Chapter 12 Finale

1823 Words
WALANG nagawa ang pag-iyak ni Alice sa harapan ni Emil nang komprontahin ito ng binata na kaharap siya at ang mga magulang ng una. Ayaw sana niyang sumama sa pagpunta sa mga Palmes pero mapilit ang binata na isama siya dahil ayon dito kung anuman ang napag-usapan at napagkasunduan nito at ni Alice ay dapat alam din niya. Mahigpit ang pagkakahawak ng nobyo sa palad niya lalo nang makitang tinitigan siya ni Alice ng may pang-uusig. Hindi man siya nangako kay Alice noong huli nilang pagkakausap pero alam niyang umasa ito na magpaparaya siya para sa batang dinadala nito na walang iba kundi anak ni Emil. “Bakit ang lupit mo sa akin, Emil? Malaking kasalanan na ba ang nagawa kong mahalin ka ng lubos? Is it a sin to fall inlove with my bestfriend?” lumuluhang sabi ni Alice. Ramdam niya ang sakit na dinadala nito ngayon. Ang kabiguan. Pero ano ang magagawa niya? Isa rin siyang babae na nagmamahal. Buong akala niya ay kaya niyang magparaya para sa ikaliligaya ng iba. Pero paano naman kung ang taong pagpaparayaan niya ay hindi maligaya? Paano maging worth ang pagbibigay daan niya kung iisang tao lang naman ang magiging masaya? ”I had made my decision, Alice. Itutuloy ko ang kasal namin ni Reana dahil siya ang mahal ko. And you know it from the very first! I’m so sorry. Ngayon pa lang humihingi na ako ng patawad sa anak natin. Hiling ko lang na sana huwag niya akong kamuhian.” Iyon lang at tumayo na si Emil kaya napasunod din siya rito. Wala siyang narinig na anumang salita buhat sa mga magulang ni Alice pero naroon ang simpatya ng mga ito sa anak. ”E-Emil, p-please d-don’t l-leave! I n-need y-you!” narinig niyang sigaw ni Alice pero patuloy lang sa paglalakad si Emil palabas ng malaking bahay na kaagapay siya. Napapalingon siya kay Alice na napapaluhod sa pagmamakaawa na pakinggan naman ng nobyo pero hindi man lang nito nilingon ang babae. Kaya hindi na rin niya napigilan ang sarili at napaluha siya. Paano kung siya ang nasa sitwasyon ni Alice? Makakaya kaya niya? ”Pakiusap, Rean, I don’t want to see a tear coming from your eyes. Alam kong nasasaktan ka, and I’m so sorry. But I swear, I love you with all my heart. I don’t just wanted you in my life. I need you most for the rest of my life. Ikaw lang. Only you and me.” Huminto ito nang mapatapat sila sa kotse. Pinahid ng mga palad nito ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi at damang-dama niya ang init ng pagmamahal nito na para lamang sa kanya. From that moment she knows, everything will fall into places. Hindi man sa kasalukuyan pero naniniwala siyang sa pagdaan ng mga araw magiging panatag na ang lahat sa kanila. Iyong wala na siyang alalahanin pang iba kundi silang dalawa lamang at ng buuin nilang pamilya. “I love you, Emil.” “And I love you most and more, My Love.” Sabi nitong hinalikan siya sa noo. Marahan niyang dinilat ang mga mata at nakita niya kung gaano katapat ang nobyo sa lahat ng mga sinasabi nito. Napangiti siya at tila ba kaybilis nawala ang lahat ng mga agam-agam niya nang ipagbukas siya nito ng pinto ng kotse. Kasabay niyon ang bagong panimula para lamang sa kanila. “THIS IS PERFECT!” ani Mrs Nuevo sa wedding organizer paglabas ng garden sa mismong mansion ng mga ito. Hindi masyadong magarbo dahil iyon ang gusto ni Reana, pero elegante ang arrangement mula sa kaliit-liitang disenyo ng white and pink motive from flowers to bouquet, table napkins to cover clothings, hanggang sa carpeted path way na aapakan ng groom and bride ay magkakatugma ang kulay. Hindi ito magkandaugaga sa pagre-remind sa mga naatasan na mag-organisa ng kasal ng anak na siguraduhing nasa maayos ang lahat. “Mom, relax! Mas excited ka pa ‘ata sa akin ah!” ani Emil sa ina. Halos dumating na ang lahat na mga bisitang naimbitahan at malapit nang mag-umpisa ang seremonyas. In front of a big tree kung saan may duyan na napapaikutan ng iba’t-ibang bulaklak. Doon nakatayo ang pari na magkakasal. Kaharap nito ang groom katabi ng bestman, ang boyfriend ni Myla. “How could I? Those caterer were not doing their jobs well. Alam mo bang na-delay ang isang order na pagkain?” patuloy ni Mrs Nuevo. “Hon, naman. Pati ba naman iyon kailangan mo pang sabihin sa anak natin? This is his wedding! And besides let them do their thing. Natataranta sila sayo kaya muntik nang makalimutan ang isang menu.” Singit ni Mr. Nuevo na katabi ng asawa. “Hey, Mom, Dad, the march will start in a minute.” Saway nito sa mga magulang bagamat hindi pa rin nawawala ang excitement sa mukha. Hindi aabutin ng isang oras at maging ganap nang kanya si Reana. The moment he’s been waiting for. And that longing starts to vanish when there wedding song march is playing and sees tha woman of his heart slowly walks in a slow motion towards him. ”From this moment life has begun From this moment you are the one Right beside you is where I belong From this moment on” Wearing a white A-line Chapel Train Chiffon wedding dress na ito ang personal na gumuhit ng design na pinatahi sa isa sa mga kaibigan ng nobya. She’s more stunning than ever! With that affection habang magkasalubong ang mga titig nila. Makikita sa mga mata ng bawat isa ang pag-ibig. “From this moment I have been blessed I lived only for your happiness And for your love I’d give my last breath From this moment on” Iisa lang ang hiling niya ng mga sandaling iyon, ang h’wag manggulo o gumawa ng anumang eksena si Alice sa araw ng kasal niya. Ipinilig niya ang ulo para iwaksi sa isipan ang isiping iyon. Iniiwasan niya ang mag-isip ng walang kinalaman sa kanila ni Reana ng mga sandaling ito. Ipinangako niya sa sarili na iaalay ang araw na ito para sa babaeng pinakamamahal niya. And that’s Reana. “I give my hand to you with all my heart Can’t wait to live my life with you, can’t wait to start You and I will never be apart My dreams came true because of you” Everything was perfect. Until….. One huge jolly mistake! She’s wearing a Nike sneaker nang mapadako sa paa ang tingin niya! Saan ka ba nakakita ng ikakasal na naka-air max? Napangiwi si Reana nang ibalik niya sa mukha ng mapapangasawa ang tingin. “Sorry!” nabasa niyang sabi nito habang isang dipa nalang ang layo nila sa isa’t-isa. Napangiti siya at hindi inaalis ang mga mata kay Reana habang naglalakad ito at patuloy sa pagtugtog ang awiting From This Moment. Kulang nalang ay siya na ang lumapit kay Reana daahil hindi na siya makakapaghintay pa na mahawakan ang kamay ng mapapangasawa. “I love you.” Mahinang bigkas niya pero sapat na para mabasa iyon ni Rean at sagutin din siya nito. “I love you too.” At bago pa man niya abutin ang kamay ni Reana ay nangilid na ang luha nito na mabilis niyang pinahid ng sariling mga palad nang mapatapat na sa kanya ang babaeng mahal. “You’re the reason I believe in love And you’re the answer to my prayers from up above All we need is just the two of us My dreams came true because of you” Mahigpit ang pagkakahawak nila ng kamay na humarap sa paring magkakasal sa kanila matapos ang awitin. Lahat ay tahimik at walang ibang naririnig sa paligid na iyon kundi boses ng tatlong katao. Pakiramdam nila ay kanila ang mundo ng mga sandaling iyon. Wala silang ibang nakikitang tao sa paligid kundi ang isa’t-isa lamang. Hanggang sa nagsanib ang kanilang mga labi matapos sabihin ng pari na maari nang halikan ang kanyang kabiyak. Tila nagising silang pareho sa kamalayan nang marinig ang hiyawan at palakpakan sa paligid kasunod niyon ang pagtunog ng kampana bagamat mula ito sa malayo na ikinagulat ng lahat. Dahil wala naman sila sa simbahan. Hudyat na tapos na ang kasal. Parang sinadya na tumunog ito sa eksaktong oras. “CONGRATULATIONS!” hindi magkamayaw na bati sa kanila ng lahat na mga naroon. Ni hindi na nila mamukhaan ni Rean ang mga nagsisikamay sa kanila. Subalit iisang tao ang hindi nila inaasahan na lalapit sa kanila at nakangiti ito. Walang bahid ng pagkukunwari o galit. ”Best wishes you both, Reana, Emil.” Anito pagkatapos ay tumingin sa kanyang asawa. “Pinapalaya na kita, Emil. Sana mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan sayo, sa inyo ni Reana.” “A-Alice—“ boses ni Emil. “Let me talk first.” Sansala ng babae. “Narito ako para personal na babati sa inyo at magpaalam na rin. Huwag kang mag-alala at hindi ko ipagkakait sayo ang karapatan mo. Pakamahalin mo si Reana, Emil. Paalam na sa inyong dalawa.” ”Maraming salamat, Alice. Mag-iingat ka at d’yan sa dinadala mo.” ”Ikaw din Reana at h’wag mong pakakawalan iyang si Emil, ha? Kundi…..” Nagtawanan ang dalawang babae dahil sa tinuran ni Alice at bago tuluyang lumisan ang huli ay nagyakapan pa ang mga ito. ”When I told you I don’t love you, means I don’t want to lose you. Because I am damn scared to admit to myself that I am already fallen for you.” “What?” napalingon siya sa asawa nang maisip na pamilyar sa kanya ang sinabi nito. Parang alam niya ang linyang iyon. “Y-You open my draft notes?” nang maalala na sa kanya iyon. “Ako ba ang tinutukoy mo sa iyong sinulat, My Wife?” Pero bago paman niya nagawang sagutin ang asawa ay nakalapit na sa kanila si Myla habang kabig-bisig nito ang half Australian-Filipino na nobyo and their bestman. “Well, it was a happy fairy tale ending indeed! Unique! Sa shoes palang talo na si Cinderella. What more can I say?” Ani Myla “Alam mo naman na hindi ako sanay magsuot ng—“ “Hep hep! No need to explain! Mukhang mas lalo ka pa nga ‘ata minahal ng prince mo eh!” “I’m so thankful, Myla at pinaunlakan mo ang imbitasyon namin.” “Of course! But we’re really sorry, Emil, Reana. We have a flight to catch up. We need to go at the airport now. Kailangan na namin bumalik ng New York.” “H’wag mong kalimutan ang invitation ko, ha?” habol niyang biro sa kaibigan habang naglalakad na palabas ang dalawa. Iwinagayway naman ni Myla ang isang kamay kahit nakatalikod ito. Hindi nagkakahiwalay ang pagkakahawak-kamay nila ni Emil na ngayo'y asawa na niya nang humarap na sila sa mga bisita in their long reception table. The end is only the beginning. Wakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD