Chapter Four
Tirik na ang araw. Ang kaninang plano kong maghima-himatayan ay hindi ko na yata kailangan gawin. Hilong-hilo na ako. Mukhang hindi rin mabubuhay ang mga itinanim ko dahil hindi naman ako marunong.
Nakailang inom na ako ng tubig.
It's so mainit.
Nang tignan ko si Uncle Grey ay nasa kubo ito with electric fan and laptop.
Sarap buhay ng matandang lintik. Habang ako'y nabibilad dito.
"So nakakainis!" himutok ko.
Nang lumakad ako para lumipat ng pwesto ay mas lalong umikot ang paningin ko. Agad akong nahawakan ni Ruth.
"Señiorita, ayos ka lang ba?" kabadong tanong ng babae. Agad naman akong umiling.
"I'm not okay," hirap na ani ko.
"Hala! Baka matumba ka... Ay! Putangina!" tuluyan na akong nanlambot at bumagsak sa putikan. "Tulong! Tulong!" iyon ang huling narinig ko bago nagdilim ang paningin ko.
--
Nang bumalik ang malay ko ay may malakas na hangin ang tumatama sa mukha ko. Nang nagmulat ako ng mata ay bumungad sa akin si Ruth na todo ang pagpaypay sa akin.
"Gising na si Señiorita," anunsyo nito. Mukhang labis itong nag-alala.
"W-ater," mahinang ani ko. Pinilit kong umupo. Sa pag-upo ko ay agad kong napansin si Uncle Grey na titig na titig sa akin sabay irap.
Bakit ba galit na galit itong taong ito sa akin? Parang may nagawa akong masama rito kung umakto ito.
Nandito pa rin kami sa taniman. Sa kubo kung saan nakapwesto si Uncle Grey kanina.
Napansin ko ang maputik niyang suot. Kanina'y wala naman iyon. No'ng nawalan ba ako ng malay ay tumulong siya sa pagbuhat sa akin?
"Ruth, iayos na ang gamit ko. Uuwi na tayo sa mansion," cold na ani ni Uncle Grey. Agad namang tumalima ang babae.
Ako naman ay tahimik na uminom. Wala pa akong lakas na magmaldita sa tiyuhing masama ang ugali.
Baka sabayan na naman niya tapos matalo lang ulit ako.
Nang naiayos ang gamit ay binitbit na ni Uncle iyon. Si Ruth naman ang umalalay sa akin dahil sa totoo lang ay nahihilo pa ako.
Damn! Talagang maninibago ang isang city girl na katulad ko. Hindi pa nga nakakapag-adjust ay pinalusong na sa putikan tapos sobrang init pa.
Hindi yata nag-iisip si Uncle Grey. Baka walang isip. Hindi ko alam kung saan siya roon.
Hindi nag-iisip o walang isip?
Pagdating sa tabi ng mga kabayo ay kinuha ni Ruth ang gamit ni Uncle Grey saka ito lumulan sa kabayo.
Nang pareho na silang nakasakay ay nakatunganga lang ako dahil hindi ko alam kung saan ako sasakay.
"Tutunganga ka na lang ba d'yan?" iretableng tanong ng lalaki.
Agad naman akong lumapit at dito dahil sa labis na gulat ko sa sigaw niya.
Yumuko siya at walang kahirap-hirap na ikiangat ako.
Hindi pa man nakaayos ng upo ay pinatakbo na rin nito agad ang kabayo.
"Damn! Slow down, Uncle! Slow down!" tili ko.
"Do you want me to slow down?" tanong nito sa akin.
"Yes! Bagalan mo!" takot kong pakiusap dito.
Mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko. Hindi talaga nito binagalan. Nakarating agad kami sa mansion.
Sobrang sama ng loob ko kaya namang ngumawa talaga ako.
"Ruth, ihatid mo ang señiorita mo sa kwarto," ani ni Uncle na para bang napakabait niya.
Mas nauna rin itong pumasok.
"Halika na sa loob, ma'am. Tahan na po. Baka pinagtri-trip-an ka lang ni Sir Grey."
Pinahubad nito ang batang suot ko.
"Mommy! Daddy!" umiiyak na ako tapos itong babaeng nakaalalay sa akin ay natawa pa talaga.
"Huwag ka ng umiyak, ma'am. Masasanay ka rin."
"Isusumbong ko siya sa mommy at daddy ko," masama ang loob kong ani rito. Nailing na lang ito.
Pagdating sa kwarto ay dumeretso na ako ng banyo. Natuyo na ang putik sa balat at damit ko.
Ngayon lang ako nabalot ng putik sa tanang buhay ko.
Agad akong nag-shower kahit sobrang sama ng loob ko.
Humihikbi-hikbi pa nga ako at naririnig iyon ni Ruth.
"Señiorita, tahan na po. Kaya mo iyan."
No. Hindi ko kaya. I'm so hirap na rito. Kahapon lang dumating. Tapos ganitong hirap na ang pinaranas ng Uncle Grey ko.
Sobrang sama niya.
Mapanot sana ang matandang iyon. Kainis.
Natapos akong naligo. Nakahanda na ang isusuot ko kaya paglabas ko ay kinuha ko agad iyon at nagbihis na ako.
Cropped top and shorts.
Nang sumampa ako sa kama ay saglit akong naupo at pumikit.
"Anong ginagawa mo, señiorita?" usisa ng babae sa akin.
"Nagpra-pray ako na sana mapanot si Uncle Grey," humagalpak ng tawa ang babae. Seryoso iyob prayer ko. Ang salbahe ng matandang iyon. Deserve niyang maubos ang buhok.
"Ang funny mo, señiorita. Magpahinga ka na po. Puntahan na lang kita rito mamaya para sunduin para sa dinner."
Pabagsak akong humiga sa kama.
Mula pa kahapon ay wala akong phone.
Ito na ang pinakamatagal na wala akong phone. Minu-minuto kong hawak iyon. Ngayon inalisan ako. Hindi tama iyon.
Dahil masama ang pakiramdam ay nakatulog din agad ako.
Nagising lang ng 7 pm dahil na rin kay Ruth.
"Señiorita, ready na po ang dinner. Naghihintay na po sa baba ang Uncle Grey ninyo."
"Hindi ba pwedeng dito na lang? Ayaw kong makita si uncle."
"Hindi po."
Napabuntong-hininga ako.
Nakapagpahinga nga ako. Okay na ang pakiramdam. Pero parang sasama pa ulit iyon dahil makikita ko na naman ang tiyuhin ko.
--
Tahimik akong naupo. May kausap sa phone si Uncle at bahagya lang akong sinulyapan.
"Eat," cold nitong ani sa akin. Saka nito ibinaba ang phone niya. Hindi agad ako kumilos. "I said eat---"
"Huwag kang magulo. Magdadasal pa ako," masungit kong ani rito.
"Dasal? Marunong ka---"
"Sana mabulunan ang matandang kasamako sa hapagkainan na ito. Kung masamid man ay sana'y bumara ang lahat ng kinain sa lalamunan niya. Isang samid, automatic deretso sa langit," ani ko. Seryoso ako. Pinagdikit pa ang mga palad.
"Stop it. Kung gusto mong makakain ng dinner ay manahimik ka d'yan, Cleo."
Inirapan ko lang ito saka nagsimulang kumain.
Gutom din ako. Hindi ako nakakain ng lunch dahil natulog ako.
Nakamasid ito sa akin.
"I'm not matakaw. I'm just hungry, Uncle Grey."
Inirapan ko ito saka muling ipinagpatuloy ang pagkain. "Eat, Uncle. Takot ka bang magkatotoo ang dasal ko?" angat ang kilay ko rito.
"Tsk."
Nagsimula itong kumain.
Binilisan ko naman ang kain ko para hindi mukhang marami akong kinain.
"Done," ani ko nang busog na ako. "Where's my phone? Tatawagan ko sina mommy---"
"No."
"Heay! Kailangan ko ring i-check ang emails and socials ko."
"Naka-deactivate na ang lahat ng account mo."
"What?"
Nag-deactivate ba ako?
"Hindi mo makukuha sa akin ang phone mo. Kung tapos ka nang kumain ay umakyat ka na at magpahinga."
Hindi ako makapaniwala habang nakatitig dito.
"You're so masama!"
"I don't care kung ano man ang tingin o sabihin mo sa akin. Dito sa Hacienda na ito ay ako ang masusunod. Kung may reklamo ka... wala akong pakialam."
Damn this old man!
"Nakakainis kang matanda ka... kuhang-kuha mo talaga ang pikon ko. Sobrang salbahe mo. Gurang ka, Uncle Grey! Gurang!" asik ko.
Saka ako nag-walkout.
Inabutan ko si Ruth sa living room. Tamang nood ng TV. Kaya lumakad ako patungo roon at naupo.
"Okay ka lang, señiorita?" usisa nito.
Humarap ako sa kanya at itinuro ang sarili.
"Mukha ba akong okay? Pikon na pikon na ako sa uncle ko, Ruth. Ang sarap n'yang tirisin---"
"Huwag, señiorita! Maraming manghihinayang sa pogi mong uncle," diring-diri ang naging expression ko.
"He is not pogi. He's matanda. He's pangit. He's gurang. I hate him."
"Kalma, señiorita. Itira mo iyang inis mo para bukas. May bukas pa," saka ito tumawa at muling bumalik ang atensyon sa TV na pinanonood niya.
"Nakakainis talaga."
Pabagsak akong sumandal sa couch.
"Naku! Ang sungit-sungit mo, señiorita. Samantalang si Sir Grey ang bumuhat sa 'yo kanina noong nahimatay ka."
Aha! Kaya pala maputik din siya kanina.
"Buti nabuhat pa niya ako. Dapat hindi ka pumayag. Paano na lang kung naibagsak ako ng matandang iyon? Sa edad niyang iyon baka marupok na ang mga buto-buto niya. Eh 'di double kill ako. Nahimatay na sa hilo tapos mapilayan pa. Kawawa naman ako no'n."
"Grabe ka, señiorita! Baka ma-offend na si Sir Grey n'yan."
Napairap ako.
"I don't care... Tsk. Hindi n'yo dapat pinapabuhat ng mga mabibigat ang mga senior citizen."
"Really, Cleo?" napasinghap si Ruth dahil sa biglang pagsulpot ni Uncle Grey. Balewala naman akong lumingon dito.
"Yes, Uncle Grey."
"Hindi ka pa maging thankful na binuhat ko ang pabigat---"
"Pabigat? You're wrong! Mabigat ang sabi ko. I'm not pabigat."
Napatayo pa ako at namewang sa harap nito.
Nagkibit-balikat lang ang lalaki at naglakad na.
"I'm not pabigat!" sa lakas ng boses ko kahit siguro natutulog na kaluluwa sa mansion na ito ay magigising.
Mas lalo pang nakuha ng lalaki ang inis ko dahil wala na siyang ibang sinabi.
"Hays! Nakakainis! Nakakainis!" hiyaw ko.
"Señiorita, iyong puso mo. Baka hindi kayanin ang inis," at tumawa pa ito.
"Isa ka pa!" asik ko. Nag-walkout ulit