IKA- 20 NA LABAS

1287 Words

SUZUKI'S POV ISANG dangkal na lamang ang awang ng pinto ng elevator para magsara iyon nang isingit ko sa awang na iyon ang isa kong kamay. Muling bumukas ang pinto. "S-suzuki! Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Valentina. "Valentina, sorry kung tinakbuhan kita---" "Hindi ka ba marunong makaintindi? Ayokong makita ka at kasama na rin doon ang ayokong makausap ka!" Pinindot niyang muli ang button para sumara ang pinto ngunit iniharang kong muli ang kamay ko. "Ano ba, Suzuki! Ang kulit mo!" bulyaw niya sa akin. Hinila ko siya palabas ng elevator. "Kailangan nating mag-usap!" sabi ko. Dahil medyo napalakas ang paghila ko sa braso niya ay napasubsob siya sa aking dibdib. Tila nakuryente na itinulak ako ni Valentina palayo. Halata ang pamumula sa mukha niya. "Wala nga tayong dapat pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD