Ika-anim na Sulyap "Good afternoon Tatay." Salubong ko sa kanya saka ako humalik sa pisngi niya. He's currently writing something at may ibang papeles din siyang pinipirmahan dito sa living room. Which is new kasi usually he's doing his office works sa personal office niya sa taas. Idagdag pa yung mukha niyang seryoso. He's a happy person. Alam ko 'yon. Kahit ano pa mang gawain sa office iyon ngingitian niya lang 'yan at makikita mong tapos na agad siya. Kaya magtataka talaga ako kung bakit masyadong seryoso yung mukha niya sa ginagawa niya ngayon. "Tay, is there something wrong?" Hindi siya sumagot. Patuloy siya sa pagbasa sa papel na hawak niya. Kunot noo ko siyang pinagmasdan mabuti. He didn't even notice na nandito na ko at kinakausap siya. Confirmation strikes. May problema. I need

