IKA- 4 NA LABAS

1561 Words
VALENTINA'S POV AUTOMATIC ang pagsimangot ng aking mukha nang makita ko na makakasalubong ko si Kristine Cecillia sa hallway. Tumigil ako sa harap ng elevator at pinindot ko ang button na pataas. Papunta kasi ako sa fifth floor dahil nandoon ang office ko. Dito kasi sa Precious Life ay may kanya-kanyang opisina ang bawat exclusive writers nila. Pwede kang magsulat sa office at pwede rin sa bahay. Sumabay si Kristine Cecillia sa pagpasok ko sa elevator nang bumukas iyon. Pinindot ko ang number five habang number twenty-five naman sa kanya. Kami lang dalawa ang nasa loob. Hindi ko siya iniimikan. In fact, ay todo-simangot ako sa kanya habang siya ay tila relax na relax lang. "Open pa rin ang offer ko na turuan ka how to write an effective erotic story, Valentina," basag niya sa katahimikan sa loob ng elevator. Hindi ako nagsalita. "It's for free. Tulong ko na sa iyo bilang co-writer naman kita." Tiningnan ko siya at nginitian niya ako. Mapang-asar na ngiti. Hindi ko alam kung sincere ba siya sa sinasabi niya o gusto lang niyang sirain ang araw ko. Ginantihan ko siya ng isang pilit na ngiti. "No, but no thanks na lang, Kristine Cecillia." "Bakit ba hindi mo kayang magsulat ng erotic story? Sayang, iyan pa naman ang trend ngayon..." Eh, ano naman ang pakialam ng babaeng ito kung hindi ko kayang magsulat ng ganoong kwento. "Inaalala ko kasi ang mga kabataang makakabasa ng mga sinusulat ko." "Teenagers now are wise readers. Saka nasa writer naman iyan kung paano niya i-e-express ang mga ideas niya. Like me, 'yung mga bed scenes sa story ko, I do it tastefully done! Very artistic!" "Kahit na. Bed scene pa rin iyon." "Nakipag-s*x ka na ba, Valentina?" Nagulat ako sa tanong niya. Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kanya. "Anong sabi mo?!" "I am asking you kung nakipag-s*x ka na? Imposible namang hindi pa, di ba? You are old enough." Kung maka-old naman ang Kristine Cecillia na ito, parang gusto ko siyang ingudngod sa floor ng elevator na ito! Ting! Save by that "ting". Bumukas na ang pinto ng elevator at ibig sabihin nun ay hindi ko na kailangang sagutin ang tanong niyang iyon. "I have to go!" sabi ko. Pero bago ako lumabas ng elevator ay pinindot ko lahat ng number button sa elevator. Mabilis akong tumakbo palabas habang dinig na dinig ko ang galit na galit na boses ni Kristine Cecillia na minumura ako. Dapat lang iyan sa iyo, mahadera ka! Hmp! KANINA pa ako nakatitig sa monitor ng laptop na nasa aking harapan. Kanina pa rin ako nakikipagtitigian sa maikling linya na panay ang kurap sa Microsoft Word. Hanggang sa sumuko na ako. Isinubsob ko ang mukha ko sa table ko at inalog-alog ang ulo ko. Parang gusto kong iuntog ang ulo ko at baka sakaling may maisulat na ako. Ganito ba talaga kahirap magsulat ng isang erotic story ang katulad kong virgin? Torture ito! Torture! Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng office ko. Hindi na ako nag-abala na iangat ang ulo ko para tingnan kung sino ang pumasok. "Lamesa iyan at hindi patungan ng mukhang malalapad!" sabi ng taong pumasok. Umangat ang mukha ko at nakita ko si Antonn na nakaupo sa gilid ng table ko. Inirapan ko iyan. "Oo, lamesa nga ito at hindi ito upuan ng pwet na kung anu-ano ang ipinapasok!" pananabla ko sa kanya. Aminado naman ako sa medyo malapad ang mukha ko kasi medyo chubby ako. Pero kahit ganun man, alam ko naman sa sarili ko na maganda ako. Natural pa hindi katulad ni Kristine Cecillia na alaga sa face lift. "Anyare ba, mare?" tanong ni Antonn. Nakaupo pa rin siya sa lamesa. Tumingin ako sa kawalan. "Hindi ko talaga kaya ang magsulat ng erotic story, mare." "Hay naku, bakit kasi hindi mo gawin iyong suggestion ko sa iyo. Makipag-kembelar ka once para maramdaman mo ang pakiramdam ng intercourse! Oo nga pala, I am here para sabihin sa iyo na nandiyan na si Miss Agatha. Kadarating lang niya." "Talaga? Nandiyan na siya?" bigla ang pagliwanag ng mukha ko. "Ayaw pang maniwala? Gusto pa ng pruweba?" Tumayo na ako at iniwan si Antonn upang puntahan si Miss Agatha sa opisina niya. Kailangang makausap ko siya ngayon. Agad ko naman na narating ang office niya dahil nasa fifth floor lang din naman iyon. Pagbukas kong pinto ay nakita ko siyang nakaharap sa computer niya. "Good morning po, Miss Agatha..." bati ko sa kanya. Hindi ko na hinintay na papasukin niya ako, ako na mismo ang nagkusa. Umupo na rin ako para lubus-lubos na. "What brought you here, Valentina? May ipapasa ka na bang erotic story?" Umiling ako. "Wala pa po pero may gusto akong sabihin sa inyo." "Ano iyon?" "Hindi po lingid sa akin ang kumakalat na tsismis dito sa PLPC na mag-re-resign na kayo bilang editor-in-chief at alam ko rin na kayo mismo ang pipili sa taong papalit sa pwestong iiwan niyo." dire-diretsong sabi ko. "Yes, totoo lahat ng tsismis na sinabi mo. I am confirming it! Then, what about it?" "Hihingi po sana ako sa inyo ng kondisyon." "Anong kondisyon naman, Valentina?" "Ang gusto ko po sana, kapag nakapagsulat ako ng isang erotic story at makabenta ito ng ten thousand copies ay ako ang gagawin niyong bagong editor-in-chief ng Precious Life!" walang gatol na sabi ko. "AHAHAY!!! Ang bongga as in bonggasious mo talaga, Valentina! Biruin mo, napapayag mo si Miss Agatha sa mataray mong kondisyon?" Napapangiti na lamang ako sa sinabing iyon ni Antonn habang nasa office ko siya. "I told you, mapappapayag ko siya. Ikw lang, eh, wala kang bilib sa maganda mog bestfriend!" "Pero hindi naman kaya pumayag si Miss Agatha kasi alam niya na hindi ka makakagawa ng isang erotic story na makakabenta ng ten thousand copies?" "Gusto mong ipasok ko ito sa pwet mo?" sabay dampot ko ng lapis na nakita ko. "Ay! Wala na bang mas lalaki diyan?" sabay tawa niya. "Pero teka, kaya mo na ba talagang magsulat ng isang erotic story?" "Hindi pa pero may alam akong paraan kung paano ako makakapagsulat ng ganoon na kwento..." Manghang tiningnan ako ni Antonn sa mukha. "Really? Papaano naman, mare?" "Papatulan ko na ang suggestion mo!" "OMG! So you mean payag ka na?" tumango ako at tumili si Antoon. "So, lets go!" sabay hila niya sa kamay ko. "Saan?" "Tinatanong mo pa kung saan? Eh di, sa gay bar! Ihahanap kita ng makaka-s*x mo!" Malakas ko siyang sinapok. "Gaga ka! Gusto mo bang magka-AIDS ako?!" "AIDS agad? Hindi pa pwedeng UTI muna?" "Doon na rin ang diretso nun!" hinila ko si Antonn pabalik sa upuan. "Alam mo kasi, may mga qualities ako na na hinahanap sa isang lalaki na gusto kong pag-alayan ng virginity ko. You know, this is my first time at ayokong kung kani-kanino lang. This has to be memorable!" paliwanag ko. Tumango-tango siya. "Okey... Teka, anu-ano bang qualities 'yan?" Kinikilig na ngumiti ako. "Gusto ko gwapo, matangkad at mabango." "Ay, tara na nga sa gay bar. Marami niyan doon!" Tiningnan ko siya ng masama sabay nag peace sign siya sa akin. "Yun lang ba gusto mo?" "M-meron pa..." nahihiya kong sagot. "Ano pa ba para makapaghanap na tayo agad-agad." "Shy ako, eh! Eh keshe, nakakahiya keshe..." "Bakit ganyan ka magsalita? Sampung patong ba brace mo? Sabihin mo na kasi!" "Nakakahiya talaga." "Ano ngaaa???!!!" Kinagat-kagat ko ang ibabang labi ko. "Ano kasi... Gusto ko iyong ano?" "Ano?" "Iyong malaki ang ano..." "Ang ano nga?!" medyo inis na si Antonn. Huminga ako ng malalim. "Okey. Ang gusto ko iyong malaki ang..." mas lumapit pa ako kay Antonn at may ibinulong ako sa kanya. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata ni Antonn matapos ko siyang bulungan. Bigla siyang nag-sign of a cross. "Hesusmaryosep ka, Valentina! Seryoso ka ba? Gaano ba kalaki ang gusto mo?" gimbal na tanong ni Antoon sa akin. "Mga eight to ten inches lang naman!" kulang na lamang ay himatayin si Antonn sa sinabi kong iyon. SUZUKI'S POV "TANGGAP ka na Mr. Suzuki Ner. Sana ay magampanan mo ang pagiging delivery boy dito sa pizza parlor ko!" Tinanggap ko ang pakikipagkamay sa akin ni Sir Lopez, ang may-ari ng pizza parlor na pinag-applayan ko bilang isang pizza delivery boy. Nagsasawa na kasi ako sa pagiging tambay kaya naghanap na rin ako ng trabaho. "Salamat po, Sir! Asahan niyo po na gagawin ko ang best ko para sa trabahong ipinagkatiwala niyo sa akin," natutuwang sagot ko. "Aasahan ko 'yan. Anyway, bukas ka na magsisimula pero training pa lamang bukas. Isang araw lang naman ang training mo." "Wala pong problema, Sir!" sabi ko. Pagkatapos ay umuwi na ako at masayang ibinalita kay Lola Britney na may trabaho na ako. "Aba, mabuti naman kung ganoon. Para naman may pakinabang kang, damuho ka!" sabi ni Lola Britney sa akin. Ganyan lang talaga siya magsalita. Akala mo palagi kang pinapagalitan pero hindi naman. Natural na iyan sa akin. "May pandagdag na naman tayo sa pambayad ng internet! Tuloy-tuloy na rin ang pag-i-Skype ni Johnson!" Kumunot ang aking noo. "Sino namang Johnson, 'La?" "Iyong Amerikano na ka-chat ko palagi. Nagkakilala kami sa f******k noong isang buwan." "Wala po kayong nabanggit sa akin." "Hay naku, nasabi ko na sa iyo! Nakalimutan mo lang at busy'ng busy ka sa pambababae mong, pastelang bata ka!" Nailing na lang ako sa sinabi ni Lola Britney. Ang lola kong nagmumurang kamatis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD