Ika-labing Pitong Sulyap "Nico please. Tantanan mo muna ako." Sabi ko habang naglalakad ako papunta sa library. Kanina niya pa ko hindi nilulubayan. O ako lang talaga yung may sabi non. Paanong hindi niya ko lulubayan e magkasama kami sa loob ng room. Isa pa, ngayon lang niya ko kinausap. Maybe I just want these things to be over para hindi na lumalim pa. Isa pa, nasa isip ko rin yung gustong mangyari ni Kuya Cabi. Pati na rin yung paulit-ulit nilang sinasabi sa akin na sasaktan lang ako ni Nico. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako naniniwala sa kanya. Sabi ko hirap na ko. Pero nandon pa rin yung belief ko na magiging okay lahat basta makinig ako sa kanya. Para akong puppet niya at ni minsan hindi ko pinangarap 'yon. "Ano bang problema, Summer? Is your dad okay now?" umiling ako. Huma

