Kabanata 28: "Ang tanga mo, Savria! Ano na ngayon ha? Anong katangahan 'yang naisip mo at umalis ka sa puder ng asawa mo? Aber, sige nga! Paano na ang pagpapagamot ng kapatid mo ha? Saan ka kukuha ng pera?" Her Auntie ranted pointing a finger to her forehead. She had her poker face on, keeping her true emotion. Ayaw niyang ipakita rito na naaapektuhan siya sa mga sinasabi nito. Kasalukuyan silang nasa ospital, sa kwarto ng kanyang kapatid na may nakatuhog na tubo sa bibig at dibdib. Sandali silang natahimik ng tiyahin, tanging tunog ng aparato na lang ang kanyang naririnig at malakas na buntonghininga ng tiyahin. Hindi niya magawang matingnan ang maliit na kapatid na ngayon ay nakaratay sa kama, mag-a-apat na taon. Sobrang liit ng kapatid kumpara sa mga kasing edad nito, siya na ang

