Kabanata 25: "Anong ibig sabihin walang laman ang mga account ko? This is Terron Klaud De Vega, maybe you overlook. I deposited last month. Anong walang laman?" Hindi maiwasan magtaas ng boses ni Terron. Habang hinihintay si Savy sa sala at pinapakalma ang sarili ay saktong tumawag naman ang agent sa bangko, sinasabi nitong wala ng laman ang account niya lalo na ang account nilang mag-asawa. Imposible iyon, sigurado siyang sobra-sobra pa ang kanyang pera. Ang tagal niyang nagtrabaho, wala siyang pinagkakagastusan at halos tipidin niya ang pera sa Davao para sa pag-aaral ng asawa kaya malabong wala siyang matirang pera. "Yes Mr. De Vega, your wife withdraw your money in the past few months. Based on our data, she withdraw three times a week in almost three months," anunsyo ng lalaki s

