Chapter Three
Wala pang 5:30 am ay ginising na ako ni Ruth. Nahirapan akong matulog kagabi at late na talaga akong nakatulog. Tapos sobrang aga pang ginising.
"5 minutes," pakiusap ko sa babae na napabungisngis pa.
"Señiorita, pasensya na po talaga. Kailangan n'yo na pong bumangon. Kailangan pagpatak ng 5:30 am ay nasa baba na po kayo. Pareho po tayong malalagot kay Sir Grey kung hindi kayo susunod sa oras na sinabi niya," inis na bumalikwas ako ng bangon. Magulo ang buhok nang tignan ko si Ruth. Nakasimangot ding ako kahit alam kong walang kasalanan si Ruth.
"Bakit ba kasi kailangan maagang gumising? Ano bang gagawin ko?" himutok ko habang si Ruth ay inalalayan na ako sa pagbaba.
"Hindi ko pa po alam kung ano ang gagawin ninyo, señiorita. Pero nagbilin si Sir Grey na ang isuot mo ay longsleeve at pants. Pero sa tingin ko ay pagtratrabahuin ka niya sa taniman."
"What? Ano namang alam ko sa taniman, Ruth? Hindi ako marunong magtanim," nabahalang ani ko. Napakamot sa ulo ang babae.
"Pasensya na po, Señiorita. Saka na po natin alalahanin iyan. Unahin po muna natin ang pagbihis mo."
Wala na rin naman ang antok ko dahil sa makulit na babaeng ito kaya naman bumangon na ako at kumilos.
"Ito?" hindi ako makapaniwalang bulalas ko habang nakatingin sa long sleeve na nais ipasuot sa akin. "This is so baduy---"
"Hindi ka po pwedeng mag-cropped top doon, señiorita. Masusunog po ang balat ninyo. Magbihis ka na po."
Wala na akong choice kung 'di isuot iyon. Labag man sa loob. Mas better pa ring isuot iyon kaysa masunog ang makinis kong balat.
Nang bumaba kami ay nasa sala na si Uncle Grey.
"Uncle, you're really serious sa 5:30 am? Too early!" reklamo ko agad sa Uncle ko na tinignan lang ako saglit saka niya ipinagpatuloy ang pagkakape.
Lumakad ako patungo sa harap nito.
"Uncle!" umagang-umaga pero napipikon na agad ako. Ganito yata talaga kapag kulang sa tulog.
"Ruth, pakainin mo na ng breakfast. Aalis na tayo after 15 minutes," agad na lumapit si Ruth sa akin at hinila na ako. Dinala ako ni Ruth sa kusina kung saan ay naroon na ang almusal ko.
"It's too early... sa tingin mo kaya kong kumain ng breakfast ng ganitong oras? Hindi ako kakain---"
"Señiorita, kung hindi ka kakain ang sunod na kain mo na ay lunch."
Nang narinig ko iyon ay wala na akong nagawa kung 'di umupo.
Pinilit kong kumain dahil lunch na raw ang sunod na kain ko.
Alam ba nila mommy at daddy na magiging ganito ang sitwasyon ko rito? Damn it!
Anong mangyayari sa isang city girl sa isang lugar na hindi siya familiar?
Alam kong nagkamali ako, naging reckless ako.
Pero kailangan ko ba talagang maranasan ito?
"Señiorita, aalis na raw po tayo," masama ang loob na tumayo na ako pagkatapos kumain.
Sumunod ako rito.
Nasa labas na si Uncle Grey at nang lumabas na kami ay nakita ko ang dalawang kabayo na naghihintay sa amin.
"Wait! Hindi ako marunong mangabayo," takot kong ani rito.
"Señiorita, ako po ang bahala sa inyo. Marunong po ako," may pagdududang ani ng babae.
"Noooo... baka mahulog ako tapos mamatay. Ayaw ko pang mamatay," tanggi ko rito.
"Si OA!" ani ni Ruth na natawa pa sa takot ko.
Lumulan si Uncle Grey sa puting kabayo. Si Ruth ay sumakay sa itim. Ako? Walang balak sumakay dahil baka iyon na ang ikamatay ko.
"Señiorita, tara na po," yaya ni Ruth.
Inilapit ni Uncle ang kabayo sa akin.
"No. Ayaw ko---" pero naputol ang pagtutol ko nang yumuko si Uncle at inabot ang bewang ko saka mabilis na iniangat.
Sa labis na pagkabigla ay napatili ako.
"Iyang kaartehan mo kalimutan mo muna. Wala kaming panahon sa kaartehan dito. Busy kami," masungit na ani ni Uncle saka nito pinatakbo ang kabayo habang mahigpit nitong yakap gamit ang isang braso ang bewang ko.
Takot na napakapit na lang ako roon dahil mabilis nang tumatakbo ang kabayo.
"Ayaw ko pang mamatay... ayaw ko pa," kabadong ani ko. Ang aga-aga pero ito ako at nag-iingay na.
"Shut up! Hindi lang manok ang mabubulahaw sa ingay mo," iretableng ani ni Uncle sa akin. Agad naman akong nanahimik.
Sa awa ng Diyos ay ligtas naman kaming nakarating sa malawak na taniman. Unang bumaba si Uncle saka hinawakan ako sa bewang at iniagat sabay baba.
Gumagala ang tingin ko. May mga tauhan na ng hacienda na abalang nagkakape sa mga kubong naroon.
"Sir Grey, magandang umaga!" bati ng mga tao sa tiyuhin ko. Saka sila napatingin sa akin.
"Sino itong Magandang dalagang kasama mo, Sir?" nailang ako sa tingin nila.
"She's my niece. Tutulong siya sa gawain dito sa taniman. Don't help her. Ruth, come here."
Agad na lumapit si Ruth.
"Sir?"
"Isama ninyo siya sa palayan. Ituro kung paano magtanim doon. Huwag ninyong baby-hin. Magtratrabaho siya."
"Uncle---" tututol pa sana ako pero hindi ako nito pinansin. Lumakad ito patungo sa papag at naupo.
"Oras na pumalpak ka sa trabaho mo ay wala kang kakaining tanghalian."
"What? Grabe naman iyon, Uncle Grey. Uuwi na lang ako sa city. Hindi ko kayang gawin ito," giit ko sa lalaki.
Tiningnan niya ako.
"Go on. Umuwi ka. Pero tiyak kong maglalakad ka lang. Ipapa-ban kita sa lahat ng public transportation sa bayan na ito. Try me, Cleo. Tignan natin kung sino ang unang susuko sa ating dalawa."
Hinarap ko ito.
"What is wrong with you? Bakit umaakto ka na para bang may ginawa akong masama sa 'yo at pinarurusahan mo ako? I'm your niece. Bakit sobrang mean mo sa akin?" napapadyak pa ako sa labis na inis ko.
Ang mga tauhan ni Uncle Grey ay pare-parehong nag-iwas ng tingin at inabala ang sarili nila sa kanilang kape.
"You're so mean, Uncle Grey."
"Huwag mo akong dramahan sa harap ng mga tauhan ko, Cleo. Kumilos ka na. Simulan mo na ang trabaho."
"I'm not nagdradrama here. You're so mean and unfair."
Lumapit si Ruth sa akin.
"Señiorita, tama na po iyan. Ituturo ko na lang po ang gagawin ninyo. Tara na po habang maaga pa," nangingilid ang luha ko sa labis na inis tapos ang lalaki parang hindi bothered sa inis na nararamdaman ko sa kanya.
Wala na akong magawa kung 'di magpatianod sa hila ni Ruth.
"Nakakainit iyong matandang hukluban na iyon! Gano'n na ba talaga kapag matanda?" pikon na pikong tanong ko kay Ruth.
"Hindi pa naman po matanda ang Uncle Grey ninyo. 34 years old pa lang po siya."
"He's matanda na. Pumapatol sa bata."
"Ilang taon ka na ba, Señiorita?"
"I'm 22 years old. Hindi ba marunong umuna ang matandang iyon? He thinks ba na kaya ko agad mag-adapt sa bagong environment ko? Hindi pa nga ako nakakapag-adjust tapos palulusungin na niya ako sa putikan para lang magtanim?"
"Mabait naman po si Sir Grey, señiorita. Baka gusto ka lang talaga niyang turuan---"
"Nang leksyon? Iyon iyon. Gusto niya akong turuan ng leksyon. Nakakapikon."
Bwisit na bwisit na ani ko.
Natuto naman na ako sa pagkakamali ko. Hindi ko naman kagustuhan na kumalat ang mga pictures ko sa social media. Lesson learned na sa akin iyon. Hinding-hindi ko na uulitin pa.
Pero kailangan ba akong parusahan ng ganito?
Pinagmasdan ko ang palayan.
Parang gusto ko na lang maglupasay at umiyak.
Hindi ko kaya ito.
"It's so kadiri!" tinawanan lang ako ng mga magsasakang kanya-kanya na ng lusong.
"Tara na, Señiorita," yaya ni Ruth sa akin.
"No!" tanggi ko.
"Nakatingin ang Uncle Grey mo po. Baka malagot ka sa kanya kung hindi ka kikilos," iniayos pa ni Ruth ang suot kong sumbrelo.
"I can't do that. Look oh! Kadiri---"
"Señiorita, kung ayaw mo rito gusto mo ba sa kulungan ng baboy? Mabaho po roon. Tiyak ipapalinis ni Sir Grey sa 'yo ang kulungan."
Narinig ko pa lang pero nangilabot na ako sa pandidiri.
Wala na naman akong magawa kung 'di lumusong na rin sa taniman. Agad lumubog ang suot kong bota. Mahirap maglakad kaya nakaalalay si Ruth sa akin.
"Huwag mong hawakan, Ruth!" malakas na ani ni Uncle Grey. Bigla akong binitin ni Ruth kaya nawalan ako ng balanse at naitukod ko sa putikan ang kamay ko.
"Ruthhhh!" tili ko dahil sa labis na pandidiri.
"Pasensya na po, Señiorita." Muli niya akong inalalayan para makatayo.
Hindi ko na napigilan umiyak.
"It's so nakakadiri. Mommy! Daddy! Help me!" iyak ko na parang bata.
Natawa naman ang ilang magsasaka na kasama namin dito.
"What's funny?" asik ko sa kanila. Pare-pareho silang nag-iwas ng tingin.
"Señiorita, ganito lang po ang gagawin ninyo," hawak nito ang itatanim namin. In-demonstrate nito kung paano itatanim iyon.
Pinanood ko rin kung paano gawin ng mga magsasaka ang trabaho nila.
Masama ang loob ko. Pero kinuha ko ang itatanim ko at ginawa kung ano ang pinagagawa sa akin.
Nakakangawit yumuko tapos hindi pa ako makahakbang ng maayos dahil lumulubog ang bota ko.
"Soooo nakakainis!" pagod na ako kaya hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Ibinato ko ang hawak ko.
"Back to work, Cleo," narinig ko ang tinig ni Uncle Grey. Masama ang tingin na tinignan ko ito.
"No. Ayaw ko. Hindi mo ako mapipilit," saka ako nagmartsa paalis sa taniman. Taas noo pa nga pero dahil sa lumubog na bota ay nadapa ako.
Narinig ko ang tawa ng mga kasama namin dito sa palayan.
Bagsak na bagsak ako. Pati mukha ko.
"Ahhh!" tili ko sa labis na galit ko.
"Oh please, stop being a spoiled brat here, Cleo. Your attitude has absolutely no place here."
"I wanna go home!" iyak ko.
"Para kang bata, Cleo. Act your age."
"Nooo! Mommy! Daddy!" iyak ko pa at naglupasay na sa putikan.
Wala na akong pakialam kung basa na ang pants ko at nabalot na ako ng putik.
Frustrated na talaga ako.
"Everyone, kung hindi magtratrabaho ang batang iyan ay hindi iyan papakainin ng lunch at kahit hapunan," inis ng ani ng tiyuhin ko bago siya umalis.
"Señiorita, tumahan ka na d'yan. Tinototoo ni boss ang mga salita niya. Huwag ka na pong mag-tantrums. Halika. Daan tayo saglit sa ilog para makapaglinis ka. Pero babalik tayo rito dahil kailangan mong ipagpatuloy ang trabaho mo."
Umiiyak pa rin ako habang naglalakad kami. Hindi naman malayo ang ilog.
Pagdating doon ay hindi ako lumusong. Tinulugan lang ako ni Ruth na makapaghilamos. Nilinis ang putik sa mukha, braso, at kahit sa buhok ko.
"Señiorita, mabait po si Sir Grey. Pero maiksi lang ang pasensya niya pagdating sa mga ganitong tantrums. Please. Sumunod na muna po tayo sa kanya."
"Nope. Uuwi na ako. I'm not going to stay here."
"Kaya mo bang maglakad, señiorita? Kasi ang public transportation ng San Simon ay hawak ng Uncle ninyo. Kapag sinabi niyang hindi ka pasasakayin ay hindi ka talaga pasasakayin. Mukhang hindi mo pa lubos na kilala ang Uncle mo. May isang salita po siya, señiorita. Ikaw lang po ang kawawa kung susuwayin ninyo siya."
Mariin akong napapikit.
So, ano ang dapat kong gawin para makaalis sa lugar na ito? For sure, kung uuwi ako sa amin ay tatanggapin naman ako ng mommy at daddy ko. Pero paano ako makakaalis dito?
"Ruth!" bigla kong naalala ang dalawang kuya ko na nakabase sa America.
Biological na anak ni mommy at daddy ang dalawa. Close kami ng mga ito at kapatid talaga ang turing nila sa akin.
"Señiorita?" hindi ko pa man nasasabi ang nasa isip ko ay parang ready na itong tumanggi.
"May phone ka ba? Can I borrow it?" ngumiti pa ako rito hoping na papayag siyang magpahiram.
"Nasa bahay po ang phone ko. Hindi ko rin po pwedeng ipahiram sa inyo dahil mahigpit pong bilin sa amin ng Uncle ninyo na huwag kang pahiramin."
"What? Why?"
"Señiorita, kapag pinahiram ka namin ay mawawalan kami ng trabaho."
"What the f**k?" napatayo pa ako mula sa batong kinauupuan ko.
"Kaya po huwag ka na munang magpasaway. Baka sakaling payagan ka rin niyang mag-phone kapag makita niyang nagpapakabait ka."
"Damn it!" inis na ani ko saka nagsuot ng bota.
Ano ba ang dapat kong gawin? What if maghima-himatayan ako?
Tutal hindi naman ako sanay sa trabahong ito... iyon na nga lang ang gagawin ko.