Ika-limang Sulyap

1999 Words
Ika-limang Sulyap "Sorry we're late sir." Late na kaming nakarating ni Nico. Ang akala kasi namin maaga pa. I mean ako, akala ko kasi maaga pa. Hindi ko alam kung bakit pumayag akong maggala pa kami sa iba. I even brought him to my old school, kung saan ako nag-elementary. "Why are you late?" tanong niya kay Nico saka niya inilagpas ang tingin niya kay Nico papunta sa akin. Yumuko ako't napanguso. Disappoinment. Iyon na ba ko ngayon? A disappointment? Is this going to affect my grade? Ngayon lang ako na-late. Anong masama sa isang beses na pagka-late? "Sir it's my fault. I forced Summer to join me. Actually, kanina pa kami nakapasok. Hindi naman namin alam na—" lumingon siya sa'kin. "—what time Summer?" Bahagyang nanlaki yung mga mata ko. Nakatungo lang kasi ako the whole explanation na ginagawa ni Nico. The whole talk nila I was just staring blankly on the floor and I have no idea what to say. Kaya nga nagulat pa ko nang tanungin niya ko. "A-ah ha?" Nakita ko na naman yung pag-ngisi niya saka siya umulit ng tanong. "Anong oras yung resume ng klase?" "Ah-ah. Si Pau kasi ang sabi niya half-day lang kaya maybe yung resume time natin sa hapon. 1PM." Paliwanag ko na parang siya lang yung kausap ko. Nginitian niya pa ko bago siya humarap ulit sa teacher namin. "Okay I understand. Just promise me it won't happen again." Sabi pa ng teacher namin habang nakapamaywang yung isang kamay sa kaliwang baywang niya. "Yes sir." Sagot ni Nico habang tumatangu-tango lang ako. Sabay na kaming nagtungo sa upuan namin. Mabuti na lang at nakaabot pa kami at hindi pa gaanong nalalayo yung lesson kasi kung hindi wala akong aasahan na pagko-kopyahan ng lectures. Sinong aasahan ko? My two bestfriends? Sila kaya yung usually nanghihiram ng lectures at nangongopya sa mga assignments and quizzes ko. Kaya malabong may asahan ako sa kanila at times like this. "Something's fishy." Hm. Speaking. "What?" I asked him back. Nagsusulat ako and I don't want anyone to disturb me when I'm jotting down notes. Pero eto siya. Walang ginawa kundi daldalin ako. Gah! Good thing I recharged my patience before coming here. Salamat sa ice cream at lunch na nilibre ni Nico. "Hininga niya 'yon. Amoy fish. I can smell it from here. Don't mind him, Summer. Magsulat ka lang. Hindi ako makapagpatuloy sa lecture." Utos naman ni Jennifer na nasa tabi ko. Dismayado akong napapikit. Binaba ko pa yung ballpen ko saka ako tumingin sa harap. "Wag niyong hintayin na itaas ko yung kamay ko at isuplong kayo." Bakit ba kasi ganito 'tong dalawang 'to. Kundi sisirain yung araw ko dahil sa panga-asar nila at sa mga nonsense nilang tanong. Pakikinabangan naman nila ako and worse magde-demand pa na akala mo pinapasahod nila ako. I won't give any damn anymore kapag nalaman kong bumagsak sila. "Grabe ka naman Summer. Hindi ka ba naawa sa'min? We need to pass the upcoming CEE. Kung hindi, patay na naman ako kay father nito. He'll right away send me via LBC sa Cali. Kasi I won't deserve even a plane ride kapag nangyari yon. Kaya please." Pagmamakaawa pa niya. Umiling na lang ako saka nagpatuloy sa pagsusulat. "If you don't want that to happen, make sure to study by yourselves. I won't help you this time. Kahit na best friends ko kayo." Diretsa kong sabi. Saglit silang natahimik kasunod na lang nang pagbuntong hininga nila. Buong klase silang nagpumilit makinig kahit na feeling ko walang nagpa-process sa utak nila. This is just one of those drawbacks ng pagiging best friend ko. Ako naman patuloy lang sa pagsusulat. Paminsan-minsang napapalingon kay Nico dahil lang sa pagtitig niya sa'kin. Excuse me. Konti na lang magmumukha na kong melted ice cream dito. If staring could kill someone, maybe I am already dead days ago. "Can you buy me some ice?" wala sa sariling nasabi ko. I can't even concentrate now. Yung mga ngisi niya, yung mga titig niya. Hindi ko kinakaya kahit na anong pilit kong mag-concentrate. Eto na ba? Dumating na ba yung katapat ko? Maliligaw na ba ko ng landas? Shocks! Kapag nangyari 'yon pagtatawanan lang ako nila Jennifer. "Bakit? Init na init ka na naman ba diyan? Nico's eyes are sending you daggers could he at least give you time to focus? He's getting creepy." Sabi pa ni Jennifer saka niya hinimas-himas yung braso niya. I'm even having goosebumps too. "Okay. So that's all for today. Meet you tomorrow for your review class." Review class sucks. Hindi ba nila ramdam na kahit ako na pinakamatalino sa classroom ay tamad na tamad mag-review. What will happen? Simple lang. Hindi ka rin makakapag-focus dahil yung iba harutan lang ng harutan since hindi naman graded yung mga activities or tests na gagawin namin doon. So why join right? "So, sasama ka bukas?" it's Saturday tomorrow. Weekend. Dapat nasa bahay lang ako at ipinapahinga yung utak ko. I need to relieve my stress so bakit ako sasama? "No. Magpapahinga lang ako." Sabi ko sa kanya habang inaayos ko yung gamit ko. "Ahuh. She's going to rest and we're going to join her. Home review it is. Right sistaret?" baling ni Paulo kay Jennifer na kasalukuyang lilinga-linga sa labas habang isinusukbit yung backpack niya sa likod niya. "Hoy!" tawag sa kanya ni Paulo. I shook my head. I know what she's doing. Hinahanap niya na naman yung walang kwenta kong Kuya. "Stop it Jenny. Para kang giraffe. Mamaya pa uwian ni kuya. At lumabas man 'yan didiretso 'yan sa soccer field para mag-practice." Lumabas na ko matapos non. I don't want anyone bothering me. Gusto kong magpahinga. "Ikaw naman! Ang bitter mo talaga! Minsan na lang akong magka-lovelife no!" reklamo niya pa habang nakasunod sa'min si Paulo. At siyempre ang magaling na si Nico. Hindi niya ba nararamdaman na iniiwasan ko siya? Isn't being with him a while ago enough? Hindi pa siya napapagod sa katitingin at kasusunod sa akin? O susundan at susundan niya lang talaga ako? "May lovelife ka pala? Akala ko. Asang-asa ka lang. Iyon pala nagfi-feeling ka lang." Patutiyada naman ni Paulo. Umiling ako. Hanggang mamaya na naman 'tong dalawa na 'to. Sinubukan kong magpatiuna nang lakad para lang iwan sila kaya lang may asungot pa ring umaaligid sa'kin. "I will join you guys tomorrow. Don't worry I'll behave." Bumuntong hininga ako saka napairap. Ginulo niya naman yung buhok ko saka niya 'yon ni-pat. "Alam kong ang weird ng dating ko sa'yo. But please bear with me. I just can't..resist you, Summer." My jaw dropped. At anuman ang gawin ko para hindi niya makita 'yon, wala ring silbi. Hinawakan niya pa yung ilalim ng baba ko saka niya isinarado yung nakaawang kong bibig. Sunud-sunod na pagkalabog sa dibdib ko yung naramdaman ko nang ilapit niya yung mukha niya sa'kin bago siya ngumiti. It's genuine. Sino ba namang hindi mamamangha ron. I mean, I am not amazed, I am astonished! "Oh my God!" malakas na sigaw ni Jennifer saka siya lumapit sa'kin at akala mo overprotective na nanay. Hilahin ba naman ako na halos makalasan na ko ng buto. Yeah, she's too protective. Sa sobrang protective niya mapapatay niya pa yata ako. "What are you doing to her? Taking advantage?! Alam mo bang virgin pa sa ganyang bagay yung bestfriend ko?! Kahit na yung ex niyang si Erick hindi ginagawa sa kanya 'yan! Tapos ikaw na halos ilang araw niya pa lang...ay mali!" Marahas siya uniling saka nagpatuloy, "..sabihin na nating ilang linggo na nakakasama. Nakukuha mo na agad gawin 'yan sa kanya! How dare you?! Give me your number!" napaamang ako. What the hell is she doing?! "What?" kunot noong tanong ni Nico habang may ngiti sa bibig niya. Mukhang natutuwa pa siya sa inaasta at sa sinasabi ni Jennifer. Umirap ako. Whatevs. "Ay! Don't you get it? She wants your number. Alam mo if you like our Summer here..." sabay kunyapit pa ni Pau sa braso ko bago siya nagpatuloy magsalita. "...kailangan mo munang dumaan sa'min. Hello! Common sense Mister Alvarez. Virginity na ng bestfriend namin yung pinagu-usapan dito." Kung pwede lang lumubog, kanina ko pa ginawa! Sobrang nakakahiya na yung ginagawa nila. Hindi ba nila iniisip yung sinasabi nila?! Jusko! Saglit namang napahalakhak si Nico saka siya nagsalita. "Don't worry I don't like her that way. I will not even take away her virginity. Why would I do that? I just want her to be my friend." Nakahawak pa sa batok na sabi niya at tatawa-tawa. Aray ha! "Hmm. Friendzoned." Bulong pa sa'kin ni Paulo na nasa gilid ko at sinisiko-siko ako ng marahan. "Rejected." Pinangalawahan naman siya ni Jennifer na kinakagat-kagat pa yung ilalim ng bibig. Umiling na lang ako, bumuntong hininga and I tried to post my most genuine smile saka ko tinignan si Nico. "I'm sorry. Hindi pa kasi sila tuluyang napagaling ng doktor. Don't worry I'll send them back to their psychiatrist. Baka sakaling pagbalik nila hindi na sila magkaganyan. At huwag ka ring mag-alala I don't expect you to like me." Why do I sound disappointed? Nahihibang na ba ko? O talagang stress lang ako sa studies? Kailangan ko na yatang magdasal sa Quiapo at magtulos ng kandila bago magdasal. Kailangan kong pangalagaan ang paga-aral ko. Jusko! Makaalis na nga. "Again. I'm sorry. I need to go." Sabi ko saka ako tumuloy na sa paglalakad. Ilang metro na siguro yung layo ko sa kanila. Nakalabas na nga ako sa building namin saka ko naisipang magpapadyak! Gosh! Ano bang nangyayari at nagkakaganito ako?! Nakakahiya Summer! Sobra! "Para kang bata na inagawan ng pamato. What are you doing?" umirap ako sa kanya. As usual kasama niya na naman yung alipores niya na akala mo mga Rogelio, Rogelio, Rogelio ni Lola Nidora sa Kalyeserye. "Why do you care?" "Uy! Walang galang sa kapatid. Tsk tsk." React naman nung isa niyang kasamang lalaki. What's his name? Wala akong balak alamin. Extra lang siya sa buhay ko. Madalas kong kasama yung mga best friends ko so why bother na itanong pa kung anong pangalan niya. I'm going to admit na wala talagang tapon sa barkada nila. Even this pakialamero have the looks. Yun nga lang pare-pareho silang patapon yung ugali. Mga B.I sila kay Kuya. "My friends are staying over tonight." "What?! Kuya naman magre-review ako!" reklamo ko pa. Ang askad talaga ng personality niya! Sa totoo lang! "Erick's joining us." Ni hindi niya pa talaga pinansin yung pagre-reklamo ko. Natural! Alangan namang maiwan 'yon? Eh kanang kamay mo 'yon! Bwisit! Ang sabi ko magpapahinga ako. Hindi naman pala matutupad! Minsan tuloy naisip kong bumukod muna para lang maiwasan ko yung pagmumukha ni Kuya sa bahay kaya lang I don't want to leave Tatay alone with this drastic man! "Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya. Sumara naman yung isang mata niya at nagreklamo pa dahil sa sigaw ko. " You're too loud. Go back to Erick kung ayaw mong guluhin ko yung buhay mo." Seriously?! Kapatid ko ba talaga siya?! "Is that a threat? Kasi kung oo. Papangarapin kong mabura ka na lang sa mundo. Bwisit ka! Wala kang kwenta! Pasalamat ka I'm not that kind of sister na sumbungera. Pinagbibigyan lang kita Cabi. Kapag ako napuno patatalsikin na kita sa bahay!" malakas ang loob kong magbanta ng ganon dahil alam kong magagawa ko. "It's for your own good, Summer." Sabi pa niya. Talaga palang wala siyang balak tantanan ako. "Yung pambubwisit mo sa'kin. Is it for my own good too?" saglit siyang natahimik. Hindi ko na hinayaan pang magsalita. Ako na mismo yung nagsalita para lang tuluyan na niyang itikom yung bibig niya. "Hindi na kita kilala." Sabi ko saka ako umalis na. Binunggo ko pa yung isa niyang kaibigan saka nagtuloy nang maglakad. It's not for my own good. It's for his own will. He wants me to end up with Erick. Bakit? Kasi mayaman yung pamilya ni Erick. I don't know what's happening to him. Hindi ko na talaga alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD