Kabanata 15: Umawang ang bibig ni Terron dahil sa kanyang sinabi. Marahas umiling ang lalaki na para bang hindi naniniwala sa sinabi niya. "It's Papi, okay? Asukal de papa, whatever it is. Just don't call me by my name," he demanded. Pagak na tumawa si Savria, sasagot pa sana siya nang may nag-doorbell. Sandali isang nagkatitigan ni Terron, walang gumalaw hanggang sumigaw ang kumatok sa labas. "Sir? Yung kasama niyo pong babae nawalan ng malay sa baba!" malakas na sigaw ng isang lalaki saka nag-doorbell ulit. Kitang-kita niya kung paano na bahala ang mukha ni Terron, sa isang iglap ay nakalimuta siya't malalaki ang hakbang nitong tinalikuran siya't lumabas ng condo. Mariin pumikit si Savy habang nakatitig sa nakasarang pintuan. He left her after she confessed. Sunod-sunod na tumulo

