Chapter Five
Malamig na tubig ang dahilan kung bakit ako napabalikwas ng bangon.
Antok na antok ako at talagang walang balak bumangon kahit pa ginigising ni Ruth. Pero dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa mukha ko ay tuluyan nang nawala ang antok ko.
"What the heck is wrong with you, Ruth—"
Nang tingnan ko ang babae ay nasa gilid lang ito ng kama. Pero hindi siya ang salarin sa pagkabasa ko.
Ang salarin ay ang lintik kong uncle na may hawak pa ng pitsel.
"Uncle!" inis na ani ko. "Bakit mo ako binasa?"
"Nagtatanong ka pa?" malamig nitong sagot. "5:30 a.m. na. Ano ang sinabi kong oras ng bangon mo?"
"Ano naman kung 5:30 a.m. na, Uncle? Bakit mo ako kailangang basain? May tama ka ba sa tuktok mo?"
Inis na napahilamos ako sa mukha ko. Nagtatayuan ang balahibo ko dahil sa lamig. Basa ang buhok ko at tumutulo pa ang tubig sa leeg ko.
Hindi man lang natinag si Uncle Grey.
"Hindi ka natitinag, Cleo. Kanina ka pa ginigising ni Ruth."
"Dahil lang doon? You're so unbelievable, Uncle Grey!" Inis kong bulyaw. "Umagang-umaga, sinira mo na agad ang mood ko."
Nagkibit-balikat lamang siya.
"Kumilos ka, Cleo. Kung ayaw mong maulit ang nangyari, sumunod ka sa rules ko rito sa bahay ko."
Napatingin ako sa kanya.
"Rules?" ulit ko. "Kakagising ko pa lang, sermon agad? Nanggising lang kayo binasa pa ako? Iyo na iyang rules mong matanda ka."
Bastos na kung bastos. Simula noong dumating ako rito ay pinakitaan na ako ng matandang ito ng pangit na ugali niya. Sinong gugustuhin sumunod sa rules niya? Nakakainis.
"Rules are not sermons."
"Para sa akin, sermon 'yan."
"Then think of it as a reminder."
Huminga ako nang malalim at saka bumagsak ulit sa kama.
"I don't care."
Mabilis na bumalik ang malamig na tingin niya sa akin.
"Excuse me?"
"I said, I don't care."
"Then perhaps you need another reminder."
Agad akong napabangon.
"No! Huwag na!"
Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi niya, pero hindi ko malaman kung ngiti ba iyon o simpleng pang-aasar.
Parang natutuwa pa ito samantalang inis na inis na ako rito.
"Tingnan mo ang oras."
Napatingin ako sa wall clock.
5:34 a.m.
"Four minutes late," malamig niyang sabi.
"Four minutes lang!"
"Four minutes today. Ten minutes tomorrow. Thirty minutes next week."
"Grabe ka naman mag-isip! Ganyan ba talaga ang mindset ng mga matandang katulad mo?"
"Discipline starts with small things."
Pinagigiitan talaga iyon ng lalaki. Napabuntonghininga ako.
"Gusto mo akong disiplinahin pero hindi mo magawa sa sarili mo? Tama bang manners na buhusan mo ang pamangkin mong natutulog ng malamig na tubig?"
"Hindi---"
"Iyon naman pala eh!" asik ko rito.
"But you deserved it."
"No way! Hindi ako sundalo para bigyan mo ng ganyang disiplina," nasabi ko iyon dahil napanood ko sa isang palabas.
Lumakad siya at inilapag ang pitsel sa maliit na mesa.
"Mas mahirap maging sundalo. Hindi sila binibigyan ng second chances."
Napakunot ang noo ko.
"Are you threatening me?"
"No. I'm teaching you."
"Well, I don't need your lessons."
"Unfortunately for you, you do."
Napairap ako.
"You're impossible."
"And you're stubborn." May sagot talaga ito sa mga sinasabi ko.
"At least hindi ako naninira ng tulog ng ibang tao."
"At least gising ka na."
Napabuka ang bibig ko ngunit wala akong naisagot.
Si Ruth na kanina pa tahimik sa gilid, ay tila pinipigilang matawa.
"Don't laugh," singhal ko sa kanya.
Agad niyang pinagdikit ang mga labi niya.
"Sorry, Señiorita Cleo."
"You're enjoying this."
"Kaunti lang po."
"Ruth!"
Napailing si Uncle Grey.
"Enough."
Isang salita lang iyon pero pareho kaming natahimik.
Tumayo siya nang tuwid at tiningnan ako.
"Thirty minutes. Maligo ka, magbihis, at bumaba sa dining room."
"Thirty minutes? That's impossible."
"Then make it possible."
"Uncle—"
"Twenty-nine minutes."
Napasinghap ako.
"Seriously?" napatayo ako para lang makapadyak sa labis na inis.
"Twenty-eight."
"Fine! You're crazy old man!"
"Twenty-seven."
"Okay! I'm moving!"
Habang nagmamadali akong kumuha ng tuwalya, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ruth.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago ako dumiretso sa banyo.
Pero bago ko tuluyang maisara ang pinto, narinig ko pa ang boses ni Uncle Grey.
"Cleo."
Napalingon ako.
"Huwag mong kalimutan ang unang rule."
"What?"
"Kapag sinabi kong bumangon, bumangon ka."
Napangiwi ako.
"Tsk. Gurang." Inirapan ko pa ito.
Isinara ko ang pinto nang bahagyang mas malakas kaysa kinakailangan.
"Bossy. Akala ba niya ikina-cool niya iyon? Nakakainis. Nakakapikon ang matandang iyon."
Hindi ko alam kung narinig niya iyon.
Pero nang ilang segundo ay wala akong narinig na sagot.
Kaya napangiti ako nang kaunti.
At least, tapos na ang sermon.
O iyon ang akala ko.
Dahil nang makababa ako makalipas ang halos dalawampu't limang minuto, nakaupo na si Uncle Grey sa dining table, tahimik na umiinom ng kape habang nakatingin sa relo niya.
Pagkakita sa akin ay ibinaba niya ang tasa.
"Twenty-five minutes."
"See? I made it."
"You're late."
"What?!" Napatingin ako sa orasan.
"Six minutes late from the time I told you to be downstairs."
"Pero sabi mo thirty minutes!"
"Thirty minutes to prepare. Hindi kasama ang paglalakad pababa."
Napapikit ako.
This man was going to drive me insane.
"Fine. What's the next rule?"
"Sit."
Umupo ako sa tapat niya.
"Eat."
Tiningnan ko ang pagkain sa harapan ko.
At doon ko napagtanto na mukhang mahaba-habang araw ang naghihintay sa akin.
Sobrang istrikto ng gurang na ito. Akala ba niya kina-cool niya iyon?
Ano kaya ang idadahilan niya sa parents ko kapag magsumbong ako sa mga ginawa niya?
Habang nagbre-breakfast ay panay ang irap ko. Kuhang-kuha talaga nito ang pikon ko.
"Sir Grey," tawag ni Ruth na papasok ng dining room, "pinapatanong po kung saan daw ang destino ngayon?"
"Sa manukan," tipid na sagot ni Uncle Grey.
Napahinto ako sa pagsubo.
"Manukan?"
Tumango lang siya.
Bukod sa taniman ay may manukan pa pala ito. Hindi ko alam kung ano pa ang mga nakatago sa malawak niyang lupain. Baka bukas ay sabihin niyang may zoo rin siya at ako ang maglilinis ng kulungan ng tigre.
Nang matapos kaming kumain ay agad itong tumayo.
"Let's go."
Maang-maangan akong tumingin rito.
"Saan pupunta?"
Tinitigan niya ako.
"Kasama po ako?"
"What do you think, Cleo? Tatanga-tanga ka na naman. Kilos."
"Pero—"
Lumabas na ito at hindi man lang pinakinggan ang gusto ko sanang sabihin.
Inis na inis ako.
Kung puwede lang batuhin ng tsinelas ang lintik kong tiyuhin ay ginawa ko na.
Sumunod ako rito na sobrang sama ng loob. Labag na labag sa loob ko pero wala akong choice.
Muli kaming sumakay ng kabayo.
Mahigpit nitong yakap ang bewang ko habang mabilis na tumatakbo ang kabayo. Parang gustong lumabas ng mga kinain ko ng agahan. Tagtag na tagtag na ako at ilang beses akong napapikit habang pinipigilan ang sarili kong huwag magsisi sa lahat ng desisyon ko sa buhay.
"Bagalan mo naman!" tili ko dahil biglang lumundag ang kabayo.
Wala na naman siyang sagot.
Mabuti na lang at narating na namin ang manukan.
Pagkababa ko ng kabayo ay inayos ko muna ang damit ko bago tumingin sa paligid.
At doon ko sila nakita.
Mga manok.
Napakarami.
Parang may sariling barangay.
May isang malaking parte ang may mataas na harang na net. Sa loob noon ay malaya silang naglalakad, naghahanap ng makakain at kung anu-ano pa.
Hindi sila mukhang nakakulong dahil maluwag ang lugar.
Pero para sa akin, mas lalo lang silang nakakatakot dahil ang dami nila.
May ilang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay hinuhusgahan nila ako.
"Ruth, ituro mo kay Cleo ang gagawin," utos ni Uncle Grey.
"Seniorita, tara po. Mamumulot po tayo ng itlog tapos pagkatapos ay pakakainin natin ang mga manok."
"No way. Papasok ako d'yan? Ang scary ng lugar," ani ko na umiling-iling pa.
"Seniorita, mamumulot lamg tayo ng itlog. Iyon ang task mo ngayon. May dalawa kang option. Mamulot ng itlog o maglinis ng tae---"
"Ruth!" naiinis na ani ko sa babae.
Itinuro niya kung saan kami pupunta.
"Mas magandang option ang pagpulot ng itlog, Seniorita."
Dahan-dahan akong lumapit sa net.
May isang manok na nakatayo malapit sa entrance.
Huminto ako.
Tumingin siya sa akin.
Tumingin ako sa kanya.
Tumagilid ang ulo niya.
Ginaya ko rin.
Tumagilid ulit siya.
Napakunot ang noo ko.
"Ruth."
"Opo?"
"Normal ba 'yan?" takot kong turo.
"Alin po?"
"Iyong titig niya."
Napatingin si Ruth sa manok.
"Normal lang po."
"Hindi ako kumbinsido. Nakakatakot."
Naglakad ako palapit.
Umatras ang manok.
Napatingin ako kay Ruth.
"See?"
"Takot din po siguro sa inyo."
"Good."
Mas naging kampante ako.
Pero ilang segundo lang ay may isang manok na biglang tumakbo mula sa kabilang bahagi.
Diretso sa direksyon ko.
Napaatras ako.
"Ruth..."
"Seniorita?"
"Why is it running?"
"Manok po kasi."
"That doesn't answer my question."
Hindi na sumagot si Ruth dahil pinipigilan na nito ang tawa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, pilit na hindi pinapansin ang mga manok sa paligid.
May nakita akong isang itlog sa lupa.
Yumuko ako para pulutin.
Biglang may tumilaok sa likod ko.
Napabitaw ako sa itlog.
"Jesus!" tili ko sa labis na gulat. Nakakairita rin kasi ang ingay no'n. Sa pandinig ko ay ang lakas-lakas no'n.
Paglingon ko, nakatayo lang ang isang tandang sa likuran ko.
Pero dahil sa gulat ko, napalayo ako ng dalawang hakbang.
Sa labas ng net ay may ilang manggagawang napalingon.
Isa sa kanila ang napangiti.
"What's funny?" tanong ko. Iyong inis ko kay Uncle Grey at mukhang sa mga tao sa paligid ko maibubuhos iyon.
Umiling siya.
"Wala po, Seniorita."
"Hm."
Pinulot ko ulit ang itlog.
Maingat na maingat.
Parang may bomba akong hawak.
"One down."
"Marami pa po 'yan," paalala ni Ruth.
Napatingin ako sa paligid.
Maling-mali pala ang sinabi niya.
Hindi lang marami.
Sobrang dami.
At parang napansin ng mga manok ang presence ko.
Isa-isa silang nagsimulang lumapit.
Napaatras ako. Dahil ba kinuha ko ang itlog nila?
"Ruth."
"Po?"
"Why are they coming this way?" kabadong tanong ko. Handa ng bitiwan ang mga napulot na itlog na inilagay ko sa basket.
"Baka gusto po nilang kumain."
Napatingin ako sa hawak kong itlog. Kadadampot ko lang no'n.
"Is that why?"
"Hindi po."
"Then I don't see the reason."
May isang manok na lumapit pa.
Bigla akong umalis sa pwesto ko.
"Seniorita!" tawag ni Ruth.
"Just keep your distance."
"Manok lang po iyan," aliw na ani ng babae.
"Exactly. And I don't trust them."
Nagsimula nang humagikhik ang ilang manggagawa.
Hindi ko na sila pinansin.
Kinuha ko ang basket at lumipat sa kabilang bahagi.
Akala ko ligtas na ako.
Hanggang sa may narinig akong mabilis na pagaspas ng pakpak.
Paglingon ko, may manok na lumilipad sa direksyon ko.
Napabitaw ako sa basket at napasigaw.
"Why is that one running?" wala na akong pakialam kung nabasag na ang mga itlog sa basket.
Damn it! Iisipin ko pa ba naman iyon?
Sa halip na sagutin ako ni Ruth, napatawa na ito.
At parang nahawa ang mga tao sa paligid.
Mas lalo akong nainis.
"Nakakaalis si Señiorita," dinig ko pang ani ng isa.
Tumakbo ang manok sa tabi ko.
Awtomatiko akong napasunod sa pagtakbo.
Hindi ko alam kung sino ang mas mabilis sa amin.
Ang alam ko lang, ilang segundo ang lumipas at nasa kabilang dulo na ako ng manukan.
Paglingon ko, wala na ang manok.
Huminga ako nang malalim.
"Okay."
Inayos ko ang buhok ko.
"That was unnecessary."
"Seniorita..."
Napatingin ako kay Ruth.
Halos hindi na ito makahinga sa kakatawa.
"Ano?"
"Iyong manok po..."
"Ano sa manok?"
"Nasa likod niyo po."
Nanigas ako.
Dahan-dahan akong lumingon.
Nandoon nga.
Nakatayo lang.
Parang proud pa sa sarili.
Napapikit ako.
"Of course."
Sa labas ng kulungan, narinig ko ang pagtawa ng mga lalaki.
Maging si Uncle Grey ay nakatingin na sa akin habang nakapamulsa. Salubong ang kilay niya.
"You're enjoying this, Ruth. Lahat kayo."
"Hindi po, ma'am," aliw na ani ng babae.
"You're smiling."
"No po."
"Liar!" inirapan ko pa ito.
Lumapit siya sa net. Tumakbo ako.
"Stop running." Biglang saway ni Uncle Grey.
"I wasn't running."
Tumaas ang kilay nito.
"I was... relocating."
May tumawa na naman sa likuran namin.
Napairap ako.
"Fine."
Kinuha ko ang basket at muling pumasok sa gitna ng mga manok.
"Pero kapag may lumipad, uuwi na ako."
Naglakad ako nang dahan-dahan.
Isa-isang pinulot ang mga itlog.
At sa pagkakataong iyon ay naging maayos na sana ang lahat.
Hanggang sa may isang manok na biglang dumaan sa pagitan ng mga paa ko.
Napatalon ako.
"Excuse me!"
Tumakbo ang manok palayo.
Napatingin ako rito na para bang personal akong ininsulto.
"Rude."
Narinig ko ang malakas na tawa ni Ruth.
Pati ang mga manggagawa ay hindi na nagtangkang magtago.
At nang mapatingin ako kay Uncle Grey, salubong pa rin ang kilay nito.
"Collect the eggs."
Napabuntong-hininga ako.
"Yes, gurang kong Uncle."
Muli akong yumuko.
Pero sa pagkuha ko sa itlog ay bigla na lang nagliparan ang mga manok na para bang nagulat sila.
Siyempre, nagulat din ako. Naihagis ko ang basket na may laman ng itlog. Nagkagulo ang mga manok at dumagdag pa ako sa gulong iyon.
"Stop running!" sigaw ni Uncle Grey pero hindi ako nakinig. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil sobrang daming manok sa paligid ko na nagkakagulo. Sabay-sabay pa silang pumutak.
Takot na takot ako. Parang ang gulo ng mundo ko ng mga sandaling iyon.
"Stop! Stop!" napaiyak na ako.
Napatakip ako sa tenga ko. Mariing pumikit. Nang may humila sa akin ay hindi ako nagtangkang magmulat ng mata.
"Tsk. Kahit saan talaga gulo lang ang dala mo," narinig ko ang nakakainsulto nitong sinabi. Nang magmulat ako ng mata at ma-realize na nakalabas na ng kulungan ay umatungal na ako nang iyak. "What the heck? Stop crying!" utos nito. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Uncle Grey... Uncle Grey!"
"What?" asik nito.
"I think may tae ng manok sa ulo ko," at mas lalo pa akong naiyak.