FRITZELYN
"Tessa? malapit na ang bakasyon, makakapag laro na tayo sa baybayin ng bahay bahayan sa buhangin." ani ko sa aking pinsan habang naka upo kami at nakatingin sa mga kapitbahay naming nag lalaro ng tubiganay.
"Oo nga, excited na ako, mas gusto ko doon mag laro sa tabing dagat kasama sila Rowely, Bembem, Meme, Andat saka Marice saka sila Dagol Aiai." sagot rin agad ng pinsan ko ng naka ngiti, mas gusto naming mag laro doon kasi hindi sila nang aaway at nangungutya sa akin, di gaya dito sa labasan na mga pinsan ko pa man din pero grabi maka kutya at maka away sa amin ni Tessa.
"Naka ipon na ako ng mga balot ng kendi saka tansan ng mga inumin para gawing pera natin, saka yung mga balot ng mga junk foods ko na binibili hindi ko tinatapon, inipon ko rin para ay tinda tinda tayo, naka ngiti ko ring hayag sa kanya.
"Meron rin ako, marami rami narin kapag ipag sama natin, hihingi din ako ng mga lantang gulay kay Lola celia na hindi niya na binibinta para may gulay gulayan din tayo." nag apir pa kaming dalawa habang nag uusap at iniimagine ang mga gagawin namin ngayung bakasyon. ngunit ang lahat ng iyon ay hanggang plano nalang pala ng dumating bigla si Papang, gusto kaming isama ni nanay pa puntang Maynila, dahil nangangailangan ng katulong ang amo nito. hindi naman ako maiwan iwan ni Mamang dahil nga sa bata pa ako, kaya kinakailangan kong sumama sa kanila pa Maynila.
Saktong April ay dumating si papa galing Maynila, subrang saya ko dahil maraming pasalubong para saamin, maraming chocolates na dala si papa, bigay daw ng amo niya dahil lagi pumupunta sa ibang bansa ang mga ito at pinapasalubongan silang gabtrabahante ng mga chocolates at kung anu-ano pa, iniipon lamang ni papa ang mga natanggap napasalubong para maiuwi dito sa amin sa Gensan.
agad akong nagtatakbo at pumunta sa bahay ng aking tiyahin at hinanap si Tessa, nag huhugas ito ng mga plato kaya hinintay ko ito bago kami pumunta sa bahay. binahagian ko ito ng mga chocolates, hindi naman mahilig ang mga kuya ko kaya kami lagi ni Tessa ang lumalantak sa mga chocolates, ng mabusog kami ay nag balot din si mama para may maiuwi si Tessa, kapatid ni mama ang mama ni Tessa na si ate tessie, pati mga sabon, shampoo at toothpaste ay naglagay si mama sa plastic.
"Tessa? aalis na kami sa kataposan ng April, sa Maynila na ako magpapatuloy sa pag-aaral". panimula ko, nalungkot naman ito dahil sa aking sinabi.
"Totoo ba iyan? pwede akong sumama"? ani'to
"Oo, kasi nangangailangan ng katulong ang amo ni papa, umalis na daw kasi ang isa sa mga katulong dahil nag asawa na at buntis daw ito, kaya si mama ang papalit, nagpa alam narin si papa sa mga amo niya naisasama ako dahil walang magbabantay sa akin dito at puro mga lalaki ang mga kapatid ko, hindi nila ako pwedeng iwanan dito, alam mo naman na laging bus rin ang mga kuya ko". mahabang paliwanag ko dito.
"Ganun ba? kailan ka niyan makakauwi dito"? malungkot nitong sakin.
"Ito naman hindi a nga ako naka alis ang pag uwi agad tinanong mo". ani kong natatawa aya natawa narin si Tessa at nawala ang lungkot ito.
"Mag text text nalang tayo, gagamitin ko cellphone ni papa para maka text ka kukunin ko number ni tiya Tessie para maka text kita sa araw araw".
"Pano naman pag walang load si mama?" problemado nitong tanong.
"Ako na ang tatawag segurado may load lagi si papa, palagi iyon nagpapa unli call, kasi lagi natawag si papa kay mama halos araw araw kapag hindi busy." paliwanag ko dito.
"Hala ganun ba? segi hihintayin ko ang mga tawag mo pag naroon kana sa Maynila, saka huwag na huwag mo akong kakalimutan ha. saka pasalubong pag uwi mo, marami daw murang damit doon lalo na doon sa.. sa ano nga ba iyon Divisonia ba iyon". ani Tessa.
"Divisoria iyon". pagtatama ko na natatawa.
"Ah, basta iyon na iyon, bilhan mo ako ng crop tap doon ha iba-ibang kulay". naka ngiti nitong biloin saakin.
"Oo ba, kapag maka pag ipon ako ng pera bibili ako ng damit tig isa tayo tapos parihas na damit para twinnie tayo". naka ngiti ko ring tugon.
Sumapt na nga ang araw ng aming pag alis at nagka iyakan kaming dalawa ni Tessa, sumama pa siya sa paghatid sa amin sa pantalan na malapit lang rin sa aming lugar, mahigpit kaming nag yakapan bago kami sumampa sa Barko. tatlong araw pa kaming lalayag bago makarating sa Maynila, kung sana'y nag eroplano kami ay da;awang oras lang ag byahi pa Maynila, takot kasi si papa sumakay sa eroplano kaya kami nag barko.
nakakamangha ang bahay ng amo ni papa subrang ganda at laki, Mansyon kung sabihin nila, ang dami pang mga naka uniporming itim at malalaki ang mga katawan may mga nakasabit pa na mga baril sa katawan, ang lalaki ng mga baril nila, parang ang bigat, sa Tv ko lng ito nakikita, hindi ko sulat akalain na makakakita ako ng malalaking baril sa personal.
pag dating namin ay siya ring dating ng anak ng amo nila papa kaya agad na tumayo kami sa pagkaka upo at bumati dito, si papa ang unang bumati kasi siya naman ang nakakakilala at nakakalam sa pangalan nito.
"Magandang tanghali po Señorito Dean". ani papa.
"Magandang tanghali rin manong". bati rin nito sabay tingin saming gawi ni mama.
"Asawa at anak ko po pala, ang asawa ko ang papalit kay inday, saka anak ko po si Fritzelyn." ani papa.
"Magandang tanghali po Señorito". pagbigay galang ko dito".
matapos kami ipakilala ni papa sa amo niya ay pinatuloy kaminito sa kusina nila para daw makakain na kami saka pag usapan ang magiging trabaho ni mama ang paglilipat ko ng paaralan dito. sinabi ni Señorito Dean na siya na ang bahala sa paaralan na papasukan ko.
Ang gwapo ni Señorito, mas gwapo pa siya sa crush ko sa school namin, parang siya na ngayon ang bago kong crush, ani ng aking isip.
Matuling lumipas ang mga araw, buwan at taon, kamakaylan lang ay Syete anyos lang ng dumating ako dito sa Maynila, sa Mansyon nila Señorito Dean, ngayon ay 3rd year high school na ako, same school kung saan ako nag aral ng Elementary sa UF University of Faith. ang yayaman ng mga ka'klase ko at ang gaganda nila. may iba na mayayaman pero matapobre, may naging kaibigan ako na sina Chleo, Faye at Grazhel, ang gaganda at ang babait nila makikinis rin ang mga balat halatang anak mayayaman at galing sa hindi basta bastang pamilya.
sabay sabay kaming naglalakad palabas ng gate, nasa labas na ang mga sundo namin, bubuksan kuna sana ang sa back seat ng bumaba ang glass window ng sasakyan, si Daddy pala ang sumundo sakin. yes you heard it right "DADDY" inadopt na ako ng anak ng amo namin, naka uwi narin ng Gensan ang aking mga magulang, maraming nangyari sa mga nakalipas na taon at nagpabago ng aking kapalaran.
"How's school baby". ani Daddy.
"Mabuti naman po Dad" palagi kong sagot kapag kinakamusta niya ang pag aaral ko.`
"Siya nga pala pinatahian kita ng bagong blouse mo na uniform, huwag munang gamitin yang uniform mo na yan, itapon muna yan pag dating sa bahay, subrang liit na niyan". ani'to. sa isip ko panong maliit? e bagong tahi rin itong uniform ko, saka sakto lang naman ang sukat sakin.hindi malaki, hindi rin maliit.
"Hindi naman po maliit Dad, sakto lang naman po ang sukat." protesta ko naman, sayang nga kasi, kebago pa.
"Hindi maganda ang pagkasukat sayo, masiyadong fit". ani'to.
"Kayo po bahala". tanging sagot ko nalang, alangan maki pag away pa ako rito kaya hinayaan ko nalang. pagdating sa bahay ay agad na inutusan ni Daddy ang kasambahay na itapon na ang aking uniform at huwag ng labhan.