chapter 9
DAMPI LANG SANA ang gagawing paghalik ni Emil kay Reana pero nang gumalaw ang bibig nito at ibuka iyon ay hindi na siya nakapagpigil na tuluyang sakupin ang maninipis na mga labi ng dalaga. Pati ang isang kamay niya ay kusang humaplos sa makinis na braso ni Rean paakyat sa balikat nito hanggang sa leeg. Damang-dama ng binata ang init na nagmumula sa katawan ni Reana na nagpasiklab sa kanya na laliman pa ang ginagawang paghalik dito lalo nang maramdaman niyang kusang tumutugon si Reana sa mga halik niya.
Hindi napigilan ni Reana ang mapaungol sa sensasyong hatid ng mapusok na halik ni Emil lalo nang humaplos ang isang palad nito sa likod niya. Tila siya napapaso sa bawat pagdantay ng kamay nito sa balat niya. Kaya sa halip na tumutol ay kusang tumutugon siya sa mga halik ng binata.
Napukaw lamang ang dalawa ng may kumakatok sa bintana ng tinted na sasakyan. Mabuti na lamang at nasa loob na sila ng mga de Castro. Maaaring nagtaka ang nasa labas na kanina pa naka-park ang sasakyan ngunit walang may bumaba.
Tumingin si Emil kay Reana na napayuko. Alam niyang nahiya ito sa namagitan sa kanilang dalawa kaya hindi makatingin ng deretso sa kanya. Itinaas niya ang mukha nitong namumula at kinintalan ng halik sa labi.
"We're getting married remember? Kaya wala kang dapat na ikahiya. Mas higit pa dito ang mangyayari sa gabi ng ating kasal." sabay kindat na sabi niya na lalong ikinamula nito.
"Emil--"
"You have nothing to explain, normal lang 'yan. Dapat nga ngayon pa lang sanayin na kita para hindi ka laging namumula." patuloy na tukso niya kay Rean.
"Emil--"
"Wala ka na bang ibang alam sabihin kundi ang banggitin ang pangalan ko?"
"Paano akong magsasalita eh hindi ko pa tapos ang sasabihin ko--"
Muli sinakop niya ang mga labi ng dalaga at hindi na pinatapos sa nais sabihin nito. Habol ni Rean ang hininga ng bitawan niya ang bibig nito at mabilis na lumabas ng sasakyan. Umikot siya para pagbuksan ang dalaga. Nakangiti ito nang abutin ang kamay niya.
"Oh, God Reana!" boses ni Eva nang makita ang anak kasunod nito si Agosto na sising sisi sa nangyari.
Agad na niyakap ni Reana ang ina, ganundin ang Daddy niyang hindi na napigilan ang huwag umiyak.
"Basang-basa ka, baka magkasakit ka niyan anak." ani Eva.
"Emil, maraming maraming salamat sa pagbabalik mo sa amin kay Reana" ani Agosto ng harapin ang binata.
"Pumasok na muna tayo sa loob at doon mag-usap." ani Eva na nakayakap pa rin kay Reana.
Binigyan ni Eva ng tuyong damit at pantalon ni Agosto si Emil dahil basing-basa din ito.
Nagpaalam naman si Reana na aakyat para makapagpalit ng damit at mabilis na bumalik ng sala pero nadismaya lang ng malamang umuwi na si Emil.
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin Dad, Mom? Bakit niyo hinayaan na umalis?"
"Babalik naman daw siya kaagad anak."
"Pero, baka abutan ng malakas na ulan si Emil sa daan. Hindi niyo sana siya pinayagan na umuwi." may paninisi sa boses niya na nagtinginan ang mga magulang pero wala siyang pakialam.
"Rean about sa nangyari, we're so sorry ng Daddy mo" ani Eva na tumingin sa asawa.
"And as I promised to myself na kapag bumalik ka sa amin, hindi na kita pipilitin na magpakasal pa kay Emil kung ayaw mo." segunda naman ng Daddy niya na tinutulan ng isip at puso niya.
Yes, tutol ang puso niya na hindi matuloy ang kasal nila ni Emil dahil mahal na niya ang binata.
"No! I mean--no Dad, matutuloy ang kasal gaya ng unang napagkasunduan. And lets forget everything, and Im sorry too kung hindi ko kayo sinunod nang una. Now, I must find my groom to be bago niya ako takasan!" natatawa niyang turan sa mga magulang,
"Nagpaalam siya na aalis matapos makatanggap ng tawag anak. Mukhang importante dahil hindi ka na niya nahintay na bumalik nang umakyat ka para magbihis." ani Eva.
Napapaisip na nagpaalam na rin siya sa mga magulang na bumalik ng kwarto. Iniisip kung sinong importanteng tao ang tumawag kay Emil at ganun na lang ang pagmamadali nito.
Ayaw pa sanang umalis ni Emil sa bahay ng mga de Castro kung hindi sa muling pagtawag ni Alice. Kaya nagdesisyon na siya na puntahan ito para tigilan na siya ng kaibigan. Not this time na may iistorbo sa kanya kung saan nagkakamabutihan na sila ni Reana. Ramdam niyang kung hindi man mahal ay nagkakapuwang na rin sa puso niya si Reana. Damang-dama iyon ni Emil sa tugon ng dalaga sa mga halik niya.
"I will not waste this time Reana, to show that I care for you eversince I laid my eyes on you the first time I saw you. Im going to win your heart at hindi dahil sa kasunduan ng magulang natin kundi dahil sa iyon ang isinisigaw ng puso ko. I love you Reana." sabi nito sa isip.
"Emil!" patakbong sigaw ni Alice nang makababa siya ng kotse. Halatang inaabangan talaga nito ang pagdating niya.
Niyakap siya nito ng umiiyak na ipinagtataka niya. Ang ikinagulat pa niya ay nang makita rin doon ang mga magulang ng dalaga pagkapasok nila sa bahay. Tila siya lang ang hinihintay.
"What's going on?" tanong niya kay Alice.
"Mukha nga'ng wala ka talagang alam" anang ama ni Alice na kababakasan ng galit ang mukha.
"Mabuti at nandito ka na Emil, have a sit at marami tayong dapat pag-uusapan" anang ina naman ni Alice.
Naupo siya katabi ni Alice sa mahabang sofa na nagtataka pa rin sa itinatakbo ng usapan.
"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa Emil" umpisa ni Mr. Palmes. "Sa lalong madali, gusto ko na maikasal kayo ng anak ko bago pa mahalata ang tiyan niya."
"Teka, teka, wala akong maintindihan sa pinag-uusapan. Anong ikakasal?" baling niya kay Alice na hindi makatingin sa kanya. "Alice, what is this all about?"
"I am two months pregnant at ikaw ang ama" sagot nito na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
"Alice, tumingin ka sa akin at sabihin na hindi totoo ang lahat ng narinig ko, na nagbibiro ka lang!" hawak sa magtimbang na balikat si Alice sa galit na tono. "Alam mong ikakasal na ako Alice! At ano ang ibig sabihin na dalawang buwan ka nang buntis? Paano nangyari iyon? Wala akong matandaan na nagalaw kita! For God's sake Alice huwag mo akong biruin ng ganito! Answer me!" napalakas na ang boses na tanong niya sa babae.
"Don't shout on my daughter!" napataas na rin ang boses na sabat ng ama ni Alice.
"Patawarin mo ako Emil pero noong gabi na natulog ka dito, natatandaan mo nagising ka na lang na nasa kama ko" umiiyak na pagpapaalala ni Alice. "Mahal kita kaya ko nagawa iyon." sumisigok na patuloy ng dalaga.
Napahilamos sa sariling mukha si Emil na hindi alam ang gagawin.
"Hindi pa naman kayo kasal ni Reana hindi ba? Pwede ka pang umurong, hindi ka naman niya mahal pero ako mahal kita" halos magmamakaawa na pakiusap ni Alice.
"No Alice, pag-iisipan ko muna ang lahat. We can arrange this."
"A-arrange?" ulit ni Alice na bumangon ang galit. "Narinig mo ba ang sinabi ko? I am pregnant sayo! Anak mo itong dinadala ko!"
"Hindi ko ikakaila na ako nga ang ama ng dinadala mo Alice, pero alam mo din na hanggang kaibigan lang ang namamagitan sa ating dalawa at kahit pa nakaharap ang mga magulang mo, hindi mo ako mapipilit na pakasalan ka." galit na rin ang tono na turan ng binata. "Uuwi muna ako para makapag-isip ng matino" anito sabay tayo at tinungo ang pinto.
Kahit ang mga magulang ni Alice ay walang nagawa at hindi napigilan ang binata sa naging desisyon nito.
"Emil please, don't leave!" habol ni Alice na hawak sa braso ang binata.
"Alice, let him go kung iyan ang desisyon niya! Mabubuhay mo ang anak mo nang wala ang duwag na lalaking 'yan!" sigaw ng ama ng dalaga.
"No Dad, hindi ko kaya!" umiiyak na turan ni Alice nang tuluyan ng makalabas ng bahay si Emil.
itutuloy...