Chapter Two
"Grey, pasensya na sa short notice. Masyadong magulo sa City ngayon para kay Cleo kaya dinala namin siya rito. Dito muna siya mananatili hanggang sa magtanda siya."
Hindi ko alam kung bakit iyong sobrang confident na babae sa siyudad ay hindi makuhang salubungin ang tingin ng Uncle niya.
Hindi ko makuhang tapatan ang titig nito. Baka jina-judge niya ako.
Tiyak may idea ito kung bakit dito ako itatapon ng mommy at daddy ko.
"Mukhang masyadong mahaba ang sungay niya at hindi na ninyo kaya pang putulin. Ako ang gusto ninyong pumutol?" tanong ng lalaki.
"Hindi na namin alam ang gagawin sa batang ito, Grey," malungkot na ani ni mommy. "Mabait naman itong si Cleo. Pero simula no'ng nagkaroon ng mga kaibigan... ay palagi nang pinasasakit ang ulo namin. Kaya rito muna siya."
"Kuya, let's talk sa office ko. Sumama ka rin, Ate Roxie," agad silang tumalima. Ako? Naiwan dito sa sala at hindi alam ang gagawin.
Ang mga maleta ko ay nakita kong iniakyat sa second floor ng bahay na ito.
Tiyak kung lilibutin ko ang bahay na ito ay mapapagod ako sa paglalakad. Malawak kasi.
Mahigit 15 minutes din ang mga ito sa loob ng office ni Uncle Grey bago sila lumabas.
Si Mommy at daddy lang naman ang lumabas. Niyakap pa ako ni mommy.
"Aalis na kami. Helicopter na ang sasakyan namin pauwi. Ipapahatid na kami ng Uncle mo. Ikaw. Iyong mga bilin namin sa 'yo. Sundin mo, anak. Magpakabait ka rito at sundin mo ang utos ng tiyuhin mo. Naintindihan mo ba?" pilit ang naging pagtango ko.
Sunod na yumakap si daddy sa akin.
"Behave, Cleo. Mas magtatagal ka rito kung hindi ka magtitino."
"Opo, daddy," sagot ko sa daddy ko.
Hindi ko man sila tunay na magulang pero anak talaga ang turing nila sa akin.
Nang namatay sa isang car accident ang magulang ko ay walang nais na mag-alaga sa akin noon. Tumanggi ang mga relatives ko both sides.
Ayaw raw nila ng dagdag obligasyon kaya si Mommy Roxie na siyang ninang ko ang nag-step up at kinuha ako.
May dalawang anak si Mommy at Daddy pero nasa America sila. Bihirang umuwi kaya tutok talaga ang parents namin sa akin.
Sumakay na sila sa sasakyan. Ang helicopter ay nasa Capitol daw kaya naman tutungo sila roon at doon na sasakay.
Tiyak na mas mabilis silang makakabalik sa bahay.
Kumaway pa ako sa kanila habang naluluha.
Nang umusad na ang sasakyan ay sunod-sunod na bumagsak ang luha ko.
"Get inside," agad akong napalingon sa taong nagsalita, si Uncle Grey ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Nang tumalikod ito ay napasunod ang tingin ko rito.
Bakit ang hot naman ng Uncle Grey ko?
Agad ko ring na realize kung ano ba iyong tanong na nasa isip ko. Agad akong umiling para iwaksi iyon sa aking isip.
"I said get inside!" malakas na ang tinig ng lalaki na para bang galit siya. Kaya naman sumunod na ako rito. Hindi naman niya kailangan sumigaw.
Nakaramdam tuloy ako ng iritasyon. Ang hot pa naman nito tapos ang sungit? Tsk.
"Uncle Grey---"
"Upo," itinuro nito ang couch. No choice ako kung 'di maupo dahil talagang masungit ang lalaki.
Kung makatingin ay akala mo'y may kasalanan ako sa kanya.
Duh! Wala akong kasalanan sa taong ito.
Nang umupo rin siya sa couch ay matiim niya akong tinitigan.
Inangatan ko naman ito ng kilay.
"Ang sungit mo naman, Uncle Grey," nanulis pa ang nguso ko. Saka ako dumekwatro at tinitigan ito.
"City girl, mukhang hindi kinaya ng parents mo ang tigas ng ulo mo."
"Tigas ng ulo? Come on, Uncle Grey. Mabait ako. Hindi matigas ang ulo ko---"
"Really?" sarcastic nitong tanong sa akin. For sure nasabi na ng parents ko kung ano ang dahilan kung bakit ako narito ngayon.
Baka na judge na rin ako ng taong ito.
"Mali ba ang mga naikwento sa akin at umabot na balita? City girl, baka nag-e-expect ka rito. Hindi ka prinsesa rito gaya na rin ng bilin ng magulang mo sa akin. Kailangan daw kitang turuan. Kailangan daw putulin ang sungay mo."
"Mali ang umabot sa 'yong balita. Huwag mo akong husgahan dahil lang sa maling impormasyon."
"Mali? I don't think na mali ang information na nakarating sa akin. Hhmm... let's see."
Inilabas nito ang phone nito at wari'y may hinahanap doon.
Iyon bang mga larawan ko?
"Nevermind..." dinig kong ani ng lalaki.
Napaayos pa ito ng upo.
"Ruth!" bigla nitong tawag sa isang babae na dali-daling lumapit. Mukhang kaedad ko lang ang babae.
"Sir?" ani ng babae.
"Ihatid mo siya sa kwarto."
Agad akong tumayo. Para akong nasasakal sa presensya ng Uncle Grey ko.
"Dito po, Señiorita Cleo," magalang na ani ng babae kaya naman sumunod ako rito. Hindi ko na tinignan pa ang lalaki. Deretso na kaming pumanhik ni Ruth sa second floor.
"Ito po ang kwarto ng Uncle Grey ninyo. Tapos dito ka naman po sa kwartong ito," sabay bukas nito ng pinto.
Nang pumasok kami at makita ko ang kwarto ay napasinghap ako sa ayos no'n.
Nangangamoy old money ang style ng silid. Sobrang elegante ng kabuuan.
"Señiorita, kung may kailangan ka ay sa akin ka po magsabi. Ako po ang personal maid mo sa bahay na ito."
Tumango naman ako.
May dalawang kasambahay na nag-aayos ng laman ng maleta ko sa walk-in closet.
Napatingin pa nga ito sila sa akin.
Ngumiti ako sa kanila pero parang nahiya pa ang mga ito at parehong nag-iwas ng tingin.
Mukhang magiging komportable naman ang kwartong ito sa akin.
Pero tiyak kong malayong-malayo iyon sa city life na mayroon ako.
"I'll take a shower." Imporma ko kay Ruth.
"Sige po, señiorita. Ihahanda ko po ang damit ninyo."
Pumasok ako sa banyo. Pagod ako sa biyahe at ang tanging nais kong gawin ngayon ay maligo at matulog.
Agad kong hinubad ang saplot.
I'm really tired. Mind. Body. Everything.
Mabilis lang akong naligo.
Paglabas ko ay nakahanda na ang isusuot ko pero wala na ang mga kasambahay.
Nagbihis agad ako. Saka lumapit sa vanity table. Tinignan kung mayroon akong pwedeng gamiting pangtuyo sa buhok ko.
Wala. Kaya nagtiyaga ako sa towel. Pinunasan ko iyon at saka sinuklay.
Nang natapos ay humiga ako sa kama.
Pagod talaga ako at gusto ko na lang matulog.
--
2 pm na ako nagising. Phone agad ang tinignan ko. May messages si mommy sa akin. Mga bilin. Mga kailangan kong gawin habang narito ako sa bahay ng Uncle Grey ko.
Pagkatapos kong reply-an iyon ay inilagay ko muna sa bedside table ang phone ko bago ako pumasok sa banyo at umihi.
Nang natapos ako ay agad ding lumabas. Nagulat pa ako na naroon si Uncle Grey. Hawak nito ang phone ko.
Agad naman akong lumapit at sinubukan iyong kunin pero iniangat ng lalaki.
Sa tangkad niyang iyon tapos nakataas pa ang kamay ay wala tuloy akong choice. Hindi ko abot iyon at kung ipipilit ko ay magmumukha lang akong tanga.
"Uncle, akin na ang phone ko---"
"Nakausap ko na ang parents mo. Dito sa bahay na ito ay hindi ka allowed gumamit ng phone."
"What? No way!" agad kong tutol.
"Last time na ginamit mo ang phone mo ay masyado kang nagkalat. Tama ako 'di ba?" agad akong napaiwas ng tingin.
"Lasing po ako no'n. Isang pagkakamali iyon."
"Lasing? Isang pagkakamali? Kaya kukunin ko ang phone mo para hindi na maulit."
"Pero kailangan ko iyan, Uncle---" naputol na naman ang sinasabi ko dahil ibinulsa na ng lalaki ang phone ko.
"Hindi mo kailangan, Cleo. Dito sa Hacienda ay hindi ka magbabakasyon at hihilata lang sa kama maghapon. Magtratrabaho ka rito. Don't worry. May approval ng parents mo ang lahat ng ipapagawa ko sa 'yo."
"No way. I need my phone. Ibalik mo sa akin iyan. Please."
Ngunit umiling ang tiyuhin ko kaya naman napapadyak ako sa labis na inis.
"Bukas ng umaga, pagpatak ng 5:30 am ay kailangan gising ka na."
"The heck? That's too early, Uncle Grey. You want me ba na gisingin ang mga chicken para tumilaok? Too early! No. No."
Umiling-iling pa ako.
"Sino ang may sabi na may say ka sa rules ko sa bahay na ito?" natigilan ako sa tanong niyang iyon.
Damn it! Wala nga pala akong say dahil hindi ko ito bahay. Bahay ito ng Uncle ko.
"Uncle Grey, gigising naman ako ng umaga. Pwede na iyong... iyong 8:30 am?" ani ko rito.
"Nagsisimula ang gawain ng lahat ng tao rito ng 5:30 am, Cleo. Kung may problema ka sa oras... problema mo iyon. Kung kinakailangan buhusan ka ng tubig ni Ruth magising ka lang ng 5:30 am ay gagawin niya. Bukas mo na malalaman ang mga trabahong gagawin mo rito sa Hacienda."
Nang tumalikod ito ay agad ko siyang hinabol.
"My phone... ibalik mo."
"No, Cleo," at tuluyan ng lumabas ang lalaki.
Sunod-sunod akong napamura sa labis na inis.
"Damn it! Damn! Bullshit!" nasipa ko pa ang pintong sumara pero pinagsisihan ko rin dahil paa ko lang din naman ang nasaktan. "Gano'n ba talaga kapag matandang gurang?" inis kong bulalas. "That freaking old man! Nakakainis! My gosh! Bakit ba kasi ako dinala nila mommy rito?"
Para matuto? Baka naman bago ako matuto ay ma-highblood na ako?
Kuhang-kuha ni Uncle ang pikon ko.