SUZUKI'S POV KISAME. Butiki. Malaglag ka butiki sa kisame... Malaglag ka!!! Kanina pa ako nakatitig sa kisame habang nakahiga ako sa aking kama. Naka-de-kwatro. Naiinip kasi ako at sinusubukan kong palaglagin iyong butiki na nakakapit sa kisame sa pamamagitan ng isip lamang. Sabado kasi ngayon at kapag ganitong araw ay day-off ko. Hindi ko naman maistorbo sina Ulysses at Caloy ngayon. Nagtatrabaho na kasi ang dalawang lokong `yon sa factory na malapit lang din naman dito. Mabuti na rin iyon para sa kanila para hindi lang beer house ang alam nilang puntahan. Sa totoo lang, kayo ko sinusubukang palaglagin `yong pesteng butiki sa pamamagitan ng isip ko ay para maging okupado ang utak ko. Kapag kasi wala akong iniisip ay si Valentina palagi ang laman n'on. Kagabi, halos madaling araw na ak

