Ika-apat na Sulyap

1495 Words
Ika-apat na sulyap "Summer!" Aga-agang bati sa'kin ni Nico. Umupo siya sa tabi ko. Balak na yata niyang dito na lang umupo. Ang hirap yata ng ganito. Ang awkward sa pakiramdam dahil hindi naman ganon ka-close para batiin niya ko ng ganito or what. Tumango naman ako sa kanya bilang pag-respeto saka ko inihilig yung ulo ko para maiwasan na yung pagkausap niya sa'kin. "I need to jot down some notes. Can you help me?" Rinig ko pang sabi niya sa'kin. Napahigpit ng mabuti yung mga kamay ko sa bag ko. Sino ba namang aasahan ng mga bagong dating kundi ako lang. Wala naman akong mapapala kung tatanggi ako dahil mukhang ngayon pa lang marami ng nagkaka-crush sa isang ito. Oras na tanggihan ko 'to malamang ako pa yung mapatalsik ng campus kahit gaano pa ko katalino. "Summer?" Napakagat labi ako saka ako nakangiting humarap sa kanya. "Sure, sure. No problem. Saang subject ba?" Mahahalata naman sa kanya yung pagpipigil ng ngiti. Pinanatili niya yung seryosong aura niya saka siya naglabas ng notebook at ballpen. "Any subject." literally wala talaga siyang gustong ipaturo sa'kin. Iyon naman yung ramdam ko. He just wants us to have a topic. Baka kasi kapag hindi niya ko kinausap mapanis lang yung laway niya hindi ba? I mean, sino ba naman ako para tumanggi? Ayoko namang mabansagang masungit at suplada dahil hindi naman ako ganon. Kadalasan kapag nagsusuplada ako o nagsusungit ay dahil iyon sa mga kaibigan ko pati na rin kay Kuya Cabi. "Mathematics?" Tanong ko pa sabay tingin ko sa kanya. Natigilan naman ako nang makita ko siyang nakatitig sa'kin at nakangiti pa. Konti na lang bagsak na siguro yung panga ko kung hindi ko pa napigilan. Napawi yung ngiti ko at hindi ko siya napagilang pagmasdan. His perfectly sculpted jawline. His perfectly shaped lips and his expressive brown eyes. He even have this perfectly sculpted nose. I sighed. Hindi ko yata kakayaning makatabi ang isang 'to. "What branch?" Tanong pa niya. Kumurap-kurap naman ako. Nakita ko pa yung pagngisi niya at pagbaling niya ron sa notebook na hawak niya. Tinanggal niya naman yung takip ng ballpen niya gamit yung ngipin niya saka ngumisi. "Staring-nometry?" Sunod pa niyang sabi. Nagtagis tuloy yung mga bagang ko saka ko palihim na sinapok yung sarili ko. Ano bang nangyayari summer? Bakit natutulala ka sa lalaking 'yan? Tandaan mo. Pare-pareho lang yang mga 'yan. Mapanakit. Iisa lang naman yung kilala mong lalaking hindi nananakit. Ang tatay mo. "O..kay. Sure! Trigonometry." Sabi ko sabay lapag ko sa notebook na kinuha ko mula sa bag. Napakagat labi ako saka ko hinanap yung past lessons namin. Sa awa naman ng diyos naituro ko sa kanya ng maayos 'yon. Kaya lang may ibang parte na hindi ako mapakali dahil nakapako sa'kin yung paningin niya kaya nabubulol ako at naba-block ako minsan. "Thank you, Summer." Sabi niya habang binabalik yung notebook niya sa loob ng bag niya. Nagkibit balikat naman ako saka ngumiti. "No problem." Sabi ko pa sabay ako naman yung nag-ayos ng gamit ko. Wala pa ring tao sa room. Kanina ko pa napapansin pero pinagwalang bahala ko na. Kaya lang ngayon, anong oras na? Ni yung teacher namin wala pa. "Teka, anong araw ba ngayon? Hindi naman sabado, hindi rin linggo 'diba?" Tanong ko pa sa kanya habang inililibot ko yung paningin ko. May nakikita akong ilang estudyante na dumadaan sa hallway. Naghahabulan pa nga yung iba. At yung iba parang wala lang na naglalakad doon. "Thursday." Thursday? May pasok naman. Hindi naman sabado't linggo para mag-assume sila na walang pasok. Nilabas ko yung phone ko saka hinanap don yung number ni Pau. "Hello? Nasaan kayo? Bakit walang tao rito sa room?" Hindi niya ko sinagot. Hihikab-hikab pa siya kaya nangunot yung noo ko. Late na siya ah. Ba't wala pa siya rito? At mukhang nasa higaan pa 'tong bakla na 'to. "Hay nako Summer. Sa sobrang sipag mong mag-aral ni hindi mo na napapansin yung mga walang pasok na days. Gosh Summer. Half-day lang tayo ngayon. Walang pasok sa umaga. Mamaya pa ang pasok. Gosh!" Ano?! Paanong- "In-announce kahapon hindi ka nakikinig dahil busy ka kasusulat ng kung anu-ano. Yung sa assignment nga na dapat sa bahay ginagawa, diyan mo na ginawa sa school. Gosh! Sinira mo ang pagbu-beauty rest ko. Sige na mamaya na lang. Bye girl! Meet ya laturr. Love ya!" Sabi pa niya bago siya nawala sa linya. Bagsak ang balikat kong napatingin sa orasan na nasa phone ko. Meron pa kong three hours para tumunganga. Yung mga lectures namin ngayon. Na-advance study ko na. Ano pang gagawin ko ngayon? "Wanna go out? Mamaya pa naman yung pasok." Lumingon ako sa kanya. Naabutan kong pinapaikot niya pa yung ballpen niya sa kamay niya saka siya tumingin sa'kin ng may ngiti sa labi. "T-teka. Bakit ikaw? Ang aga mo pumasok. Hindi mo rin ba alam na half-day?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa'kin saka niya inilapit yung mukha niya na nagpa-praning na naman sa akin. Napalunok ako. "Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang I was too distracted by someone for me to hear the announcement." Nahihibang na yata talaga 'tong lalaki na 'to. At ako naman ni hindi ko magawang pagbawalan. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Sa halos araw-araw naman na may lalaking lumalapit sa'kin mas mainam pa yung mga ngiti niya na lang yung nakikita ko. Ang weird. "Baliw. Saan ba maganda pumunta? Ikaw ba? Ayaw mo bang turuan na lang kita sa nga lectures na hindi mo naabutan?" Tanong ko sa kanya. Ngumuso naman siya at halatang pinipigilan yung pag-ngiti. "Hindi ko alam. Kung maga-aral naman tayo mabo-boryong ka lang din panigurado kaya lumabas na lang tayo." Hindi pa ko nakakapagsalita. Hinila niya na agad yung kamay ko at sabay na kaming lumabas. "Akin na 'yan" sabay kuha niya rin sa bag ko mula sa akin. "Teka sandali. Ano namang gagawin natin?" Huminto siya. Hinarap ako at inilapit yung mukha niya sa mukha ko. Nahigit ko tuloy yung paghinga ko at bahagyang nanlaki pa yung mga mata kong nakatitig sa ngisi niya. "Stroll? Get to know each other?" Iyon lang saka niya ko kinindatan at nauna nang maglakad sa'kin. Automatiko namang sumunod yung mga paa ko. Hindi ako yung tipo ng tao na mahilig sa ganito. Pero bakit sa kanya? Para akong sunud-sunuran? "Sa labas na lang din tayo mag-lunch para 'pag pasok natin diretso na tayo sa room. Kung okay lang sa'yo?" Tanong niya pa. Tumango ako na parang wala sa sarili at sa pangalawang pagkakataon nagpahila na lang ako sa kanya. Bahala na kung saan kami mapunta. Siya naman nakakaalam sa mga ganito. "What do you like?" Napabalik ako sa sarili ko nang tanungin niya ko. Nasa loob na kami ng mall at marami na ring tao. Kadalasan mga estudyante at office employees yung mga nakikita ko. Nasa harap na kami ngayon ng ice cream booth kung saan nakalatag doon yung maraming flavor na pagpipilian. "Cookies 'n cream, two orders." Hindi niya na siguro nahintay yung isasagot ko kaya siya na yung namili. Matapos niyang iabot sa'kin yung isang ice cream nagbayad siya saka kami naglakad ulit. "Madalas ka ba rito?" Wala sa loob na tanong ko habang inililibot ko yung paningin ko at dinidilaan yung ice cream na hawak ko. "Nope. Napuntahan na oo. Pero paminsan-minsan lang kapag may tinatakasan ako." Napahinto ako sa pagdila saka tumingin sa kanya. "Bakit? Kriminal ka ba?" Tanong ko sa kanya. Humalakhak naman siya kaya hindi ako magtatakang may nagtitinginang mga tao sa amin. Bago pa siya sumagot, niyaya niya muna ako sa isang bench na malapit sa kinatatayuan namin. "Madalas ko lang talagang takasan yung mga taong ayaw kong makasama. Ikaw ba? Mukhang ngayon ka lang napunta rito." Sabi niya pa sabay patuloy sa pagdila ng ice cream niya. Mariin akong napalunok. Inihilig ko yung ulo ko saka ko kinalma yung sarili ko. Geez! Pati ba naman yung ginagawa niyang 'yon napapatigil ako?! "A-ah.. Ano kasi eh.. Madalas kasi akong mag-aral kaya walang time magpunta sa ganito. Madalas ngang mag-reklamo yung mga kaibigan ko dahil hindi ako nakakasama kapag gusto nilang gumala. Hindi naman kasi ako mapag-gala." Hininto ko yung ginagawa ko. Saka ako luminga sa kanya. Pero mali na namang galaw 'yon dahil naabutan kong nakangisi siya't nakatingin sa'kin. "Talaga? Anong nangyari ngayon? Bakit sumama ka sa'kin?" Dinidilaan ko pa yung ice cream sa labi ko nang mga oras na 'to. Hindi ko naman maintindihan kung anong itsura ko dahil napatitig ako sa kanya habang nasa labi ko pa rin yung dila ko. "A-ah..ah..ano nga kasi 'diba? Wala naman na kong lectures na aaralin. Kaya para hindi naman maburo ako sa school. I-ikaw naman.." Sabi ko pa sabay inihilig ko yung ulo ko sa kung saan hindi niya makikita at napapikit ako ng mariin. "Ah.." Humalakhak naman siya ng mahina saka nagpatuloy sa sasabihin. "..you don't need to stutter, Summer. Alam ko namang hindi iyon yung totoong dahilan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD