IKA- 3 NA LABAS

2099 Words
VALENTINA'S POV "PLEASE, get me another red ballpen," utos ni Miss Agatha sa secretary niya na si Yolly. "Eto na lang po," offer ko sa red ballpen ko. Napailing siya. "Kulang iyan, Valentina. Sa dami ng errors na kailangan kong bilugan at guhitan dito sa printed manuscript na ipinasa mo...I don't think sapat na ang isang red ballpen." Nakakainsulto at masakit para sa akin ang sinabi niyang iyon sa akin. Ngayon lang niya ako nasabihan ng ganoon. Pakiramdam ko tuloy ay isa lang akong pipitsuging writer na irereject ng editor na pinagpasahan nito. "H-hindi niyo ba nagustuhan ang first erotic story ko na ipinasa ko sa inyo. Pina-print ko pa po iyan para hindi sumakit ang mga mata niyo sa pagbabasa..." Hindi yata ako makakapayag na marereject ang first chapter ng first erotic story na isinulat ko. First chapter pa lang kasi ang nagagawa ko at pinakita ko na agad iyon kay Miss Agatha para sa kanyang opinyon. "Well, you are wrong. Hindi lang mata ko ang sumakit sa pagbabasa ng manuscript na ito kundi pati ulo ko ay sumakit! Ano ba ito? Ito na ba ang erotic para sa iyo? Puro ahhh...ohhh!" Pinigilan ko ang sarili ko na matawa nang bigkasin ni Miss Agatha iyong "ahhh" at "ohhh". Talagang nilagyan pa niya ng feelings! "Hindi lang puro sa s*x umiikot ang isang erotic story, Valentina. Kailangang may kwento pa rin ito at hindi iyong tulad nito! Trash!" at ibinagsak niya sa ibabaw ng table ang manuscript ko. Trash! Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabing iyon ni Miss Agatha. Kinuha ko ang manuscript ko. "Hayaan niyo po at aayusin ko na sa susunod. S-saka, first chapter pa lang po naman iyan..." "Valentina..." biglang naging malumanay ang boses niya. "Sana huwag mong isipin na nilalait ko ang kakayahan mo. This is all for you. As a writer, you have to grow." Tumango ako. "Naiintindihan ko po." Pero ang totoo ay nasaktan ako sa sinabi niya. "You may go." aniya. "Alam mo na siguro ang resulta ng ipinasa mo?" Tumango na lang ako bilang pagsagot. Ayaw kong marinig sa bibig ng editor ko ang salitang "rejected". Paglabas ko ng opisina ni Miss Agatha ay sumalubong sa akin si Kristine Cecillia. Magsing-edad lang kami pero masasabi ko na mas sikat talaga siya sa akin. "I can teach you how to write an effective erotic story, Valentina..." hindi ko gusto ang paraan ng pagkakangiti niya sa akin. Parang nakakaloko! "No, thanks--- Teka, paano mo nalaman na..." ibinitin ko ang sasabihin ko. Tiningnan niya ang kanyang kuko na may kulay red na nail polish. "Dinig na dinig ko kaya ang sermon sa iyo ni Miss Agatha dito sa labas! Poor, Valentina... Boo-hoo!" Alam ko. Hindi ako manhid. Inaasar na ako ng Kristine Cecillia na ito. Noon pa man ay talagang may silent war na kami ng babaeng ito. Magkasabay kasi kaming nakapasok sa Precious Life kaya nagkaroon agad ng tunggalian sa pagitan namin. Dagdag pa na magka-edad lang kami. Pero nakakalungkot man na aminin, mas umarangkada ang career ni Kristine Cecillia kesa sa akin. Puro kasi kahalayan ang pinagsusulat niya! Nag-crossed arms ako sa harap niya. "Alam mo, Kristine Cecillia...wala kang pakialam kung nasermunan man ako ng editor natin. Bakit, nadagdagan ba ng wrinkles iyang mukha mong sagana sa face lift?" "Oh my God! Walang wrinkles ang face ko. FYI!" eksaheradang sagot niya. "Wala talagang wrinkles kasi nga lagi kang nagpapabatak ng mukha mo sa derma! Tingnan mo yang nunal mo sa leeg... Three years ago, nasa pisngi mo pa ang nunal na iyan pero dahil sa kaka-face lift mo, napunta na sa leeg!" at tumawa ako habang pumapalakpak. Gigil na gigil na ang mukha niya. "How dare you, Valentina! Mas maganda ako sa iyo!" "Wala naman akong pakialam kung mas maganda ka man sa akin kasi hindi ko naman kailangan ng magandang mukha dahi hindi naman ako artista. Writer ako!" "So, inaamin mong mas pretty ako sa iyo?" nakataas ang kilay na tanong ni Valentina. Umiling ako. "Hindi, no! Sinabi ko lang ang prinsipyo ko. Saka, stop being maarte! You're not even maganda!" Oh, ano ka ngayon? Akala naman ng babaeng ito na porke't mas sikat siya sa akin ay hindi ko na siya tatablahin? Hindi naman ako papayag na api-apihin na lang niya. "Grrr!!! Kahit anong sabihin mo, Valentina...hindi ka magiging kasing-sikat ko! Hanggang diyan ka na lang! At oras na maging editor na ako dito sa Precious Life, ikaw ang kauna-unahang writer na tatanggalin ko dahil wala kang ibang alam na isulat kundi teen-fiction!" Wala kang ibang alam na isulat kundi teen-fiction! Wala kang ibang alam na isulat kundi teen-fiction! Wala kang ibang alam na isulat kundi teen-fiction! Paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang mga huling katagang sinabi sa akin ni Kristine Cecillia. Wala nga ba akong alam na isulat kundi teen-fiction? "AHHH!!!" galit na sigaw ni Antonn sabay balibag niya ng flower vase sa sahig. Pero dahil gawa sa plastic iyong flower vase ay hindi iyon nabasag. Katatapos ko lang ikwento sa kanya iyong "paghaharap" namin kanina ni Kristine Cecillia at iyon ang naging reaksiyon ng bakla kong kaibigan. "Dapat kinalbo mo sa sabunot ang Batak Queen na iyon! Kaimbiyerna siya!" tila nagha-hyper ventilate na si Antonn. Batak Queen ang tawag namin kay Kristine Cecillia dahil sa pagpapa-face lift nito ng madalas. Dinampot ko iyong vase at binato sa kanya. "Gaga! Ayokong mag-eskandalo sa Precious Life, 'no! Ipinapakita ko pa rin sa kanya na mas edukada ako sa kanya." "So, what are your plans now? Ipapa-salvage na ba natin si Kristine Cecillia? O ipapabugbog sa condo?" "I want to get my sweet revenge. Ipapakita ko sa kanya na hindi mangyayari ang pangarap niya na maging bagong editor ng Precious Life! Dahil ako...ako ang papalit sa pwesto ni Miss Agatha bilang editor ng Precious Life!" determinado kong sabi habang naniningkit pa ang aking mga mata. Tuwang-tuwa na pumalakpak si Antonn. "Bongga! Ang bongga mo talaga, mare! Pero paano ka naman magiging editor ng Precious Life? Huwag ka sanang masasaktan pero sa inyo ni Kristine Cecillia, mas may chance siya na maging editor kesa sa iyo, eh." Isang pilit na ngiti ang ipinakita ko kay Antonn. "Don't worry, hindi naman ako ang masasaktan...kundi ikaw!" sabay sabunot ko sa kanya. "Akala ko ba, kaibigan kitang bakla ka?! Bakit ang Batak Queen na iyon ang kinakampihan mong, hitad ka!" "Aray ko! Ang hair ko! Let it go!" tili ni Antonn. Marahas ko naman na binitiwan ang buhok niyang parang binagyo na dahil sa pagsabunot ko. "Basta, ako ang magiging editor ng Precious Life at hindi ang Kristine Cecillia na iyon. Humanda siya sa akin!" pinal na sabi ko. SUZUKI'S POV HINDI pa man ako nakakapasok sa bahay namin ay nakita ko nang papalapit sa akin sina Ulysses at Caloy. Agad nila akong inakbayan habang tila excited na excited na tinanong nila ako. "Ano, kumusta ang sexcapades mo kagabi?" tanong ni Ulysses. Mayabang akong sumagot sa tanong niyang iyon. "Eh, di katulad ng dati...tirik ang mata niya sa sarap!" at malakas kaming nagkatawanan. Kung alam lang nila... "Wooohhh! Wala na. Ikaw na talaga, Suzuki! Idol!!!" siagw pa nilang dalawa. Nagulat kaming tatlo nang biglang sumulpot ang lola ko na si Lola Britney. Seventy-years old na ito at may kapayatan. Puro puti na rin ang hanggang beywang na buhok nito. "Ay, ano ba kayong mga damuho kayo at kaiingay niyo? Kayo ba ay may kaaway na naman?" singit sa amin ni lola. "Eh, ako ay may ka-chat na Amerikano ay hindi ako makapag-concentrate. Nag sign out muna tuloy ako sa Skype ko para alamin kung bakit nagkakagulo na naman kayo!" "Wala naman po, Lola Britney. Kinukumusta lang ako nina Caloy at Ulysses," pagsisinungaling ko at sinunuk-suntok ko pa ang dalawa kong kaibigan sa tiyan nila ng bahagya. "Mga damuhooo!!! Lolokohin niyo pa ako? Bakit nakakarinig ako ng sexcapades sa inyo, mga pastelang mga batang ire! Nag-night club na naman kayo, ano?!" Sinenyasan ko sina Caloy na umalis na at nagsisimula na naman sa pagtatalak nito si Lola Britney. Hindi naman pagtatalak na nakakainis pero iyong tipong matatawa ka na lang sa mga pinagsasasabi niya. Ang totoo pa nga niyan ay napakabait na lola ni Lola Britney. Only apo ako niyan sa nag-iisa niyang anak na mangyaring nanay ko. Namatay ang nanay ko noong ipinanganak niya ako. Sabi nila, nagkaroon daw ng komplikasyon. Hindi ko na masyadong inalam pa dahil sa wala rin namang masyadong alam noon si lola. Ang tatay ko naman, ayun, hindi ko na alam kung nasaan na ba siya. Kung buhay pa ba o patay na. Iniwan kasi niya kami nang mag-isang taon na ako. Hindi na niya yata ako kayang palakihin. Mabuti na lamang ay nandiyan si Lola Britney na pinalaki ako sa pagbebenta niya ng sampaguita, kendi at sigarilyo sa kalye. Pero sa ngayon, hindi na siya nagbebenta noon. Meron na kaming maliit na sari-sari store sa harapan ng bahay namin. Kahit papaano naman ay nakakaraos kami kahit na marami kaming kakumpetensiya sa negosyo dahil nga nasa isang squatter area kami. High school lang ang natapos ko pero hindi ko naman sinisisi si Lola Britney na iyon lang ang nakayanan niyang maibigay na edukasyon sa akin. Aba, bihira kaya ang nakakatapos ng sekundarya dito sa lugar namin. Sina Ulysses at Caloy nga, Grade Six lang ang natapos nila. Saka kahit naman ganoon lang ang natapos ko ay ilang beses na rin akong nakapagtrabaho sa mga factory at fast food chains. Kaya nga lang laging contractual. Six months lang at wala ka na naman trabaho. Tambay-pogi na naman. Tulad ngayon, halos dalawang buwan na akong walang trabaho. Natatawa ako habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong sina Caloy. Nang mawala na sila sa paningin ko dahil lumiko na sila sa isang eskinita ay inakbayan ko si Lola Britney. "Tara na sa loob, 'La? Ano bang gusto mong lutuin ko ngayon?" Marunong kasi akong magluto bilang nagtrabaho ako noon sa isang restaurant. Sinapak ako ni Lola. "Nagpapalangis ka na naman sa akin, damuho ka! Hihingi ka na naman ng pera para sa pambabae mo mamayang gabi! Nakow! Pag ikaw nagkatulo kakatusok mo sa mga Magdalena diyan, papabayaan kita!" "Nag-iingat naman po ako, Lola!" Pagkasabi ko niyon ay dumiretso ako sa banyo upang umihi. Hindi na ako nag-abala na isara ang pinto dahil sa kami lang naman na dalawa doon ni Lola Britney. Niluwagan ko ang sinturon ko at binuksan ang zipper. Inilabas ko ang aking p*********i. Tumingala ako habang nakapikit habang umiihi. Ganito talaga ako pag umiihi. Nakatingala at nakapikit dahil may ayaw akong makita dahil sumasama lang ang loob ko. At ang ayaw kong makita ay ang aking p*********i. Masakit man na aminin pero...maliit lang iyon. Tang'na naman kasi! Bakit ganito lang ang ipinamana sa akin ng tatay ko?! Minsan ay sinukat ko ito nang hindi galit. Two inches. Sinukat ko din siya nang galit na galit na ito at ang resulta...two inches and five centimeters! Putcha! Hindi man lang pinaabot ng tatlong pulgada! Nakakasama talaga ng loob. Pinagpag ko iyon matapos kong umihi at inayos ko na ulit ang pagkakapwesto niya sa loob ng brief ko. Pagharap ko ay muntik na akong mapasigaw sa gulat nang makita kong nasa pintuan ng banyo si Lola Britney. "Gaano na ba kalaki si manoy mo, Suzuki?" seryoso niyang tanong. Bigla akong namula. "A-anong klaseng tanong ba naman iyan, 'La?" "Eh, kasi, nung bata ka pa ay pagkaliit-liit niyan! Tinatanong ko lang kung maliit pa rin ba o lumaki naman." "S-siyempre malaki na ito, Lola," pagsisinungaling ko at lumabas na ako ng banyo. Nilampasan ko siya. "Kababaliwan ba naman ako ng mga babae kung hindi, di ba?" "Asuuus... Patingin nga ako, apo ko!" "Lola!" pinanlakihan ko siya ng mata. "Magluluto na po ako. Maganda pong mag sinigang na baboy ngayon at malamig ang panahon..." pag-iiba ko ng usapan. Pumunta na ako sa kusina upang ihanda ang mga sangkap para sa lulutuin kong ulam. "Lagyan mo ng malalaking talong ang sabaw, Suzuki!" sigaw ni Lola Britney na salas. Napailing na lang ako. Loko talaga si Lola Britney. Habang naghihiwa ako ng talong ay natigilan ako. Nakakabwisit naman ang mga talong na ito. Ang laki at haba! Dinaig pa ang p*********i ko. Hay, hindi lang naman ang sukat ng p*********i ko ang sikreto ko kundi pati na rin ang pagiging virgin ko. Oo, wala pa akong karanasan sa larangan ng s*x dahil sa nahihiya ako na baka pagtawanan ako ng babae kapag nakita nila ang maliit kong dinadala. Pero ang alam nina Ulysses at Caloy ay meron na akong sexperience! Hay... Sana ay makatagpo ako ng babaeng hindi naghahanap ng lalaking may malaking ano!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD