Unang Sulyap
Summer Song’s POV
“Sige na, Summer! Minsan ka lang namin makasama tapos tatanggihan mo pa.” bumuntong hininga ako. Kasalukuyan kong nililigpit yung mga gamit ko ngayon dahil tapos na yung klase. That means, wala ng silbi kung mags-stay pa ko rito sa school kung wala naman nang mapaga-aralan. Kaso eto sila. Nangungulit na naman. Ilang beses na ba nila akong pinipilit na sumama sa kanila sa galaan at ilang beses ko na rin silang tinanggihan? Hindi pa ba sila nagsasawa?
“Hindi nga pwede, Pau. Magre-review pa ko para sa long test bukas. Bakit kasi hindi niyo na lang subukang mag-aral. Baka sakaling magkaron kayo ng isasagot bukas ‘diba? Hindi yung asa kayo ng asa sa’kin.” Kinuha ko naman yung bag ko at libro ko bago lumabas na ng room.
“Ang sama mo naman, Summer! Minsan lang kaya kami umasa sa’yo!” napairap ako paitaas saka umiling. Huminto muna ako sa tapat ng locker ko saka ko nilagay yung mga librong hindi ko naman gagamitin pa.
“Oo nga ‘no Jenny? Minsan lang. Kasi minsan lang tayo mag-quiz, mag-long quiz at mag-periodical test. Tama ba?” Sinarado ko naman ulit yung locker ko saka nagpatuloy na sa paglalakad. Patuloy naman nila akong sinusundan. Hindi yata sila titigil hangga’t hindi ako napapapayag. Humarap ako sa kanila habang hawak ko yung strap ng bag ko.
“Ano? Hanggang sa bahay ba susundan niyo pa ko? Bahala kayo. Kayo rin oras na pumasok kayo ron hindi na kayo makakalabas. Alam niyo naman sigurong nagpa-patrol yung mga guard sa buong bahay at alam nila yung oras ng curfew don. Baka mamaya sa kapipilit niyo sa’kin gabihin kayo tas hindi na kayo makalabas.” Tumalikod ako saka ngumisi.
Kilala ko sila. Ang isang Paulo De Guzman a.k.a Pau, na isang baklang mahilig sa gala at shopping, at ang isang Jennifer Salavador a.k.a Jenny, na isang babaeng mahilig sa night life. Well, kaibigan ko sila. Wala naman akong magagawa dahil sila lang yung may ganang makipag-kaibigan sa’kin.
“OMG, Pau! Tama siya. Paano na lang tayo makalalabas mamaya kung nakakulong tayo sa bartolinang bahay nila Summer? Hindi tayo makakapag-boy hunting. Paano ko na lang mapapalitan si Cabi Song?” ngumisi ako. Sakto namang makakasalubong ko si Kuya kasama yung mga barkada niya.
“Ay oo nga sistaret! Paano na lang kung tuluyan na siyang hindi makaalis sa puso mo? Eh ‘di ako naman yung nawalan?” patuloy pa rin sila sa kadadaldal sa likod ko. Habang yung kuya kong presko. Haring-hari na naman yung lakad. Palibhasa kilala rin siya sa school dahil sa galing niyang mag-soccer. Napangiwi ako nang titigan niya ko at huminto siya sa harap ko. Ganun din yung ginawa ko.
Iiwasan ko na dapat, bakit kasi dito pa ko dumaan. Nakakabwisit!
“Summer, uuwi ka na ba?” hindi ba obvious? Pinakita ko sa kanya yung dala kong bag pati yung oras sa wrist watch ko saka ako sarcastic na ngumiti.
“Tss. Pakisabi kay Papa, may practice game kami kaya gagabihin ako ng uwi.” Hinawi ko naman yung nakalugay at tuwid kong buhok saka ako mas lumapit pa sa kanya.
“Bakit hindi mo siya subukang tawagan o kaya umuwi ka muna at ikaw ang magsabi sa kanya ng personal niyan? Para naman kahit papano alam pa rin niyang may isa pa pala siyang anak. Bahala ka. Hindi ako utusan para sabihin sa kanya ‘yan. Diyan ka na nga.” Sabay lakad ko paalis sa harap niya. Sinadya ko pang bungguin yung balikat niya at hawiin yung mga kasama niya.
Ibang klase. Ibang-iba na yung ugali niya ngayon kumpara noon. ‘wag niyang gamitin yung kasikatan niya para lang utus-utusan ako sa harap ng mga kaibigan niya at kaibigan ko.
“Summer!” rinig kong tawag nung dalawa sa’kin. Nagpatuloy pa ko sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa parking lot. Sakto namang kararating lang ng sasakyan namin at bumaba mula ron si Mang Gilbert, family driver, at pumunta sa kinaroroonan ko.
“Young Mistress, pasensiya na na-late ako. May pinagawa pa kasi ang papa niyo sa’kin kaya ngayon lang ako nakarating.” Ngumiti naman ako.
“Ok lang ho. Tsaka kalalabas ko lang naman po galing sa klase.”
“Ah ganun ba. Oh tara na.” tumango naman ako saka nauna nang sumakay sa loob ng kotse.
“Miss Jenny at Sir Paulo, sasabay ba kayo?” rinig ko pang tanong niya ron sa dalawa. Binuksan ko naman ulit yung pinto ng kotse bago ako tumingin sa mga mukha nilang nag-iisip kung sasama ba o hindi. Ngumiti ako.
“Ano? Napag-isipan niyo na ba?” pareho silang napatingin sa’kin sabay baling ulit kay Mang Gilbert.
“A-ah, Mang Gilbert. Kapag sumama ba kami tutulungan niyo ba kaming lumabas kapag inabot kami ng curfew ron sa inyo?” tanong ni Jenny habang magkahawak sila ng kamay ni Pau.
“Hindi ko alam, Miss Jenny. Pero kung ang Master yung kakausapin niyo tungkol sa paglabas sa oras ng curfew baka sakaling payagan kayo.” Ngiting-ngiti pa na sabi ni Mang Gilbert. Si Tatay ang kakausapin? Malakas akong napatawa. Akala naman yata papayagan pa sila non. Hindi nila maiistorbo si Tatay kapag nasa loob siya ng personal office niya at nagta-trabaho.
“Talaga ho? Sige po! Sasama na kami! Gosh! This is so exciting!” maarteng sabi ni Pau bago tumakbo sila pareho ni Jenny papasok sa sasakyan. Napailing naman ako habang kinakabit nila yung seatbelt nila.
“Ano ka ngayon, Summer? Akala mo ba malulusutan mo kami?”
“Ganon ba? Sorry na lang. Choice niyong sumama. ‘wag niyo kong sisisihin kung hindi kayo makakalabas at makakauwi ngayong gabi.” Kinindatan ko naman si Jenny na nanga-asar pa yung ekspresiyon. Hindi ako madaling maasar sa mga bagay na alam ko namang hindi mangyayari.
Bago pa ko makapagsalita at makapang-asar ulit. Nilabas niya na agad yung cellphone niya. May nag-scan lang siya saglit don saka siya nagsalita.
“Hello, Uncle Rod?..ah yes po may kailangan ako..." natawa pa siya matapos non bago nagpatuloy "...uncle naman parang hindi ka na nasanay..yep po..kasama ko po siya..pagpapaalam ko lang po sana siya alis po kami ngayon..it’s my birthday Uncle, remember?..thank you po..sure, padalan ko po kayo..really?!..salamat po. I love you, Uncle!” pagkatapos non binaba niya na yung cellphone at tinapik-tapik niya pa ‘yon sa baba niya saka nang-aasar na tingin at ngiti yung binigay niya sa’kin.
“You are coming with us. Pumayag si Uncle so an—“
“What?!” pumayag siya ng ganun-ganun lang? I can’t believe it. He really did that?!
“OA, ateng! Sasama ka na sa’min. ‘wag ka ng mag-inarte. So Mang Gilbert iliko ninyo ang kotse. Magsho-shopping muna kami ng isusuot mamaya. Gora!” tatawa-tawa naman si Mang Gilbert na tumatango-tango.
Really, tay? Bakit kayo pumayag?!
“Sinu-sino ba tayo? Nakakainis naman!” sabi ko. Padabog ko pang inayos yung bag ko sa lap ko saka hinawi yung buhok ko.
“Hmm. Gusto mo talagang malaman?” tinignan ko siya ng masama saka siya nag-iwas ng tingin sa’kin. Napakunot naman yung noo ko. Nung si Pau naman yung tatanungin ko bigla siyang humarap at OA na umubo-ubo.
“Your ex will be joining us tonight.”
Ano?! Ano na namang balak nilang gawin? Paano nila napapayag na sumama sa kanila yung gago na ‘yon?! Binalingan ko naman siya saka ko hinarap sa’kin. Sobra naman yata. Ok na ngang sasama ako. Bakit kailangan pa nilang isama yung lalaking ‘yon? Alam naman nila yung nangyari dati eh!
“The hell, Jenny! Sabihin mo nga. Anung balak mo? A-anung balak niyo?” inis na inis kong sabi sabay yugyog sa kanya. Tinaas niya naman yung kamay niya para makawala siya sa pangyuyugyog ko bago siya nagsalita.
“He asked for help. Break na sila ni Jhustine.”
What? So anung gusto nila? Paniwalaan ko yung sinasabi nila? Eh kaya nga kami nag-break non dahil kay Jhustine. Ang sabi niya he loves Jhustine. At ako tinanggap ko ‘yon. Nagparaya ako dahil alam kong don siya sasaya kahit na masakit para sa’kin yung ginawa niya.
Bestfriend niya kasi si Jhustine. Ang siste dahil sa araw-araw na magkasama sila ayon nahulog siya kay Jhustine. Pero jusko naman three months pa lang simula ng maging sila. Break na agad? Anung klaseng pagmamahal ba yung binibigay nung gago na ‘yon kay Jhustine?
I can’t believe it.
Bakit ba ko naaapektuhan? Eh ginusto niya naman ‘yon. Dapat wala na kong pakialam sa kanya kasi matagal na kong naka-move on. Jeez, Summer! Wake up.
“So?” patay malisya kong sabi. Tumikhim naman sila saka sabay na nagparinig.
“Kung alam lang namin. Gustong-gusto mo naman na magkabalikan kayo.” Sa inis ko. Siniko ko si Jenny saka ko binatukan naman si Pau. s**t lang. Ako gustong magkabalikan kami? Paano naman nila nasabi ‘yon eh matagal naman na kong naka-move on doon. Kaya wala na kong pakialam sa gustong mangyari ng isang ‘yon ngayon. Nakakatamad mag-isip ng tungkol sa mga love-love na ‘yan, wala namang kinahahantungan ‘yan pagkatapos.
Because for me?
Walang salitang destiny.
Walang salitang happily ever after.
At mas lalong walang salitang..
Forever.
Forever just do exist don sa mga taong naniniwalang hindi sila kayang lokohin ng mga mahal nila. Yung mga taong komportable nang makita yung mga mahal nila na sila lang yung mahal. Paano na lang kapag nakatalikod na sila? Hindi ba nila kayang alamin kung anong ginagawa nung mga taong ‘yon?
Obvious stupidity!
“Erick Joseph Gil is the perfect definition of an asshole. Wala na kong pakialam sa kanya. Matagal na.” humalakhak naman yung dalawa bago tumingin sa’kin.
“Really?” inirapan ko ulit sila saka ako humarap sa bintana.
Really.