Ikalawang Sulyap
Maingay sa loob ng bar na ‘to. Kabi-kabila rin yung sayawan ng mga nandoon at wala na kong alam na gawin pa kundi ang mairita sa mga nakikita’t naririnig ko. First time kong pumasok sa isang club. Patunay lang na hindi ako isang party girl.
“Happy birthday, Jenny!” sabi ng mga bumabati kay Jenny. Kilala rin naman kasi si Jenny. Kilala siya bilang party girl siyempre kapag may Jenny na party girl. Kasunod naman non yung pangalan ni Pau. Napaka-perfect combination nilang dalawa kaya madalas akong magtaka kung bakit sila yung naging kaibigan ko.
Dumiretso kami sa VIP room nung club kung saan pina-reserve ko para lang sa aming tatlo. Ayoko nang nakikihalubilo sa maraming plastic na tao. Gusto ko kapag kami lang ng mga kaibigan ko kami lang. Tsaka mainam na rin ‘to para makaiwas ako sakali mang dumating si Erick. Sa ngayon, wala pa naman akong nakikitang gago sa paligid.
Binati ako ng ibang tao na nakakakilala sa akin. Habang yung iba ay bumabati after giving me a head-to-toe look.
“My gosh! Ganun ka ba ka-famous Summer na ultimo ibang tao sa bar na ‘to na hindi namin kakilala at kasama sa party eh pinagu-usapan ka at pinagtitinginan?!” maarteng sabi ni Pau. Hinubad ko naman yung heels na pinasuot nila sa’kin kanina. Ayoko nang nagsusuot ng ganito. Mabilis akong mangawit at masaktan.
“Hindi ko alam. Hindi ko naman sila kilala kaya hindi ko na pinapansin.” Sabi ko pa sabay upo sa sofa. Dim lang yung lighting effect sa loob ng VIP room na ‘yon kaya medyo madilim ang dating. Hindi rin kasi ako sanay sa suot kong contact lenses kaya napipikit-pikit ko paminsan-minsan.
Si Jenny naman text ng text don at minsan-minsan lumalabas ng kwarto hanggang sa pagbalik niya may kasama na siyang iba. Si Kuya at yung kabarkada niya. Great. Practice pala ha. Nagulat pa siya nang magkatinginan kami kaya napangiti ako.
“Akala ko ba may practice game ka?” sarcastic ko pang tanong.
“Tss. Umaano ka rito? ‘diba dapat nasa bahay ka? Nagre-review? Pinagpaalam mo ba ko kay Papa?” kahit na nasa harapan niya pa ko dinaanan niya lang ako. Siyempre kasunod niya pa rin yung mga kurimaw niya. Sa kinamalas-malasan ko muntik pa kong mapataob pero may mabilis na sumalo sa’kin.
Amoy pa lang kilala ko na kaya walang dudang siya yung may hawak sa’kin ngayon. Agad ko namang inayos yung sarili ko at lumayo sa kanya.
“Ayos ka lang, Summer?” tanong niya sabay ngiwi ko. Hinawi ko pa yung buhok ko at umupo sa gitna ni Pau at Jenny na parehong ngiting-ngiti. Kung sila kinikilig sa nangyari pwes ako hindi. Dahil nandidiri akong nahawakan pa ko ng gagong ‘yan.
“Ayos na sana. Kaso nagpakita ka pa. Ayan bumalik tuloy yung sama ng araw ko.” Sabi ko pa. sumeryoso naman bigla yung ekspresiyon ng mukha niya saka tuluyan ng pumasok sa loob ng VIP room. Sinadya niya pa talagang umupo sa harap ko.
“Kamusta na?” tanong niya pa ulit. Ngumiti naman ako saka ako kumuha ng isang basong may laman. Hindi ko alam kung anung laman non dahil nilagok ko na lang lahat. Pake ko ba kung alak ‘yon?
“We’re here for Jenny’s birthday. Hindi para sa mga usapang wala namang kapupuntahan. Please Erick. Enjoy the party without interrupting me.” Ngumiti ako sabay irap. Natuon naman yung pansin ko kay Kuya na iiling-iling sa mga pinaggagagawa ko. Malamang pati siya kampi kay Erick ngayon.
Isa rin kasi siya sa namimilit na makipagbalikan ako kay Erick kahit na ayaw ko na.
“Bakit ba ang sungit mo Summer? Hindi ka naman dating ganyan.” Singit pa ni Kuya Cabi na hindi naman sa’kin nakatingin. Ang galing naman. Hindi ako dating ganito. Paano kung ako yung bumira sa kanya ngayon. May maisasagot kaya siya?
“Ikaw Kuya Cabi? Bakit nagbago ka? Hindi ka naman dating ganyan.” Kinurot naman ako ni Pau sa tagiliran ko. Kaya napaurong ako ng konti papunta kay Jenny.
“Nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya please? ‘wag niyong sa’kin ituon yung atensiyon niyo kung ayaw niyong mapahiya.” Sabi ko pa sabay tayo. Hindi na ko komportable sa hangin sa loob. Masyado ng awkward at isa pa ang boring, puro sa’kin yung atensiyon hindi naman ako yung may birthday.
Dumiretso ako sa dance floor kung saan maraming tao. Marunong akong sumayaw. Anong akala nila sa’kin?
“Summer?” Lumingon ako. Nagulat naman ako nang makita ko si Jhustine na nasa tabi ko. Mukhang marami-rami na rin siyang nainom. Namamaga na rin yung mata niya dahil mukhang kagagaling lang sa mahabang pag-iyak.
“J-Jhustin—“ hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang bigla niya kong sampalin. Mabuti’t walang nakakita dahil baka mamaya mapagkamalan pang nag-aaway kami.
Hindi nga ba?
Nahawakan ko yung kaliwang pisngi ko.
“Akala ko hindi tayo magkikita rito.” Malamig na sabi niya. Hanggang ngayon shock pa rin ako sa ginawa niya. Teka! Sa pagkakaalam ko dapat ako yung gumawa non. Bakit parang siya yata yung niloko? Bakit parang ako yung nang-agaw? Hindi naman ‘diba? Dapat ako yung nagwawala ngayon pero hindi ko ginawa dahil nirerespeto ko yung relasiyon nila. Tapos ganito?!
“Now that I am here. What do you need?” wala akong balak pantayan yung galit niya. Kahit na mas galit ako kailangan kong pigilan yung sarili ko dahil mas may pinag-aralan ako sa kanya. Mas matalino ako sa kanya. ‘yun na lang yung lamang ko sa kanya at meron ako ngayon.
“He broke up with me because of you. Tell me! Anung ginawa mo?!” what the hell?! Ano namang gagawin ko sa boyfriend niya? Aahasin katulad ng ginawa niya sa’kin.
“Malay ko. Kung gusto mo siyang makita. Nandon siya sa VIP room. Kausapin mo nang malaman mo kung bakit siya nakipag-break sa’yo. Hindi yung ako yung iniistorbo niyo rito. Hindi ako fan ng mga kadramahan niyo kaya wala akong mapapala diyan.” ‘yun lang bago ko hinawakan yung braso niya at hinila siya papasok sa loob ng VIP room kasalukuyan silang nagkakasiyahan.
“Erick!” sabay-sabay silang napatingin sa’kin pati sa nagpupumiglas na si Jhustine. Tinulak ko naman siya papasok sa loob saka ako nagsalita.
“Ayan si Erick. Sa tingin mo ba bakit siya nakipag-break sa’yo? Kung ako yung dahilan eh ‘di congrats to me dahil naibalik yung pagmamay-ari ko kaso sorry na lang hindi na ko nangaangkin ulit ng mga bagay na nahawakan na ng iba. Mag-usap kayo. Hindi yung ako yung ginugulo niyo.” ‘yun lang tapos umalis na ko ulit. Narinig ko pang tinatawag ako nila Pau kaya lang hindi na ko bumalik.
Ang ayos-ayos ng pwesto ko kanina tas manggugulo yung malditang babae na ‘yon. Pasalamat siya kaladkad lang yung inabot niya sa’kin.
“Miss, anong order mo?” tanong nung bartender sa’kin.
“Iced tea.” Alangan namang uminom ako ng pampatulog at pampasabog dito. Hindi ko na nga alam yung gagawin ko dahil sumakit yung ulo ko ron sa ininom ko kanina. Agad namang binigay nung bartender yung iced tea ko saka ko ‘yon ininom. Nilabas ko pa yung phone ko saka ako nagkatikot don.
Nasan ka?
- Jenny
Hoy bruha! Nasan ka ba? Nag-aaway si Erick at Jhustine rito.
- Pau
Let’s go home. Anong gulo ba yung dinala mo rito?
- Kuya Cabi
Wala ako sa sariling napairap. Isa-isa kong nireplyan ‘yon baka kasi nag-aalala silang tinakasan ko na sila. This is why I always hate nightlife. Walang katahimikan. Kabi-kabilang away, kabi-kabilang dramahan, kabi-kabilang artihan at kabi-kabilang landian. Walang katapusan. Hindi na sila nag-sawa sa mga nightly routine nila.
Bar Counter
- To Jenny
Bar Counter and that’s none of my business.
- To Pau
I don’t know. Si Jhustine lang yung dinala ko diyan. Hindi gulo.
- To Kuya Cabi
“Alone?” hindi ko ‘yon pinansin. Ganyan kasi yung linya ng mga lalaking gustong makakuha ng babae. Pwes nagkamali siya ng nilapitan.
“No. I’m with someone.” Pagsisinungaling ko kahit obvious naman na ako lang mag-isa yung nagkukunwari-kunwariang umiinom dito.
“Who?” tonong pangungulit na yung boses niya kaya umalis ako ron na hindi siya tinitignan. Malay ko ba kung manyak ‘yon. Makabalik na lang sa loob ng VIP room baka mamaya hindi na nila malaman yung gagawin nila kay Jhustine at Erick sa loob.
“Erick please.” Papasok pa lang ako rinig ko na agad yung pagmamakaawa ni Jhustine kay Erick. Nakaka-disappoint. She’ll beg for him? Matapos siyang iwan she’ll still beg for him? Pambihira. Ako ba ginawa ko ‘yan? No way! Never!
“Jhustine!” sigaw ko sa kanya. Masama na naman yung tingin niya sa’kin dahil kasalukuyan siyang nakaluhod ngayon sa harap ni Erick. Nakakababa ng tingin yung pagluhod hindi niya ba alam? Naka-nganga naman yung mga tao sa paligid niya pati na yung dalawa kong kaibigan. Nilapitan ko si Jhustine saka ko siya tinayo. Tinulak ko naman si Erick.
“Summer.” Tawag sa’kin ni Erick. Sobra naman yata ‘to?! Si Jhustine ang nagmamakaawa bakit ako yung tinatawag niya pa rin. Wala talaga siyang konsiderasyon! Nakakahiyang ipagsabi na naging boyfriend ko ang isang ‘to.
“Ano ba Summer bitiwan mo ko—“
“Shut up, snake! Ang sagwa-sagwa mong tignan sa harap niya na nagmamakaawa. For pete’s sake, Jhustine! Isaalang-alang mo yung image mo! Kung ayaw niya na sa’yo layuan mo na!” sigaw ko pa sa kanya. Kinaladkad ko lang siya hanggang sa siya na yung makawala sa’kin at sa gitna pa talaga kami ng dance floor huminto. Inagaw din noon yung atensiyon ng mga tao bago sila na yung nagbigay ng space sa'ming dalawa at nagsimulang maki-usiyoso.
“Kung ikaw yung nasa kalagayan ko, Summer. Gagawin mo ba yang mga sinasabi mo?!” ngumisi ako habang naglalandas yung luha niya sa pisngi. Napaupo pa siya habang nanlulumo sa mga nangyayari.
“Nalimutan mo na ba, Jhustine. He was mine before yours. At ‘wag kang mag-alala because I already did what I told you. Ngayon nararamdaman mo kung anung naramdaman ko noon? ‘wag ka nang magpakatanga.” ‘yun lang tapos iniwan ko siya ron.
May nahagip pa ko sa paningin kong lalaking lumapit sa kanya at itinayo siya pero hindi ko na lang pinansin. I just don't really care anymore. Gusto ko na lang talagang makaalis dito.