chapter 10
NAPAPAMURA sa galit sa sarili si Emil nang biglang tumunog ang mobile nito. Hindi na sana pag-aaksayahan ng binata na tignan kung sino iyon ngunit nagdadalawang isip din ito na baka si Reana ang tumatawag. Pero nang tignan ang mobile ay nalamang si Myla pala iyon kaya sinagot ito ng binata.
Natuwa si Myla nang ibalita ni Emil dito na natagpuan na nito ang dalaga at maayos naman sila. Pero hindi nakuntento si Myla sa kwento nito kaya pinilit ng babae na paaminin si Emil kung ano na ang status ng dalawa. Tinigilan lamang ito ni Myla nang sabihin ni Emil na tuloy ang kasal. Pinangako naman ni Myla na darating ito at ipinagsasalamatan ng lubos ng kaibigan ni Rean na hindi nasayang ang pagpaparaya nito. Kaya naisip din ng binata na kung sana ganun din si Alice sa kanya. Ang ipaubaya sa kanya ang kaligayahan niya na makasama si Reana. Pero sa nakikita niya mukhang malabong mangyari iyon lalo pa at inamin mismo ni Alice at sa harapan pa ng mga magulang nito na nagawa lamang nito ang hindi nararapat gawin ng isang matino na babae ang may mangyari sa kanila dahil mahal siya nito.
Ang magiging malaking problema ng binata ay kung paano ipagtatapat ang lahat kay Reana na hindi ito magbaback-out sa kasal nila at kung tatanggapin pa ba siya.
"Kung saan napapamahal na ako kay Reana, ngayon pa nangyari ito!" inis na nadiinan niya ng apak ang preno ng dinadalang sasakyan ng muntik na itong mabunggo sa kotseng nasa unahan. "s**t!"
Pagdating ng bahay ay lalong naguluhan si Emil nang sumalubong ang mga magulang nito sa kanya. Kung paanong ipagtatapat ang lahat kay Reana o kung tama ba ang gagawin nitong pagtatapat o itatago na lamang muna hanggang sa makasal sila.
Pero mas pinili na lamang muna niya ang manahimik lalo pa at nakikita niya ang excitement sa mga magulang sa paghahanda sa kasal.
Kinabukasan ay naging bisita ni Reana si Ramil. Napakagwapo nito sa suot na striped polo shirt at kupasing jeans. May hawak pa itong red roses na iniabot sa kanya.
"Thank you!"
"Wala bang kiss?" anang binata na ikinamula na naman ng mukha niya.
"Ha?"
"Your blushing!" sabay lapit na sabi nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha niya. Naamoy pa niya ang aftershave na ginamit nito kaya pakiramdam niya ay nahihilo siya at gusto nang lumupasay sa dibdib ng binata.
"Oh, shame on me! Bakit ko pinagpipyestahan ang balasubas na ito sa imahinasyon ko?" sabi niya sa isip at hindi narinig na may itinatanong pala ito. Tila lutang na lutang talaga ang pakiramdam niya.
"H-ha? M-may sinasabi ka?"
"Akala ko pa naman may kausap ako, 'yon pala wala. Ang sabi ko ready ka na ba?"
"Ready s-saan?" ulit niya.
"Basta may ipapakita ako sayo, halika na" sabay hila sa kamay niya na lumabas sila ng bahay. "Naipagpaalam na rin kita kina Daddy at Mommy." tukoy nito sa mga magulang niya na nagpakunot sa kanyang noo.
"Teka, magbibihis lang ako!" pigil niya sa binata na tinitigan ang sarili. Nakasuot lamang siya ng short-shorts at maluwang na t-shirt.
"Okay na iyan! Sexy!" sabay kindat na pinagbuksan siya ng pinto ng kotse.
Wala na nga siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Kaylapad ng ngiti nito na pinaandar ang sasakyan at wala pang dalawang minuto na sila ay umikot pagkatapos ay pinatay ang makina.
"We're here! Baba na!" anunsyo nito.
"Umikot lang tayo eh! Ako ba pinagloloko mo Emil?" sabi niyang iniambang ang kamao dito at anyong susugurin ang binata.
"Sige, suntok kapalit ng halik. Sumugod ka na!" pilyong sabi nito.
"Ano ba kasi ang ginagawa natin dito sa likod ng bahay?" pag-iiba niya ng topic.
"Takot ka ano?" panunukso pa nito. "Mamaya na lang kita singilin ng halik ko" sabi pa nito na binuksan ang kotse at bumaba.
Para lang itong nakikipag-usap sa sarili na lihim niyang ikinangingiti.
"Naisip ko lang kasi itong kwarto dito na hindi niyo ginagamit. Bakit hindi mo ito gamitin para sa mga paintings mo? Ito ang gawin mong gallery?"
Maganda ang idea ng binata pero nalungkot naman siya nang sumagi sa isip na iyon ang pinakaayaw ng Daddy niya.
"Huwag na Emil, ayaw kong magkagalit kami ni Daddy. Siguro tama nang maging hobby ko ang pagpipinta pero ang magkaroon ng gallery ay malabo."
"Huwag mong balewalain lang ang talent mo Rean. I saw most of your paintings at hindi ka lang isang magaling but you are a true artist. Bakit hindi mo subukang kausapin ulit ang Daddy mo? Im sure, nag-iba na ng pananaw si Daddy."
"You think?" may ngiting sumilay sa mga labi niya na tinanong ang binata.
"Yes, believe me" kumpiyansa na sagot nito. "Pero may itatanong lang ako."
"A-ano 'yon?" medyo kinakabahan na balik-tanong niya dahil sa uri ng titig ng binata sa kanya lalo nang naglalakad ito palapit sa kanya.
To her instinct she moved backward until she lean on the wall holding her breath while he kept on moving closer to her.
"Kailan mo ako ipininta?" masuyong tanong nito na nagpabilis ng t***k ng kanyang puso dahil sa kakaibang dating niyon sa kanya lalo pa at magkalapit ang mga mukha nila.
"A night before you found me" sagot niyang napayuko dahil hindi niya kayang lumaban ng titigan dito.
"Does it mean that you love me too?"
"Love you too?" ulit niyang nakakunot ang noo. "Y-you mean--?"
"Yes, I do love you Reana."
Hindi na nito hinintay pa ang sagot ng dalaga at sinakop na ni Emil ang mga labi ni Reana na kusang nagpaubaya. Tanging mga puso nila ang nakakaalam at nagkaintindihan.
Habol ang hininga ni Reana nang bitawan ni Emil ang mga labi niya na may ngiting sumilay tanda ng pagkakaunawaan.
Napatili pa siya ng biglang buhatin ni Emil kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Pinasok siya nito sa loob na nakakawit ang isang kamay niya sa leeg ng binata at doon sila sumilong na magkahinang ang mga bibig. Dahan-dahan siya nitong ibinaba sa sahig na magkayakap ang kanilang mga katawan habang ang isang palad ng binata ay humahagod sa kanyang likod hanggang sa naramdaman na lamang niya ang kamay ng binata na nasa loob ng maluwang niyang t-shirt at pilit binabaklas ang hook ng suot niyang bra. May pagtutol na tumitig siya sa binata nang bahagyang magkahiwalay ang kanilang mga labi.
"E-emil--Im sorry.." umiiling-iling na bigkas niya.
Iniharang niya ang sariling braso nang akmang hahalikan siya muli ng binata. Ngumiti na naintindihan naman siya ni Emil na hinalikan sa noo at niyakap.
"Makapaghintay ako hanggang sa maging handa ka na" anito at tinulungan siyang makatayo.
"Saan ka pupunta?" tanong niya nang palabas ito.
"Hindi ako mawawala, kukunin ko lang lahat ng paintings mo sa sasakyan at ililipat dito."
"Tulungan na kita."
Magkatulong na nilipat nilang dalawa ang lahat na mga paintings niya na mula sa cave house.
Sa kabilang banda, umiiyak naman na nagkukwento si Alice sa kaibigang si Irene sa huling pag-uusap nila ni Emil. Nasa bahay ito ng kaibigan.
"Pero hindi pa rin ako susuko Irene, kung kinakailangan na magmakaawa ako kay Reana para hayaan na sa akin si Emil ay gagawin ko."
"Alice!" ani Irene na nabigla. Hindi nito akalain na handang gawin ng kaibigan ang magpakababa para lamang makuha nito si Emil.
"Tama! Tama Irene! Si Reana, kakausapin ko siya!" sambit nito sabay dial sa mobile. Tatawagan niya si Reana. Sa pangingialam niya sa telepono ni Emil noon nakuha ang numero ni Reana.
Hinayaan lamang ito ng kaibigan sa gagawin.
Napapaisip habang naghihintay si Reana sa pagkikitaan nila ni Alice. Tumawag ito sa kanya at may importante umanong sasabihin sa kanya. Ang ipinagtataka niya ay nang sabihin pa nito na huwag ipaalam kahit kanino ang pagkikita nila lalo na kay Emil. Mabuti na lamang at nakauwi na si Emil nang tumawag ito.
itutuloy...