Kabanata 27: Bitbit ni Terron ang mga box na gamit ni Lisa na inalis niya sa secret room sa kanyang condo, ang totoo ay halos hindi na niya matandaan na nandoon pa ang mga ito. Itinago niya ang mga gamit noong bago sila ikasal ni Savy dahil hindi pa siya handang ibalik kay Lisa o itapon ang mga ito noon. Malakas siyang bumuntonghininga at inihanda ang ngiti para kay Lisa na kakalabas lang ng pintuan. Lisa opened the gate for him, she looked so worried, bakas ang pag-aalala at pagtataka sa mukha nito nang makita siya sa labas ng bahay nito. "T-Terron, what are you doing here?" He smiled a little while scanning her gorgeous face, pinakiramdam niya ang sarili. "Hey," he greeted. "Kanina ka pa ba riyan, Terron? H-Hindi mo sinabing pupunta ka, a-ahm, pasok ka muna." She invited him and o

