IKA- 2 NA LABAS

1724 Words
VALENTINA'S POV DINAMPOT ko iyong bote ng Emperador nang malakas akong tawanan ni Antonn. "Ipapasok ko ito sa puwet mo kapag hindi ka tumigil sa kakatawa, bakla ka!" banta ko sa kanya pero hindi talaga siya maawat sa pagtawa. Akala mo ay wala ng bukas. Seriously, nakakatawa ba talaga ang pagiging virgin ng isang babae na nasa trenta anyos na? "Kung ganun...hindi ako titigil sa pagtawa!" ani Antonn na panay ang tawa sabay tuwad sa harapan ko. "Come on! Give it to me now! I'm waiting. Ipasok na 'yan!" Malakas kong pinalo ang puwitan ni Antonn. "Ang halay mo talaga, Antonn! Umayos ka nga!" Muli siyang umupo sa harapan ko at tinungga ang alak sa kanyang baso. Pinahid niya ng daliri niya ang luha sa gilid ng kanyang mga mata bunga ng sobrang pagtawa. "Kaloka ka, mare! Virgin ka pa talaga?" "Paulit-ulit? Sinabi ng oo!" medyo naiirita kong sabi. "But thirty-two ka na, diba?" "Ano naman kung virgin pa ako sa edad kong ito?! Nakadagdag ba iyon sa polusyon ng Pilipinas? May naaagrabyado ba akong tao dahil wala pa akong karanasan? Atleast, hindi ako tulad ng ibang mga babae diyan na kung kani-kanino nakikipag-chuk-chakan!" Tinawanan lang ako ni Antonn. "Pero ginagamit mo naman ang fingers mo?" Pinanlakihan ko ng mata si Antonn. Pakiramdam ko ay na-violate ang p********e ko sa tanong niyang iyon. "Diyos ko, Antonn! Bunganga mo naman!" "Alam mo, hanga rin ako sa iyo kasi naitago mo ito sa akin. At alam ko na kung bakit hanggang ngayon ay virgin ka pa rin. Napaka-manang mo!" "May manang bang nagsusuot ng skirts at sleeveless?" tinaasan ko siya ng kilay. "Valentina, hindi lang sa pananamit nakikita ang pagiging manang kundi pati na rin sa paniniwala at ugali. Look at you, makarinig ka lang ng mahahalay na salita akala mo ay nagahasa ka na." Muli akong nagsalin ng alak sa baso. "Alam mo, Antonn...nagkukwento ako sa iyo hindi para laitin o sermunan mo. Nagkukwento ako kasi gusto kong bigyan mo ako ng pwede kong gawin para makapagsulat ako ng isang erotic story!" Sandaling nag-isip si Antonn at bigla itong tumayo. "Alam ko na! Sandali lang at may ibibigay ako sa iyo..." umalis sandali si Antonn at pumunta sa kanyang kwarto. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang mga DVD. "Oh, ayan... Panoorin mo lahat ng iyan!" Isa -isa kong tiningnan ang mga DVD na ibinigay sa akin ni Antonn. "Ano namang matututunan ko sa mga man to man s*x videos na ito, bakla ka!" at itinapon ko sa sahig iyong mga DVD. "Ang collections ko!!!" sigaw ni Antonn at isa-isang pinagdadampot niya ang mga DVD sa sahig. "Bakit? Atleast makakapanood ka din ng mga nagse-s*x dito! Choosy ka pa!" sabay irap niya. "Susunugin ko talaga ang mga iyan kapag ipinilit mo sa akin na panoorin ang mga iyan. Babae sa lalaki ang isusulat ko, remember? Saka, ayaw ko ng ganyan. Gusto ko iyong mga babasahin..." "Ah... Gusto mo pahiramin kita ng trilogy ng Fifty Shades Of Grey?" "Eh, diba, English iyon?" "Anong gusto mo Japanese?" "Baliw! Tagalog, siyempre!" "Bagong Tiktik. Meron ako diyan..." tiningnan ko siya ng masama. "Okey... Ano bang problema mo bakit hindi mo kayang magsulat ng erotic?" tanong sa akin ni Antonn. Huminga ako ng malalim. "Kasi nga virgin pa ako. Wala akong alam sa alam mo na... Hindi ko alam ang pakiramdam ng...ano..." "Eh, iyon naman pala. Napaka-easy ng solusyon sa problema mo!" "Talaga? A-anong solusyon?" "Have s*x, Valentina! Just for you to experience!" sabi ni Antonn. Natigilan ako sa sinabi niya. No way! "AHHH... Ohhh! Sige pa... Sige pa... Ohhh... Ohhhhhhhhhhh!!!!!!" "Valentina! Valentina! Anong nangyayari sa iyo diyan?!" napatigil ako sa pagtatype ko sa harapan ng aking laptop dahil sa sunod-sunod na pagkatok ni Antonn sa aking kwarto. Naisapo ko ang palad ko sa aking noo sa sobrang inis dahil nawala ang aking concentration sa ginagawa kong manuscript. Tumayo ako ng may gigil sa aking mukha. Inis na binuksan ko iyong pinto ng aking kwarto. "Ano ba naman, Antonn?! Istorbo ka!" bulyaw ko sa kanya. "Eh, bakit naririnig kita na para kang aso na nauulol!" "Nagsusulat ako ng isang erotic story at binibigkas ko talaga ang isinusulat ko para feel na feel ko. Effective pala," ngingiti-ngiti kong sabi. Bigla akong binatukan ni Antonn. "Gaga! Anong effective? Puro ka...ahhh...ohhh... Erotic story na iyon para sa iyo? Akala ko nga nagdedeliryo ka lang!" Sinimangutan ko siya. "Alam mo, napakasupportive mo talaga!" pagkasabi ko niyon ay pinagsarhan ko ng pintuan si Antonn. At bumalik na ulit ako sa harapan ng aking laptop. SUZUKI'S POV SUMALUBONG sa akin ang madilim at mausok na kapaligiran pagkapasok ko sa Tampisaw Night Club. Isang tagong night club sa Quezon City. Kasama ko noon ang dalawa kong kaibigan na sina Caloy at Ulysses na kapareho kong bente-uno anyos din. Umupo na kami. Doon kami pumwesto sa pinakaunahan kung saan kitang-kita namin ang isang babaeng maharot na nagsasayaw sa isang maliit na entablado na tanging makipot na panty lamang ang suot. Wala siyang bra o kahit na anong pang-itaas na kasuotan. Napasipol si Ulysses. Siya ang pinakamanyak sa aming tatlo. "Wow, pare! Pink na pink! Tsalap naman!" "Ate, reserve na kita mamaya!" sigaw naman ni Caloy sa babaeng nagsasayaw. "Order na tayo," sabi ko. Tumawag na si Ulysses ng waiter. Umorder kami ng isang bucket ng beer at isang order ng crispy pata. Mabilis din naman na na-i-serve ang order namin. Habang tila asong naglalaway na nanonood sina Caloy at Ulysses sa babaeng nagsasayaw ay umiikot naman ang mata ko sa loob ng club. Hanggang sa mahagip ko ang isang magandang babae na nakakandong sa hita ng isang lalaking nakaupo. Sa palagay ko ay disi-otso anyos pa lamang ito. Maputi at makinis pa! Tinitingnan ko pa lamang ang cleavage ng babaeng iyon ay nag-iinit na ako. Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko doon sa babae hanggang sa... boom! Napatingin siya sa gawi ko at nakipagtitigan rin siya. Pinapungay ko ang aking bilugan na mata at binasa ko ng laway ang manipis at mapula kong labi sa pamamagitan ng pagdila ko doon. Hindi kasi ako naninigarilyo kaya natural na mapula iyon. Nginitian ako ng babae. Ilang sandali pa ay tumayo na iyong babae mula sa pagkakaupo nito. Tulad ng inaasahan ko ay lumapit siya sa akin. "Hello, pogi..." sabay upo niya sa hita ko. "Hi... Wala akong budget, eh..." sabi ko habang nilalaro-laro ko ang buhok niya. "Libre na ako para sa iyo! Pogi mo kasi!" Bigla naman akong kinantiyawan nina Caloy at Ulysses. "Nakalibre ka na naman, Suzuki!" "Iba na talaga kapag gwapo," natatawang sabi pa ni Caloy. Bigla akong sinibasib ng halik ng babae na hindi ko man lang natanong ang pangalan. Hindi naman ako nagpatalo kasi nilabanan ko ang kanyang halik. Parang gigil na gigil siya sa kagwapuhan ko. Masyado siyang agresibo! Gumapang ang kamay niya sa braso ko. At maya-maya ay pumasok iyon sa loob ng aking t-shirt. Wala na kaming pakialam kung marami man ang nanonood sa amin dahil ang totoo ay may iba doon na mas grabe pa ang ginagawa kumpara sa amin. Hinaplos-haplos pa niya ang dibdib ko at hindi ako bato para hindi tablan sa ginagawa niya. Naramdaman ko ang kamay niya na bumaba sa aking tiyan. Bigla akong kinabahan nang akma niyang ipapasok ang kamay niya sa loob ng aking pantalon. Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay upang pigilan iyon. May pagtataka na tiningnan ako nung babae. "Ha? Bakit?" "Wag dito..." sagot ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Pwede ba kitang ilabas?" "Hay naku!" disappointed na itinirik ng babae ang kanyang mga mata. "Ano ka ba! Pwede na dito. Umupo ka lang tapos doon ako sa ilalim ng lamesa!" kinindatan pa niya ako. Kinuha ng babae iyong bote ng beer at dinilaan nito ng ilang beses ang katawan ng bote. Napailing ako ng na-gets ko ang gusto niyang gawin sa akin. Binulungan ko siya. "Nakakahiya naman dito. Mamaya, ilalabas kita..." bahagya ko pang dinilaan iyong punong tenga niya. Malanding humagikhik iyong babae. Marahil ay nakiliti siya sa ginawa ko. "Hi hi hi... Sige na nga. Mamaya, ha..." pagkasabi nito nun ay tumayo na ito at bumalik na sa ka-table nito. NASA labas na kami ng night club nina Caloy at Ulysses. Papauwi na kami kasi ala-una na ng madaling araw. Naglalakad na kami nang biglang may isang babae na yumakap sa aking braso at sumabay sa paglalakad namin. "Hi, pogi! Akala ko ba ilalabas mo ako..." sabi nung babae. Teka, siya iyong babae na nakilala ko sa loob kanina. "Wow, pare! Talagang may take-out ka pa, ha. Ikaw na talaga!" natatawang sabi ni Ulysses sa akin. "Titirahin mo na ba iyan?" Natatawang binatukan ko si Ulysses. "Gago! Sige na, mauna na kayo ni Caloy. At kapag hinanap ako ni Lola Britney sa inyo, sabihin niyo hindi niyo alam!" Nauna na nga sa pag-uwi sina Caloy at Ulysses. "So, saan na tayo nito?" tanong ng babae. Nag-isip ako... ALIWAN Hotel... Halos wala na akong pagkakataon na huminga dahil simula ng pumasok kami ng babaeng ito sa kwartong inupahan namin sa mumurahing hotel na ito ay hindi na niya tinigilan ang paghalik sa akin. Wala na akong nagawa nang tanggalin na niya ang suot kong t-shirt. "Maghubad ka na rin..." utos ko sa kanya. "M-mamaya na," tila umiiwas na sagot niya. Ibababa na sana niya ang zipper ng pantalon ko nang pigilan ko siya. "Sandali! Maghubad ka na kasi," pangungulit ko sa kanya. "Mamaya na, pwede?!" medyo iritado na siya. "Gusto ko ng makita ang itinatago mo, pogi! I am sure, malaki itooo..." Dadakmain na sana niya ang butones ng pantalon ko ng pigilan ko siya ulit. "Maghubad ka muna!" utos ko. "Mamaya na! Ipakita mo muna ang itinatago mo!" "Bakit ba ayaw mong maghubad?" tanong ko. "Ikaw nga, ayaw mong ipakita ang ano mo!" Doon na ako nakaramdam na parang may mali. Parang may itinatago sa akin ang babaeng ito sa akin. Hindi kaya... Bigla kong dinakma iyong nasa pagitan ng kanyang mga hita. Malakas siyang napatili. "Anak ng...lintek ka!" hindi ko napigilan ang mag mura nang dakmain ko siya. "Bakla ka!" sigaw ko. "Ngayon mo lang nalaman?" tila wala lang sa kanya na nalaman ko na bakla siya. Mabilis akong nagsuot ng t-shirt. Niyakap niya ako sa likod pero sinuntok ko siya sa mukha. "Puta ka! Lumayo ka nga sa akin, bakla!" at mabilis akong umalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD