1. Cleo

1566 Words
"Touch me, Uncle Grey!" pakiusap ko sa lalaking matiim na nakatitig sa hubad kong katawan. "No... No... mali ito." "Paanong mali? Hindi tayo magkadugo, Uncle Grey. Gusto kita. Gusto mo ako. Bakit mali?" frustrated kong tanong dito. Chapter One "No, Cleo! Buo na ang desisyon namin ng Daddy Art mo. Mananatili ka muna kay Uncle Greyson mo sa probinsya. Doon baka magtanda ka at ma-realize mo na mali ang mga taong sinasamahan mo." Galit na si Mommy Roxie. Ngayon lang ako nito napagtaasan ng boses. "Mommy Roxie, please! Pakinggan n'yo naman po ang paliwanag ko," sinubukan ko itong lapitan para lambingin o kahit magmakaawa pa para lang pakinggan nito ang paliwanag ko pero umiwas ito. "I'm so disappointed, Cleo. Ayaw ko nang marinig pa ang paliwanag mo. Not now, hija. Ilang beses kitang sinabihan na layuan mo ang mga kaibigan mo dahil hindi sila magandang impluwensiya sa 'yo. Pero hindi ka nakinig. Iningatan ka namin. Ano sa tingin mo ang nararamdaman namin ngayong pinagpipiyestahan ng mga tao ang mga larawan mo?" hindi ko na napigilan. Napahagulgol na ako nang iyak. Yes. Paulit-ulit akong kinausap ng Mommy Roxie ko dahil sa mga kaibigan ko. Sa paningin ko ay maayos na kaibigan sila. Sa paningin ng Mommy ko ay hindi. "S-orry," luhaang ani ko sa inang basta na lang ding tumalikod at iniwan na ako sa aking silid. Nakaalis na ito pero wala pa rin akong lakas na tumayo at ayusin ang sarili ko. Totoo ang sinabi ni Mommy Roxie. Pinagpipiyestahan na ang mga larawan ko. Mga larawan ko kung saan ay wala akong saplot at lasing na lasing. "Anong katangahan ito, Cleo?" frustrated na bulalas ko saka halos pagapang na lumapit sa kama at kinuha ang phone ko roon. Agad na bumungad ang mga larawan ko. Kuha iyon sa sarili kong phone. Pero dahil sa labis na kalasingan ay nawaglis sa isip ko iyon. Hindi ko na nahanap pa ang phone ko na iyon at ngayon nga ay lumabas sa social media ang mga larawan ko. Isa sa kaibigan ko ang kumuha ng mga sexy pictures ko. Puro mahahalay na kumento ang makikita sa social media. Pinutakti ang lahat ng accounts na gamit ko na naka-public. Tinatanong ako kung magkano raw ba ako. Kung pwede raw ba akong matikman. Kung ilang lalaki na raw ba ang gumamit sa akin. Saktong tumawag si Pepper. Umiiyak pa rin ako nang sagutin ko ang tawag nito. "P-epper?" ani ko sa babae. "Girl, kumusta ka na? Are you okay? Anong sabi ng parents mo?" sunod-sunod na tanong nito sa akin. Si Pepper ang una kong naging kaibigan bago ako nasali sa circle of friends niya. Lahat ng secrets ko ay alam ng babaeng ito. Para na nga kaming magkapatid kaya gets ko kung bakit ganito na lang ito kung magtanong. "Galit na galit si Mommy, Pepper. Na-disappoint ko ang Mommy ko," umiiyak kong ani sa babae. "Anong gagawin ko? Sino ba kasi ang nagpakalat ng mga larawan na iyon?" Lima lang kami sa condo ni Pepper no'n. Kami lang magkakaibigan. Uminom kaming lahat. "Hindi ko talaga alam kung sino ang may gawa nito, Cleo. Nagtanong na rin ako kay Tala, Debi, at Glen. Pero kahit sila ay wala ring idea kung paanong kumalat ang picture mo. Hindi ba't no'ng nakaraan ay tinanong na rin natin sila kung nasa kanila ba ang nawawala mong phone. Sinabi naman nila na wala." "Kung ano-ano na ang mga sinasabi sa akin sa social media. Alam ko sa sarili ko na hindi ako pakawalang babae, Pepper. Anong dapat kong gawin?" napabuntonghininga si Pepper sa kabilang linya. "You know what... para maprotektahan mo ang mental health mo ay mag-deactivate ka muna ng mga socials mo. Huwag mong basahin ang mga comments sa 'yo. Mas kilala ka namin, Cleo. Alam naming mabuti kang babae. Pero ang public... hindi nila alam iyon kaya ganon na lang sila kung magsalita sa 'yo. Go. Deactivate ka muna. Huwag mong isipin ang mga sinasabi nila. Ang unahin mo ay ang parents mo. Kung ano ang sabihin nila sa 'yo para humupa ang galit nila ay sundin mo na lang muna." "T-hanks, Pepper." Nang ibaba ni Pepper ang tawag ay napatulala na lang ako. Saktong may kumatok sa pinto at nang bumukas iyon ay nakita ko si Daddy Art. "Daddy?" sa mga mata nito ay nakita ko ang disappointment nito. "Mag-impake ka, Cleo. Mamayang gabi ay ihahatid ka namin ng Mommy mo sa Hacienda ng Uncle Grey mo." "Daddy, pwede n'yo po bang pakinggan ang paliwanag ko?" malungkot kong tanong dito. "No, Cleo. Kahit magpaliwanag ka pa ay hindi na magbabago ang desisyon namin ng Mommy Roxie mo na dalhin ka sa probinsiya. Maghanda ka. Naitawag ko na sa bunso kong kapatid na dadalhin ka namin doon." Never ko pang na-meet si Uncle Grey. Naririnig ko lang ang pangalan nito sa loob ng pamamahay na ito pero never ko pa talagang nakita. Sa tuwing tumutungo ng probinsya si Mommy at Daddy ay hindi rin ako nakakasama dahil madalas ay natataong may pasok. "Daddy---" tawag ko rito. "May tao na akong kinausap para ma-takedown ang mga kumakalat mong larawan. Hija, sobra mo kaming dinis-appoint. Ingat na ingat kami sa 'yo pero bakit mo nagawa ito?" napayuko ako. Hindi ko magawang tignan ang taong tumayong ama noong naulila ako sa magulang. "Sorry... sobrang lasing na lasing po ako no'n. Hindi po ako nakapag-isip ng tama." Napabuntonghininga ito. "Kumilos ka na. Ihanda mo ang mga dadalhin mong gamit," iniwan na niya ako. Dahil wala naman na akong magagawa pa ay tumayo na ako para gawin ang utos nila. Maghanda ng gamit na dadalhin sa probinsiya. Labag sa loob ko iyon. Laking siyudad ako. Buong buhay ko ay matataas na gusali, busy na kalsada, at modernong pamumuhay ang mayroon ako. Hindi ko alam kung kakayanin kong manatili sa lugar ni Uncle Grey. Hindi ko alam kung magtatagal din ako roon. Pero inilabas ko mula sa lagayan ang tatlong malalaking maleta ko. Saka ko sinimulang ilagay ang mga gamit ko roon. Lumuluha ako pero nakuha kong tapusin ang pag-iimpake. Saktong naisara ko ang zipper nang puntahan ako ng kasambahay at sabihin sa akin na mayroon na lang akong 30 minutes at aalis na raw. Kaya naman dali-dali na akong nagtungo sa banyo para mag-shower. Malayo-layo ang biyahe namin. Kaya kailangan ko ring mag-shower. -- "Cleo, huwag kang pasaway kapag naroon ka na. Puputulin na rin muna namin ang allowance mo para hindi mo makuhang gumala at mag-party roon." "Po?" gulat na ani ko. "Kailangan mong matuto, Cleo. Mukhang mali ang paraan namin ng pagpapalaki sa 'yo. Naging spoiled ka. Nakalimutan mo na yatang tumapak sa lupa, anak. Doon sa hacienda ay kailangan mong kumilos kung gusto mo ng pera. Hindi ka ituturing na prinsesa roon." "Daddy---" nag-angat ng kamay si daddy. Pinahinto niya ako sa balak kong pagsasalita. "Cleo, tama na. Sobra mo kaming binigo, anak. Kung nakinig ka lang sana sa amin. Hindi ko alam kung bakit hindi mo nakikita ang tunay na ugali ng mga kaibigan mo. Bulag ka ba o nagbubulag-bulagan lang? Hindi namin alam, Cleo." "Hindi po sila ang nagpakalat---" "Malalaman namin iyan pagkatapos ng investigation. But for now... magpakalayo-layo ka muna. Malayo sa mga kaibigan mo at sa mata ng publiko. Mahal ka namin, anak. Ginagawa namin ito para isalba ka." "Sorry po," iyon na lang ang nasabi ko sa aking ina. Sobrang haba ng biyahe namin. Hindi na nila ako kinausap pa. Halatang masama rin ang loob nila sa akin. Umaga na ng makarating kami ng San Simon. Nang pumasok ang sasakyan sa isang lupain ay hindi ko agad natanaw ang bahay dahil sa lawak no'n. Pero nang unti-unti kaming nakalapit ay saka ko lang na realize kung gaano kalaki ang lugar na ito. Alam na alam ko sa sarili ko na hindi ako magiging masaya rito. Hindi ito ang lugar na kinasanayan ko. Lumaki ako sa City... hindi sa Hacienda. Nang huminto ang sasakyan ay agad na may nagbukas ng pinto para sa amin. Pagbaba ko ay gumala agad ang tingin ko. Wala kang matanaw na kapitbahay. Hindi ko akalain na may ganitong lupain si Uncle Grey na madalas ko lang naririnig ang pangalan kapag nasa hapagkainan kami. "Nasaan si Grey?" tanong ni daddy sa kasambahay na ngayon ay may hawak ng maleta ko. "Nasa office po niya, sir. May meeting pa po." Lumakad si daddy at mommy papasok. Ako naman ay agad bumuntot sa kanila. Pagdating sa sala ay agad akong sinenyasan ni mommy na maupo na muna. Umupo ako sa tabi nito at yumakap sa braso nito. "Mommy, pwede po bang kahit isang linggo lang ako rito---" "Hindi. Makakauwi ka lang sa bahay kapag ma-realize mong tama kami ng daddy mo. Kailangan mong matuto, Cleo. Si Uncle Grey mo ang magiging guardian mo rito. Huwag na huwag mong pasasakitin ang ulo ng Uncle mo. Naintindihan mo ba ako?" napilitan akong tumango. Hindi na talaga magbabago ang isip ni mommy at daddy. Kahit makiusap pa ako ay desidido talaga silang iwan ako rito. Nang bumukas ang pinto ng isang silid ay pare-parehong gumawi ang tingin namin doon. Ang inaasahan kong Uncle Grey ay panot, mataba, pangit, at matanda. Pero hindi gano'n ang lumabas sa silid na iyon. Malayong-malayo sa inaakala ko. Never kong na-meet ang taong ito. Hindi rin naman pumupunta sa mga family gatherings. Hindi rin ako nag-abalang tignan ang larawan nito. Damn it. Ganito ka-hot si Uncle Grey?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD