Kabanata 24: MADALING ARAW na nang makauwi si Savria, pagkapasok pa lang sa pintuan ay alam na niyang nakainom ang babae. Hindi na halos bumibitaw ang asawa sa pader animong anumang oras ay matutumba ito, dagdag pa ang pinaghalong alak na amoy nito na kumalat sa buong paligid. Gumalaw ang panga ni Terron, bumangon siya mula sa pagkakaupo sa kama, itinabi ang laptop na hawak niya dahil sa tinatapos na isang project. Halos wala nga siyang nagawa dahil sa pag-aalala. Terron's teeth clenched as he approached Savy, he took her arm to help her to their bed. Kanina niya pa ito hinihintay, simula noong isang araw ay hindi na siya nito pinapansin, iniiwasan siya ng babae. Tuwing dadating siya sa gabi ay tulog na ito at sa umaga naman ay magigising siyang paalis na ito o nakaalis na. Alam naman

