Kabanata 16: "Good evening, Boss. Kakadating lang po ng asawa niyo, naglalakad po siya galing sa parking lot hindi ko po nakita kung may naghatid," bungad sa kanya ng guard sa condominium building, tuwing gabi ay nagbabalita ito sa kanya kung nakauwi na ang asawa lalo't malayo siya. "Gano'n ho ba? Maraming salamat po. Pasabihan na lang ako kapag lumabas siya ulit." Hindi niya maiwasan magtangis ang panga. Hinilot niya ang kanyang sentido at saka napatitig sa laptop at mga papel na nasa kanyang harapan. Ang mga oras na hindi siya pinapansin ni Savy ay naging araw, na lumaon ay naging linggo hanggang umalis siya patungong Davao. Hindi sila pormal na nagkaayos, kinakausap siya ni Savria pero parang iba na. Parang napipilitan na lang ang babae na kausapin siya. He still remember what he s

