Ika-labing Anim na Sulyap "Stay with me Summer. Be my girlfriend." At ako'y nagising mula sa isang malalim na pagkakatulog. Buti sana kung natutulog lang ako. Para akong timang na nakatulala sa sinabi niya. Hindi ko alam yung isasagot ko dahil nakatulala ako sa labi niyang nanga-akit. Umiling-iling ako. The hell! "G-girlfriend?" ulit ko pa sa huling salita na sinabi niya. Kapansin-pansin namang agad na natahimik sa loob ng classroom. Hindi pa ko mapakaling tumingin kina Paulo na nakatakip ang bibig at habang nakanganga naman si Jennifer. Hindi. Ayoko. Kapag sinagot ko siya ibig sabihin. Halos ilang buwan pa lang kaming magkakilala tapos magiging kami na agad? Baka isipin pa ng mga kaklase ko ang easy to get ko. At siguro nga marami nang nangyari sa panahon na 'yon. Kaya lang sa tingin k

