Ikatlong Sulyap
"Good morning, class!" aktibong-aktibong bati ng teacher namin. Habang ako lungayngay at mabigat yung pakiramdam. Para akong magkakasakit dahil sa tindi ng sakit ng ulo ko. Bago kami umuwi nagkayayaan pa sila sa bahay nila Jenny para ituloy yung party ron. Ako siyempre tumutol pero walang nakinig. Paalis na kasi ako, naabutan pa ko ng mga bwisit.
Mabuti na lang nandon si Kuya Cabi kaya may nakasabay akong umuwi. Siyempre may pakinabang din siya minsan. Isa pa, ayaw ko nang istorbohin si Mang Gilbert para magpasundo.
Masakit yung ulo ko dahil sa puyat at hindi dahil sa mga pinainom nila sa'kin. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nalasing dahil kada shot na binibigay nila tinatapon ko sa halaman na nasa tabi ko. Kaya kung may dapat man malasing, yung halaman dapat iyon.
"Good morning, Sir!" bati namin sa kanya. Nilingon ko naman sina Jenny at Pau na nakadukdok sa arm chair nila. Niyugyog ko sila pareho para magising na yung diwa. Baka mamaya mapagalitan na naman sila. Mahirap na baka ako na naman yung gumawa ng paraan para makalabas agad sila sa detention.
"So let's start this morning because I have an announcement to make. All of you please welcome our new transferee. Mr. Nico Alvarez." Agad na napatungo yung ulo ko roon sa lalaking kapapasok lang.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Pero nang magtama yung mga mata namin. Bigla na lang lumundag kung anumang patay na nasa loob ng dibdib ko. Natulala ako. Kulang na lang na mapanganga ako.
Hindi ko siya kilala.
Pero bakit ganito yung naging reaksiyon ko sa kanya. Para akong lumulutang sa ere at gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil nai-insecure ako sa ayos ko ngayon. Pinikit-pikit ko yung mata ko. Nanalalamig na yung buong katawan ko nagpapawis din ng sobra yung palad ko.
Bakit?
Hindi niya inaalis yung tingin niya sa'kin hanggang sa makarating siya sa harapan. Ngumisi pa siya at doon na ko nag-iwas ng tingin bago ako napahawak sa dibdib ko.
Hindi ako makahinga.
"Hoy, anong problema?" tanong sa'kin ni Jenny. Kumurap-kurap ako saka ko sila tinignan. Naabutan ko silang parehas na nakakunot yung noo. Pumikit ako ng mariin saka ako humugot ng malalim na hininga at umiling. What's happening Summer?
"Wala, masakit lang ulo ko. Makinig kayo may magpapakilala." Utos ko kahit na alam kong dahilan ko na lang 'yon para alisin nila yung pansin nila sa'kin. Naga-alangan pa kong tumingin sa harap. Natatakot kasi akong baka mamaya magkatitigan na naman kami.
Ayoko na.
"Nico Alvarez at your service." wala sa loob na napatingin ulit ako sa kanya at katulad ng una nandon pa rin yung mata niyang nakadikit na yata sa pagkakatitig sa'kin. what the—ano bang problema nito?
"May kakilala ka na ba sa mga kaklase mo, Nico?" tanong pa sa kanya ng teacher namin. He gave me a lopsided smile bago siya bumaling sa teacher namin.
"A few. Pero hindi ko pa kilalang-kilala." Tumangu-tango naman yung teacher namin sa kanya saka siya pinaupo. Naghanap pa siya ng bakanteng upuan at saktong wala ng bakanteng upuan kaya binigyan na lang siya ng extra chair at pinaupo sa harap.
"Gwapo~" rinig kong sabi nung dalawa nilingunan ko sila saka ako sumimangot.
"Hindi naman." Sabi ko pa kahit alam ko sa sarili ko na ganon nga yung impression ko sa kanya. Ang gwapo niya. Kaya lang hindi lang iyon eh. May iba pang dahilan at hindi ko na alam kung ano 'yon. Ang hirap i-explain. Bwisit! Nang dahil sa isang sulyap na 'yon nagkakaganito ako?
Mabilis na natapos yung first subject bago kami nag-break. Iniwasan ko naman siya agad nang dadaan kami sa harap. Pero ang weird pa rin ng mga titig niya sa'kin.
"Nakita niyo 'yon? Lagkita ng titig kay Summer. OMG!" rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase naming mukha namang kinikilig sa Nico na 'yon. Kinagat ko naman yung labi ko saka ako tumingin sa itaas.
Oh God! Please help me! I don't know why I'm reacting like this!
"Gosh Summer! Kakilala mo ba yung Nico na 'yon?" wala na ba kaming ibang ito-topic kundi 'yon? Iniiwasan ko na nga yung topic na siya yung laman tapos ipapasok pa rin nila sa isip ko at ipipilit pag-usapan. For pete's sake! Ngayon lang ako nagkaganito! And I really don't know why!
"Hindi ko siya kilala. At wala akong pakialam sa mga titig niya." Sabi ko sabay irap at nagpatuloy na sa paglalakad. Inilagay ko pa sa harapan ko yung bag ko para kunwari nag-aayos pa rin ako ng gamit at malagay sa isip nila na busy ako at ayoko nang ginugulo ako.
"Nakow! If I know nagwapuhan ka sa kanya. Like duh! Kitang-kita kaya namin kung paano ka natulala nang makita mo siya. Uy, aminin, may kapalit na si Erick!" huminto ako saka ko sila hinarap at sinimangutan.
"Nakita ko na siya somewhere. Hindi ko lang matandaan kung saan pero pamilyar talaga siya sa'kin. At isa pa, wala akong interest sa kanya. Hindi rin ako naghahanap ng kapalit nung gagong Erick na 'yon dahil wala akong balak na magkamali ulit." Sabi ko sabay talikod sa kanila at maglalakad na sana ako ulit kaso nabangga ako kay kuya na kasama yung mga kurimaw niya at siyempre kasama si Erick.
"Watch out, Summer." Seryoso pang sabi ni Kuya Cabi saka ako nilayo sa kanya at tinulungan akong iayos yung bag ko. Pinigilan ko naman siya ron saka ko binalik sa gilid niya yung kamay niya.
"I don't need your help. Tell me, anong kailangan mo?" kilala ko siya. Kapag tinutulungan niya ko alam kong may hihingin siyang kapalit. Hindi kasi siya yung tipo ng tao na kapag tumutulong walang kapalit. Ganun talaga. Wala ng libre sa kanya sa panahon na 'to.
"Balikan mo si Erick. Can you do that?" ang bait. Ang lambing din ng boses niya. Kundi lang ako nagmamadaling makaalis nito malamang nasapak ko na 'to.
"No way! Kahit na ibuwis mo pa man yang buhay mo para sa'kin hindi pa rin ako makikipagbalikan sa kanya. There's no way I'm getting back to him." Hinawi ko naman siya para makaraan na ko pero mabilis niyang hinawakan yung braso ko at ibinalik ako sa harap niya.
"Minsan lang ako humiling Summe—"
"Ayaw daw. Madali naman sigurong maintindihan 'yon, 'diba?" kumunot yung noo ko. Sino naman bang pakialamero 'to?
"Sino ka ba?" tanong naman ni Erick na pumunta pa sa harap ni Kuya at pikon na nagtanong dun sa lalaki. Unti-unti kong nilingon yung lalaking nagsalita. At eto na naman ako. Halos matuod sa kinatatayuan ko.
"N-Nico." Nginitian niya lang ako saka niya hinila yung braso ko sa kamay ni Kuya at nilagay niya ko sa likuran niya. Napanganga ako. Ano bang ginagawa niya?
"Siya yung bagong transfer Erick. Kaklase siya nila Summer." Sabi nung isang kurimaw na kasama nila.
"Oh eh bakit nangingialam 'yan dito. Kakilala mo ba siya Summer?" baling sa'kin ni Erick.
"Hindi naman mahalaga kung kakilala niya ko o hindi. Basta ang importante ngayon layuan mo na siya dahil ilang beses niya bang kailangang sabihin sa'yo na ayaw niya nang makipagbalikan pa?" Napakunot naman lalo yung noo ko. Bakit ang dami niya yatang alam tungkol sa'kin?
"Gago ka ba!" aamba na sana ng suntok si Erick kaya lang pumagitna ako saka ko siya sinigawan.
"Erick! Pwede ba?! Tumigil ka na?! Tigilan mo na ko?!"
Bumaling naman ako kay Kuya Cabi saka nagpatuloy. "At ikaw kuya! Isusumbong kita kay Tatay! Sumosobra ka na!"
Sabay baling ko sa mga kurimaw nila.
"At kayo hilahin niyo na nga yang leader niyo at yang kanang kamay niya! Ang sasakit niyo sa mata!" aakma pa sanang magsalita si kuya pero binigyan ko siya ng nagbabantang tingin. Matagal niya pa kong tinitigan bago sila umalis na. Nagpakawala ako ng frustrated na buntong hininga. Saka ko nahampas yung noo ko.
"Summer, are you ok?" tanong ng kalalapit na sila Pau sa'kin. Tumango naman ako bago ko sila pinalayo sa'kin.
"Mukha bang OK ako? Ang sakit sa ulo nung mga 'yon. Akala ba nila nakakatuwa yung mga ginagawa nila? Hanggang kailan ba nila ako gaganituhin? At kayo? Hanggang kailan niyo ko ipagtutulakan doon sa Erick na 'yon?" inis na inis kong anas sa kanila saka ako umalis na sa harap nila.
"Summer!" naramdaman ko na lang yung paghawak niya sa pulso ko saka ako napahinto. I forgot, nandun nga pala siya. Tinitigan ko yung kamay niyang nakahawak sa akin bago iyon umangat patungo sa mukha niya.
"Sino ka ba talaga Nico? At bakit parang kilala mo na ko?" tinitigan niya naman ako saglit bago siya ngumisi at pinantayan yung mukha ko. Napaiwas naman agad ako ng tingin. Nagsisimula na naman kasi yung paghu-huramentado ng dibdib ko. Hindi na naman ako makahinga.
"Summer Song. Do you believe in magic?" kumunot naman yung noo ko saka ako tumingin sa kanya dahilan para mapaatras ako ng konti dahil sa distansya ng mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako bago ako nagsalita.
"What are you talking about Nico? Wala akong panahon makipagbiruan ngayon." Mahina naman siyang napahalakhak saka umayos na ng tayo.
"Alam ko. Mukha ka kasing seryosong tao. Kaya alam kong mahihirapan akong maging kaibigan ka. Kabaliktaran mo ko..mahilig sa laro.." inilapit niya pa yung mukha niya saka siya huminto sa tapat ng tainga ko. Naramdaman ko pa yung pagngisi niya bago siya nagsalita. "Do you want to play a game with me?"
Naitulak ko naman siya ng wala sa oras saka ko siya matamang tinignan. "I can see that. Hindi ako mahilig makipaglaro. So why are you bothering me?" wala sa loob na naitanong ko.
"Summer, I have no intentions of bothering you. Pero mukhang presensiya ko pa lang hindi ka na mapakali." isang ngitisi pa saka niya na ko nilagpasan. Naiwanan naman akong nakanganga at mainit yung pakiramdam.
Geez! Magkakasakit ako nang dahil sa lalaking 'yon! Stupid me! This is one of the reasons why I hate boys. Kapag may gusto sila nakukuha nila ng walang kahirap-hirap. There's no way I'm getting close to that guy. Dahil kung may higit man na nakakakilala sa sarili ko, ako lang 'yon. At alam kong kapag hindi ako tumigil.
Matutuluyan ako.