chapter 11
TIGAGAL NA HINDI MAKAPAGSALITA si Reana nang ipagtapat ni Alice ang pagdadalantao nito at ang ama ay si Emil. Umiiyak habang nagmamakaawa pa ito sa harapan niya na ipaubaya na lamang ang binata dito para sa bata.
"I know Reana that this is too much to ask but please Im begging you to please leave Emil for me." nahihirapan na bigkas ni Alice.
"Please?"
"Please Reana--?"
"Alam na ba ito ni Emil?" nakuha niyang itanong nang maapuhap ang boses.
"O-oo p-pero ang sabi susustentuhan lang daw niya ang bata."
Bigla ang pag-akyat ng dugo niya sa ulo sa kaalamang hindi man lang nakuhang ipagtapat sa kanya ng binata ang tungkol sa kalagayan ni Alice. Instead ipinaramdam nito sa kanya na pwede itong mahalin and to think that she almost fall for him!
"Ikaw ang una kong naisip na lapitan dahil alam ko na ikaw lang ang makakapagpabago ng desisyon ni Emil, Reana. Im sorry pero kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Hindi ko kaya na mawala siya, that's the truth. Im secretly inlove with my bestfriend." nakayukong amin ni Alice na walang tigil sa pag-iyak.
Hindi alam ang isasagot na napatango siya sa kaharap. Kaya sa tuwa ni Alice ay inisang hakbang nito ang pagitan nila at yumakap sa kanya.
"Maraming maraming salamat Reana, hindi ako nagkamali ng lapitan ka. Salamat." paulit-ulit na pasasalamat nito.
Pagkatapos ay nagpaalam na ito at pupunta pa umano sa doctor nito para magpacheck-up. Naiwan naman siyang hindi makagalaw sa kinatatayuan. Tila ngayon lang nagsink-in sa kanya ang pagtango na ginawa kay Alice nang maramdamang may mainit na likidong umaagos sa kanyang pisngi. Isa lang ang ibig sabihin, ipinaubaya niya si Emil kay Alice.
"s**t! Bakit ko ba iiyakan ang manloloko na iyon? Tama ako nang una na hindi ko na dapat binigyan ng pagkakataon ang sarili ko na pagkatiwalaan ang lalaking iyon. Ito tuloy ang nangyari sa akin. Hindi siya nararapat na iyakan at lalong hindi siya ang nararapat sa mga luha ko!" sermon niya sa sarili sabay marahas na pinahid ng isang kamay ang mukha.
Pagkaalis sa lugar ay tumuloy siya ng bahay at walang kaabog-abog na dumeretso ng mini bar at kumuha ng isang botelya ng black label at dinala sa gallery room na katabi ng garage.
Katulad ng nakasanayan, pasalampak na naupo sa sahig si Reana pero ang kaibahan lang hindi paintbrush ang hawak nito nang mga oras na iyon kundi bote ng alak na tinutungga mula mismo sa bote nito.
"Emil, why did you let me fall for you?" namumungay ang mga mata na tanong ni Rean sa ipinintang mukha ng binata. "S-sana hindi mo ipinalasap sa akin ang mga halik mo, hindi sana ako maliligalig ng ganito. H-hindi ko sana nararanasan ang maapektuhan ng ganito. H-hindi na rin sana kita natutunang mahalin." patuloy ng dalaga na pasigok-sigok sa dami nang alak na nainom. Halos mangalahati na nito ang laman malaking bote.
Gabi na nang makabalik ng mga de Castro si Emil at ang unang hinanap nito at itinanong sa katulong na naabutan sa bahay ay kung nasaan si Reana. Ngunit wala din itong sagot na nakuha dahil walang sinuman ang nakakaalam sa bahay kung nasaan si Reana. Wala ang mag-asawang de Castro dahil may dinaluhang pagtitipon.
Kanina pa nito tinatawagan ang dalaga hanggang sa malow-batt na lang ito ngunit walang Reana ang sumagot. Kaya naisipan nitong pumunta sa gallery sa may garage. Plano nitong ayusin ang mga paintings ng dalaga.
Sumalubong kay Emil ang amoy ng alak pagpasok nito sa gallery. Nakapatay ang ilaw kaya hindi nito nakita si Reana na nakahiga na sa sahig sa kalasingan. Mabuti na lamang at nailawan ito ng penlight na dala bago pa nito maapakan si Reana.
"God! Ano ba ang nangyari sa babaeng ito at gusto atang lunurin ang sarili sa alak?" bigkas nito na ini-on ang ilaw at pinangko si Reana at inilipat sa kama.
Inaayos ni Emil ang pagkakahiga ni Reana ng marinig nitong umungol ang dalaga hanggang sa nagsasalita ito. Sa una ay kung anu-ano lamang ang binabanggit nito na hindi maintindihan ng binata hanggang sa marinig nito ang kanyang pangalan.
"Bakit mo nagawa sa akin to R-Ramil? Bakit ngayon pa na m-mahal na k-kita!" nagdidiliryong sambitan ni Reana.
Naguguluhan bagamat natuwa sa narinig mula kay Reana na napahaplos si Ramil sa mukha nito.
"Tama nga ang sabi ni Myla na mahal mo rin ako, Reana" anito sa isip na kinintalan ng halik sa bibig ang dalaga.
Pero ang hindi nito napaghandaan ay nang ikawit ni Reana ang kamay nito sa kanyang leeg kaya napasubsob itong bigla sa dibdib ng dalaga.
Awtomatiko ang pag-init ng katawan ni Ramil nang malanghap ang magkahalong pabango ng dalaga at ang amoy ng alak. Nakakahilo, nakakahibang, nakakabaliw na hindi ito nakapagtimpi at tuluyang humulagpos ang pinipigilang pagnanasa sa babaing iniibig.
"I love you Reana, God knows!" amin nito sa walang malay na dalaga bago dampian ng halik ang nakaawang na labi ng dalaga kasabay ng malayang paglalakbay ng kamay nito sa katawan ni Reana. Tanging mga ungol ang maririnig na sagot mula sa dalaga na nasa impluwensya pa rin ng alak. Kaya hindi nito namamalayan na natambad na ang kabuuan nito kay Emil na hangang-hanga sa kagandahang namamalas sa kanyang harapan.
Nagising si Reana dulot ng masakit na sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana. Bigla ang kabang naramdaman niya ng sa pagtangka niya na bumangon ay may nasagi ang kanyang kamay at sa paglingon niya ay nakita niya ang mahimbing na natutulog na si Emil. Pero ang nakawindang sa kanya ay nang mapag-alaman na nakahubad pala ito at ganun din siya nang mahablot niya ang kumot at tignan din ang sarili.
Masakit ang balakang na tumayo siya at iniisa-isang pulutin ang nagkalat na damit sa sahig. Hindi na niya kailangan pang magtanong dahil kitang-kita ang ebidensya sa kubre kama na wala na ang iniingatan niyang puri dahil na din sa kapabayaan niya. Buong akala niya dala ng kalasingan ay panaginip lamang ang lahat ng pagniniig nila ni Emil. Iyon pala ay totoo na ang lahat.
"Reana..." anas ni Emil nang magisingan siya nitong tahimik na umiiyak.
"Don't explain, may kasalanan din ako. Please, just leave."
"Reana, what are you talking about? Just like that? Balewala lang ba sayo ang nangyari sa atin?" may sumbat sa tinig ni Emil nang magsalita ito.
"Mas kailangan ka ni Alice, magkakaanak na kayo. Hindi pa naman tayo naikakasal." malumanay niyang sagot.
"Siya ba ang nagsabi sayo? Bakit Reana, inutusan ka ba niya na lumayo sa akin? Then what is this?" sabay turo nito sa pulang mantsa. Balewala lang ba sayo ito? Mas susundin mo si Alice kaysa manatili sa piling ko? I can arrange for the sake of the baby Reana, but please don't ask me to stay away from you dahil hindi ko gagawin iyon lalo na at inamin mong mahal mo rin ako at hindi mo ako mapapagsinungalingan Reana, I can prove it right now just like what happened last night." sabi nitong naglalakad palapit sa kanya at hindi alintana na wala man lang itong kahit isang saplot sa katawan.
"Emil please" sabi niyang iniiwas na mapadikit ang katawan sa binata dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang pasinungalingan ang init na nananalaytay sa kanyang kabuuan sa pagdaiti ng mga balat nila ni Emil.
"Please what Reana" anito na mas lalong tinutukso ang dalaga sa paglapit dito.
"Stop!" sambit niyang iniharang ang dalawang kamay sa dibdib nito pero kinuha lang nito iyon at dinala sa sariling mga bibig.
Napapikit siya sa kiliting hatid ng mga halik nito hanggang sa ang dalawang kamay niya ay pumulupot sa leeg ng binata.
"I love you Reana!" buong pagsuyo na sambit ni Emil. "Please huwag mo akong utusan na layuan ka dahil sa nasabi ko na hindi ko gagawin iyon. Sayo lang ako magpapakasal at hindi kay Alice o kung sino man." tapat nitong pahayag.
"Im sorry kung naipagtabuyan kita. Naawa lang kasi ako kay Alice at sa bata."
"Hindi pa kami nakapag-usap ng maayos ni Alice pero maniwala ka man o hindi pinlano niya ang lahat. Maingat ako pagdating sa mga babae at kaibigan lang ang turing ko kay Alice ever since and she knows it. Dahil noon pa man alam na niyang nag-iisang babae lang ang pinangarap ko na makasama habambuhay."
"Noon pa man? Ibig sabihin may iba ka pang minahal maliban sa akin?" sabi niyang lumuwag ang pagkakayakap dito.
"Are you jealous?" tukso ni Emil na ikinasimangot niya. Nagmukha tuloy siyang bata na pinagbawalan ng gusto. "Hinding-hindi ko nakakalimutan ang mukhang iyan!"
"Anong mukha?"
"Ganyan! Ang nakasimangot ka! The last time I saw it noong hinihingan kita ng ice cream at ayaw mong mamigay. Sinupladahan mo pa ako."
"Hindi nga ako nagkamali! Ikaw iyon!" sabay duro niya sa matangos nitong ilong.
"So may idea ka na rin pala sa akin pero wala kang sinasabi? And for that I will punish you young lady!"
Walang anu-ano na binuhat siya ni Emil pabalik sa kama. Para lang siyang papel nang iangat siya nito sa sahig. Muli hinalikan siya nito mula ulo hanggang paa. Ramdam niya ang pagsamba nito sa kanya sa pagpapadama sa kanya ng pagmamahal. Ang pagtutol ay sa isip lamang niya dahil mas nanaig ang gusto ng kanyang katawan at ang t***k ng kanyang puso. Walang kasing ligaya ang naramdaman niya ng muling pag-isahin ang mga katawan nila ng lalaking natutunan na niyang mahalin at handang makasama sa kanyang buhay. Ang lahat ng agam-agam niya ay saglit niyang nakalimutan. Alam at ramdam niyang hindi siya pababayaan ni Emil kaya panatag na ang loob niya sa susunod na mangyayari kung sakali mang manggulo si Alice sa kanilang pagmamahalan.
"Mahal na mahal din kita Emil" anas niya bago muling sakupin ng mga labi ng binata ang bibig niya.
.
.
Itutuloy..