Chapter 1

1380 Words
Fritzelyn "Elynnnnnnn". rinig kong sigaw ni mama, habang palutang lutang ako sa dagat, nasa mababaw na parte lang naman ako, dahil natatakot na ako sa malayong parte ng dagat, hindi ako marunong masyado lumangoy, kaya hindi talaga ako sumusubok na sumama sa mga pinsan ko sa malalayong parte, hanggang sa may dibdib ko lang ako nag lalagi. nkaharap ako sa mga pinsan kong masayang nag tatalon sa bangka sa hindi kalayuan, pag ligon ko ay nakita ko si mama na may dalang katamtamang laki ng kawayan. patay busog na naman nito ang pwet ko sa palo. dahan akong nag lakad hanggang sa tuhod ko nalang ang dagat at tumakbo ng mabilis sa ilalim ng mga bahay bahay ng aming mga kapitbahay, umiba ako ng daan para maiwasan ang palo ni mama hanggang sa maka abot ako sa bahay at dali daling naligo sa gripo sa likod, wala kaming palikuran dahil bawal mag lagay malapit ang bahay namin sa tubigan kung saan lahat ng nakatira sa lugar namin ay doon kumukuha ng tubig pang inom at ligo, saka maraming tubo ang connect sa bawat daan dahil sa pagpapakabit ng mga gripo para may sariling makukunan ng tubig at hindi na kailangan pa makipila doon para makiligo at mag igib. nakikibanyo lang kami sa common na banyo ng lola ko na nasa labas ng bahay niya malapit sa poso, may banyo din malapit sa baybayin at tubigan, mas nauna pa ang banyo na yun, nagawa kaysa sa tubigan, kaso nga lang may bayad kapag jumebang ka doon ng Dalawang peso, eksaktong dumating si mama ay tapos na akong naligo at nakabihis narin, buti nalang natagalan si mama sa pag uwi nasabit siguro sa chizmisan sa kanyang kumare. lagi naman siya ganyan, perominsan talaga hindi ako nakakaligtas sa pag palo niya kaya kawawa ang pwet ko. at parang nakalimutan yata ni mama na pagalitan ako dahil tinanong ako kung kumain na raw ako at ng sinabi kong hidi pa ay sinandukan ako nito ng kanin at kinuha ang chiken joy na binili niya yata sa may kanto namin na tig limanag peso, hayyy ang sarap talaga ng lasa ng manokna ito sa may kanto, lasang jollibee, mura na masarap pa, naka dalawang sandok pa ako ng kanin at yung manok ko yung balat palang ang nabawas, yung laman hindi ko pa nabawasan o kagatan. "kumain ka pa anak, para naman magka laman laman ka, ang payat payat mo, alam kong paborito mo yang manok sa may kanto kaya binilhan kita niyan pati mga kuya mo". rinig kong wika ni mama, kinuhanan pa ako nito ng tubig kaya agad rin akong uminom. ng matapos akong kumain ay agad na akong nag hugas ng mga plato, ako nalang pala ang hindi pa kumain dahil sa pagliligo ko sa dagat at lahat sila ay tapos na. umopo nalang muna ako sa may hagdan namin at sinandig ko aking likod sa pinto, inantok ako bigla, hanggang sa makatulog nga ako na naka upo lng, hindi rin nag tagal ang aking tulog dahil niyogyog ako ng kuya ko para palpatin sa loob, ngunit hindi na ako naka tulog muli kaya umopo ako balik sa may hagdan namin, nakita ko rin isa kong kuya kaya hiningan ko ito ng Dos pesos pero Singko ang binigay kaya tuwang tuwa ako, makapag laro nga ng bingo sa likod ng bahay. pumili agad ako ng apat na card piso lang ang taya ko, tumabi ako sa taga yugyog. hindi ako makapaniwala na bibingo agad ang card na napili ko apat na bola lang kaya subrang saya ko, ang piso kong taya ay nanalo ng singwenta'y singko. ang lalaki naman kasi ng taya ng iba saka marami ang nag laro. tumaya ako ulit, saka hinintay ang taga yugyog kasi tumunog ang selpon nito, may katext pa yata, kaya yung iba ay nag hintay rin at pumili pili ng ipapalit na ibang card. sa pangalawang pagkakataon nanalo na naman ako, ngunit dumating ang dalawa kong kuya at pina uwi ako, yung iba ay nag reklamo at tumayo daw ako agad hindi pa sila naka bawi sa talo nila, wala aong magawa terror ang tingin ng mga kuya ko at ang tigas ng boses nung sinabing uwi, ginulo rin ng taga yugyog ang buhog ko saka nguniti kaya alam kuna siya ang nagpa punta sa mga kuya ko para pauwiin ako, agad na pinag agawan ang naiwan kong card ng mga manlalaro kaya napailing akong naka tingin sa kanila. ng malayo layo na kami sa kompulan ay tinanong ako ng ni kuya Dodong kung magkano ang panalo ko, sabi ko na hindi ko alam dahil hindi ko rin binilang, mga coins lahat kaya nilagay ko sa laylayan ng damit, pag dating sa bahay naka tingin lang ako kay kuya Dodong at Denise na nag bibilang. "Kaya pala denise nang hingi ng Dos mag bibingo pala, natatwangani ni kuya Dodong". "Ano yang"? si mama na naka tayosa likod ng mga kuya ko. "Pera mang panalo ni elyn sa bingo". si kuya Denise. "Nag sugal kana naman bata ka". ani'to sabay batok saakin kaya napakamot ako ng wala sa oras, hindi naman kalakasan ngunitnaalog ang ulo ko. "Itago mo yan para may pang baon ka sa lunes" si mama. "Ikaw nalang po mag tago mang saka bili ka ulit manok sa kanto pang ulam mamayang gabi, bigyan mo nalang ako ng Dyes, bibili ako ng BBQ sa labasan at mag lalro ng chinese garter saglit". "Naku nak, ilagay mo yan sa bag mo". "Saglit". si kuya Dodong kaya napalingon at angat kami sa kanya ng tumayo ito, kumuha pala ng polbo na walang laman saka kutsilyo, nilagay nilang Dalawa ni kuya Denise ang panalo ko sa loob ng plastic bottle ng polvo ang mga barya bago binalik sakin at pinalagay sa loob ng cabinet namin sa aming munting sala. "Huwag kang mag tagal sa labas elyn at huwag kang mag laro masyado, baka iihi kana naman sa banig mamayang hating gabi." ani mama, kaya tumango nalang ako, Syete anyos na ako ngunit umiihi parin ako sa banig lalo na't napasubra sa laro. kaya lagi ako pinag sasabihan ni ma na huwag magpasubra sa paglalaro sa hapon. nagtatakbo kong tinungo ang labas sa may basketball cort saamin, naroon naka pwesto sa gilid ang BBQ-han ng mag asawang tomboy na sina ate bebe at ate jean. pumili ako agad sa mga naka display nilang BBQ naka tayo ang mga ito at naka tuhog, kumuha ako ng isang hotdog na tig tress saka dalawang isaw na tig piso, dalawang bilog bilog na malilit na atay tig piso ri saka tig isang ulo ng manok sa yung adidas, daliri ng paa ng manok magka presyo lang ang dalawa tig One.fifty centabo. paborit ko ang BBq nila dito dahil ang sarap din ng sauce nila, kaya mabilis itong maubos ang iba ay ito na ang inuulam, bukod pa sa mura lang talaga at hindi malansa ang isaw nila. " Ate Fritzelyn" rinig kongsigaw ng pinsan kong si bakekang kaya nilingon ko ito at nginitian saka kinawayan, ng maluto na ay pinapili ko ito sa mga nabili kong BBQ. isang isaw lang ang kinuha nito, ngunit binigay ko parin sa kanya ang isang bilog bilog at ulo ng manok, na upo na kami sa may bangko doon at nilantakan ang masarap na BBQ. "Panu mo pala nalaman na nandito ako sa BBQ-han?" tanong ko rito habang kumakain. "Tinawag ako ng mga kuya mo at sinabing nasa BBQ-han ka daw, saka sabi ni nanay Grace subdan daw kita". sagot naman nitong naka ngiti kaya ngumiti rin ako. "Oh tubig manika". , ito ang tawag sakin ng mga tao dito saamin dahil sa mata kong kulay light blue. yung iba sinasabi na ampon lang ao at Americano ang tatay ko. ang iba naman sinasabi nila na napaglihian daw ni mama yung bida sa palabas dati na may blue na kulay ng mata kaya ganito ang mga mata ko, nang dahil daw sa paglilihi. mga gwapo at mapuputi din naman mga kuya ko, saka mata lang talaga namin ang naiiba. hmmn bahala nga sila sa buhay nila, wala akong paki, basta mag bibingo ako ulit bukas para may pang BBQ na naman ako at madagdagan ang pera ko sa alkansya na ginawa ng mga kuya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD