Warning: Slight ? Kabanata 17: "Savria, are you done answering your FS book?" tanong ng isang kaklase niya habang nagliligpit siya ng gamit pauwi na. Hindi sila masiyadong close at hindi rin nakakapag-usap kaya hindi niya maiwasan magtaka na kinakausap siya nito ngayon. Tipid siyang ngumiti siya at inilabas ang Field Study book na sinasagutan nila kada linggo at pinapasa tuwing sabado, iniabot niya iyon sa kaklase. Hilaw na ngumiti ang babae saka kinuha iyon. "Thanks, balik ko bukas." "Oh... o—okay." Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay tumalikod na ang babae at lumapit sa mga kaibigan nito. May sinabi ang babae sa mga kaibigan saka sila nagtatawanan na lumabas ng classroom. Last week na nila next week para sa sem na ito, sa susunod na taon ay graduating na siya kaya mas lalo s

