napapalatak na tugon ni Myla.
"Of course I'm inlove with her! Sa akala mo ba papayag ako dahil lang sa isang kasunduan?" tugon ng binata na nagagalak sa nalaman.
"Mabuti kung ganun. Now, go find her! And gudluck!" nakangiting tugon ng kaharap.
"Thank you, Myla."
"Don't mention it. Just inform me sa kasal ninyo and I'll be there."
"I will."
Mabilis pa sa alas kwatro na nagpa-book pabalik ng Pilipinas ang binata matapos ang pag-uusap nila ni Myla. Hindi mailalarawan sa mukha nito ang kasiyahang nadarama sa nalaman.
Sumalubong kay Emil ang makulimlim na kapaligiran nang lumabas ito ng NAIA.
"May bagyo ba? Bakit wala naman akong narinig na balita?" tanong nito sa sarili bago tumawag ng taxi na maghahatid sa kanya sa kanilang bahay.
"Ramil ano ang nangyari? Nakita mo na ba si Reana? Nasaan siya? Bakit hindi mo kasama?" sunod-sunod na tanong ni Nana Pasing ng pagbuksan siya.
"Hindi ko pa siya nahahanap pero hindi ako titigil hangga't hindi ko ho siya natatagpuan." sagot ng binata sa haggard na boses. Makikita rin sa anyo nito ang kapaguran sa paroo't parito lalo na sa biyahe mahanap lang ang nawawalang fiancee. "Nana tumawag na ba sina Papa at Mama?"
"Ay oo anak! Pauwi na daw sila sa linggo at sabik na makilala si Reana!"
"Ano po ang sagot niyo? May binanggit ho ba kayo tungkol sa pagkawala ni Reana?"
"Aba wala anak! Ang sabi ko busy ka sa pag-aasikaso kay Reana at sa nalalapit ninyong kasal!"
"Salamat po Nana. Akyat na po muna ako sa kwarto." paalam nito at akma ng tatalikod ng may pahabol pa ang katiwala.
"Ay muntik ko nang makalimutan. Tumawag din pala si Alice. Sabihin ko daw sayo kaagad kapag nakabalik ka na. Importante daw."
"Sige po Nana, salamat. Kayo na ho ang bahala sa mga bagahe ko." sagot ng binata bago tumuloy sa kwarto.
Sa isip ni Emil, wala nang mas importante pa sa kanya ngayon maliban sa mahanap si Reana.
Samantala, hindi naman malaman ni Reana kung ano ang gagawin. Malapit pa naman ang lugar sa tabing-dagat.
"Paano kung magka-tsunami? Hindi kaya matsu-tsugi na rin ako?" mga katanungan na sumasagi sa isipan ni Rean dahil sa papalakas na ihip ng hangin at pagbuhos ng ulan. Pinapatawa na lang din nito ang sarili dahil sa kabang nararamdamann.
Nagsisi tuloy ito kung bakit lumayas-layas pa siya, totally stranded tuloy ang labas niya! Inis na pinagalitan niya ang sarili at muling humalukipkip sa may sulok na nakatitig sa canvass na may mukha ni Emil.
"Emil, hinahanap mo rin kaya ako?" wala sa sariling sambit niya nang biglang may kumalabog kaya napasigaw siya. "Huh, ano 'yon? Katapusan ko na ba? Lord, patawarin niyo na po ako sa ginawa kong paglalayas. Hindi na po ako uulit pauwiin niyo lang ako sa amin! Pumapayag na po akong magpakasal sa balasubas na Emil na iyon!"
"Iyon pala ang tawag mo sa akin balasubas?"
"Emil! Thank God dumating ka!"
Nagulat man sa pwersahang pagpasok ng binata ay hindi na importante iyon. Kung paano nitong sinira ang pinto ay wala na siyang pakialam. Ang nasa isip niya ay ang makauwi na.
"What the hell are you doing in this area sa ganitong klima ng panahon? Hindi ka na ba talaga nag-iisip ha Reana? Alam mo bang maari kang ma-washout kapag tumaas ang tubig? Ito ang napapala mo dahil sa katigasan ng iyong ulo!" agad na sermon ni Emil sa kanya.
"Pwede ba ialis mo na lang ako sa lugar na ito at sa bahay mo na lang ituloy ang panenermon mo? I am cold!" nanginginig sa lamig na wika ni Rean lalo pa at tuluyan nang nakapasok ang hangin sa nakabukas na pinto.
Mabilis naman na hinubad ng binata ang suot na jacket at ipinasuot iyon kay Reana.
"Halika na iuuwi na kita bago pa dumating ang bagyo."
"Wait, paano ang mga paintings ko? Mababasa sila?"
Sa galit na marahil ay nasinghalan nito si Rean na hindi nakahuma at nabigla.
"Alin ang mas importante? Ang buhay mo ang mga paintings na iyan?"
"Sayo siguro wala silang halaga! But for me, they are my life!" naiiyak nang bigkas ni Reana.
Doon nakita ni Ramil ang isang paintings na may mukha niya dahil doon nakatitig si Reana.
"Is this me?" sabay lapit na tanong ng binata.
"Yes" walang kagatol-gatol na sagot ni Reana nang biglang may narinig na malakas na pagkulog. Sa takot ay napakapit siya sa braso ng binata.
"Akala ko ba maton ka?"
"Ayaw kong mamatay dito Emil!"
"You're not going to die here! Hindi pa tayo naikakasal!" sagot nitong hinila siya sa kamay palabas ng cave house.
Doon niya nakita na may natumbang puno sa harapan ng bahay na humarang sa may pintuan.
"Ang mga paintings ko!"
"Babalikan ko ang mga iyan, don't worry! Basta dito ka lang sa loob ng sasakyan, hintayin mo ako, babalikan kita!"
Pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya at mabilis na bumalik sa loob ng cave house. Hindi naglipat sandali at bumalik ito na may daalng mga paintings na nakabalot ng kumot at inilagay sa likod ng sasakyan. Mabuti na lang at malaki ang dalang sasakyan nito. Isang Range Rover na itim. Nakatatlong balik din ito sa loob ng bahay.
"Im sorry and thank you sa pagligtas mo sa akin."
Napalingon si Ramil sa katabing si Reana ng bigkasin ng dalaga ang mga katagang iyon. Nakita niya sa mga mata nito ang sinseridad at walang bahid ng pagkukunwari.
"Magpahinga ka na muna, matulog ka kung gusto mo."
Nilingon ni Reana ang binata. Marami sana siyang gustong itanong dito gaya ng kung paano nito nalaman ang lugar kung saan siya? Pero sinunod na lang din niya ito kaya ipinikit na lamang niya ang mga mata.
Nakita ni Emil ng pumikit si Reana kaya malaya niya itong napagmasdang mabuti. How he wished to touch her lovely innocent face kapag nakapikit pero pinigilan niya ang sarili. Naisip din niyang nasa daan sila at nagmamaneho sa gitna ng masungit na panahon.
Pero may ngiting gumuhit sa mga labi ng binata ng maalala ang painting na nakita. Hindi maalis sa isipan nito na maaring may puwang na din si Reana sa puso niya. Dahil hindi nito maiguguhit ang mukha niya kung wala siyang halaga sa dalaga.
Malapit na sila sa residence ng mga de Castro nang tumunog ang mobile ng binata. Dahil nang doon pa sila kanina sa lugar kung saan natagpuan si Reana ay walang signal.
Sasagutin na sana ni Ramil ang tawag ni Alice ng umungol naman si Reana kaya sa halip na tanggapin nito ang tawag ay ang cancel button ng mobile nito ang napindot.
"Reana, malapit na tayo wake-up." sabay haplos sa pisngi ng babaeng lihim na minamahal dahil hindi na niya napigilan ang sarili.
Nagising sa pagkakaidlip si Reana nang maramdaman ang kamay na humahaplos sa pisngi niya pero nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Alam niyang si Emil iyon kaya hinayaan na lamang muna niya at gusto niyang busugin ang magandang pakiramdam na hatid niyon sa kanya. Pero ang hindi niya napaghandaan ay nang may lumapat na bibig sa mga labi niya.
"He's kissing me!" sigaw ng isip niya pero takot siyang imulat ang mga mata at bigla nitong putulin ang paghalik sa kanya kaya sa halip na dumilat ay ibinuka niya ang bibig hudyat na gusto niya ang ginagawang kapangahasan ni Emil.
itutuloy...