Chapter Six
“Patahimikin mo ito, Ruth!” galit na ani ni Uncle Grey.
Agad namang lumapit si Ruth sa akin at hinila ako patungo sa gripo.
“Banlawan mo ang buhok mo, señiorita.”
“Hindi ko kaya…” naiiyak kong ani rito habang pilit na inilalayo ang sarili ko sa gripo. “It's so ewww!”
“Yuko,” utos na lang ni Ruth.
Napilitan akong yumuko.
Ilang saglit pa ay binuhusan na niya ng tubig ang buhok ko.
As in, para niya akong pinaliguan.
“Ruth!” sigaw ko habang napapapikit sa lamig ng tubig. “Dahan-dahan!” reklamo ko. Parang nilamig ang anit ko.
“Señiorita, tae lang ng manok ang nasa buhok mo. Hindi mo ikamamatay ang tae ng manok.”
“Hindi mo naiintindihan!” ani ko. "It's so kadiri."
Patuloy lang si Ruth sa pagbabanlaw ng buhok ko habang ako naman ay halos hindi na makatingin sa paligid.
Ramdam ko pa rin ang lagkit at dumi sa buhok ko.
At ang mas nakakainis—
naamoy ko pa rin ang tae ng manok.
“Meron pa ba?” ani ni Ruth.
“May balahibo? Tae?"
“Wala na.”
“Sure ka?”
“Opo.”
“Baka meron pa!” kasi kung mayroon ay hindi ko kakayanin tanggalin iyon. Basta. Kadiri.
“Wala na talaga.”
“Check mo ulit.”
Napabuntong-hininga si Ruth pero sinunod pa rin ako.
“Wala na, señiorita.”
“Promise?” naniniguro kong ani.
“Promise.”
Saka lang ako bahagyang nakahinga.
“Okay na po.”
Hindi ko alam kung saan nito kinuha ang towel na pinambalot nito sa buhok ko. Pero mabuti na lang at mayroon no'n.
“Kumalma ka na, señiorita. Na-stress na sa 'yo ang mga manok.”
Patawa-tawa pa talaga ito.
Agad akong napasimangot. Kasalanan talaga ni Uncle Grey kung bakit ako nalagay sa gano'n sitwasyon.
Habang ako'y humihikbi dahil na rin sa pandidiri at stress sa manok, sila naman ay parang natutuwa pa sa nangyari.
“Tie lang kami ng mga manok,” reklamo ko. “Kung stress sila, stress din ako.”
Pinunasan ko ang luha sa pisngi.
“Nakakainis. It's so kadiri and scary.”
“Ang arte.”
Agad kong nilingon si Uncle Grey.
Nakasandal lang siya sa puno ng mangga, nakatingin sa akin na parang isa akong malaking istorbo sa kanya at sa mga tao rito.
At nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya, inirapan pa ako.
My mouth fell open.
“How dare you!”
Hindi man lang siya natinag.
“It's just a chicken.”
“Just a chicken?” halos mapasigaw ako. “You threw me into a chicken coop!”
“I told you to collect the eggs.”
“I didn't know they would attack me!”
“Hindi ka naman inatake.”
“Then what do you call that?!”
Tinuro ko ang buhok ko.
“You saw what happened!”
“Tumakbo lang ang mga manok.”
“Tumakbo sila toward me!” pasigaw kong ani dahil para bang hindi big deal iyong nangyari sa kanya.
“Because you were screaming.”
Ako pa ang sinisi talaga. Hindi ba pwedeng kasalanan ng manok?
“Because they were chasing me!” depensa ko. Hindi pwedeng kasalanan ko lang. Kasalanan ng mga manok pati na ni Uncle Grey.
“Because you were screaming.”
“Because they were chasing me!” ulit ko. Aba! Hindi pwedeng hindi ko panindigan ang point ko.
“Cleo.”
“What?!”
Umiling lang siya.
“You're impossible.”
Napabuka ang bibig ko sa inis.
“It's your fault!” tuluyan ko ng direktang sinisi sa kanya.
Duro-duro ko pa siya.
“You're so masama, Uncle Grey. You're the reason why I'm natakot and nataihan ng manok.”
Napatingin sa akin si Ruth.
“Natakot at nataihan?” tatawa-tawa pa si Ruth. Nakakainis. Kampi yata siya kay Uncle Grey.
“Whatever!” singhal ko.
Napailing si Ruth habang pinipigilan ang tawa nito.
Si Uncle Grey naman ay bahagyang tinaasan ako ng kilay.
"Nakakainis kayo. I'm scared na nga pero wala kayong pakialam."
"Tsk. Ang arte mo, Cleo. Wala ka na ngang nagawang maayos dito pero ka pa arte. Tignan mo kung gaano karaming itlog ang nabasag mo... dahil d'yan ay itlog ang ulam mo mamayang tanghalian."
"What? No way! Pwede pa chicken for lunch. Pero egg? Nope."
--
Itlog ang ulam ko. Hindi talaga ito pumayag na mag-ulam ako ng iba. Habang ang mga kasama ko ay tinolang manok ang ulam, ako itlog.
Sa bawat subo ko ay nakakatikim ng irap ang Uncle Grey ko. Siya ang nasa tapat ko kaya naman sinasamantala ko na sa bawat angat ng tingin ay iniirapan ko ito.
"Sir Grey, ayos lang po ba ang mata ni Señiorita Cleo?" concern na tanong ng isa.
"Mukhang hindi."
Si Uncle Grey ang nagsalita no'n. "Mukhang kailangan ng ipa-check dahil kakaiba ang galaw ng mata niya."
"Shut up, Uncle Grey!" iritableng ani ko. Itlog na nga ang ulam ko, ako pa ang magiging laman ng usapan nila.
"Pwes tumigil ka sa kaiirap mo. Baka dukutin ko iyang mata mo."
Muli ko itong inirapan saka yumuko at nagpatuloy sa pagkain.
Naririnig ko pa lang ang paghigop nila ng sabaw ay naiingit na ako.
Kainis. Mukhang masarap ang ulam nila.
"Here. Humigop ka ng sabaw. Tikman mo na ang tinola," iniusog ni Uncle Grey ang mangkok. Na-excite ako kaya agad kong tinignan pero agad naglaho ang excitement ko dahil ang mangkok na akala ko'y may tinolang manok... tinola nga pero itlog na nilaga ang laman with sabaw.
"You're so annoying, Uncle Grey. Namumuro ka na talaga."
Umiling lang si Uncle Grey at nagpatuloy na itong kumain.
After lunch, nagpatuloy ang mga tao sa pag-asikaso sa poultry farm.
"Señiorita, busy ang mga tao rito. Sabi ni Sir Grey pumirmi ka lang daw muna d'yan. Huwag kang manggugulo," Wow! Hindi naman ako manggugulo.
Pero mabuti na rin iyon. Humiga ako sa papag. Inaantok din ako. Hindi mabaho ang farm na ito, may sariwang hangin pa nga.
Nakatulog ako habang nakahiga sa papag.
Nagising lang dahil sa gumagalaw sa tiyan ko. Sa ibabaw ng tiyan ko.
Sisiw. Isang sisiw ang naroon.
Imbes matakot ay tuwang-tuwa kong hinawakan iyon.
Hindi katulad ng mga manok sa farm na ito na agrisibo.
Ito cute at hindi aggressive.
"You're so cute, sisiw," nangigigil ako pero hindi ko pa naman napisa ang sisiw.
"Señiorita, babalik na po tayo sa mansion."
"Alas-2 pa lang---"
"May work po si sir. Kailangan na po nating bumalik."
Paano ko kaya madadala itong sisiw?
Feeling ko kami'y kokontrahin ako ni Uncle Grey. Iyon lang ata ang purpose nito sa buhay ko. Ang kontrahin ako, ang inisin ako, at sirain ang araw ko.
"Iiwan mo iyan," pinag-iisipan ko pa lang kung paano ko madadala ang sisiw ay kinontra na ako ni Uncle Grey na palapit.
"Uncle Grey, ang cute nito. Iuuwi ko ito."
"I said no," ani ng lalaki.
"Uncle Grey!" hawak ko ang sisiw na hinabol ang Uncle na paalis na.
"Iwan mo iyan, Cleo."
"Iuwi na natin. Isa lang itong sisiw na ito, Uncle Grey."
"Kung iuuwi mo iyan ay maglakad ka. Hindi ka sasakay sa kabayo."
Nakasimangot ako.
"Ang salbahe mo, Uncle Grey!" himutok ko. Malayo kung lalakarin. "Bye muna, sisiw. Babalikan na lang kita."
Maingat kong inilapag ang sisiw. Ngunit humabol ito.
"Hays. Halika na. Huwag ka lang maingay."
Wala akong ibang mapaglagyan kaya in-shoot ko na lang sa gitna ng dibdib ko. Nakalabas lang ang ulo nito.
Naiipit sa cleavage ko pero buhay pa naman. Malambot kasi.
Hindi iyon napansin ni Uncle Grey. Nang umuwi kami ay hindi maiwasang umalog ang dibdib ko dahil sa kabayong mabilis na tumatakbo. Sa bilis no'n ay biglang lumipad ang sisiw at ang tangi ko na lang nagawa ay iangat ang kamay dahil hindi ko na mahahabol pa.
"My sisiw!" tili ko. Gusto ko sanang balikan pero hindi ko magawa dahil hindi naman inihinto ni Uncle Grey ang takbo ng kabayo.
Ang tanging nagawa ko na lang ay lingunin iyon.
"Uncle Grey, my sisiw... naiwan iyong sisiw ko," nagmamaktong kong ani. Hindi ko na nakita pa. Kawawa naman. Tapos parang bingi ang Uncle ko sa pakiusap ko.
Nang nakarating kami sa mansion ay agad akong ibinaba nito.
Nagpapadyak naman ako sa labis na inis.
"You're so nakakainis, Uncle Grey. Sobrang sama mo. I know you saw it too. The kawawang sisiw is nahulog. Hindi mo man lang hininto ang kabayo," namewang pa ako sa harap nito. Tinignan lang ako ng lalaki. Saka nito iniabot ang tali ng kabayo sa tauhan at lumakad na papasok ng mansion.
"Uncle Grey!" hiyaw ko rito pero tuloy-tuloy lang talaga siya.
"Señiorita!" tawag ni Ruth sa akin. "Sama tayo sa bayan?" ngiting-ngiti na ani nito.
"Ruth, do you think papayag ang salbaheng matanda na iyon na isama tayo sa bayan? I don't think so."
"Ako ang kakausap, señiorita. Sasabihin ko may mga kailangan ka rito sa haciende pero hindi available."
"Like what?" inangatan ko pa ito ng kilay.
"Skincare. Napkin. Kahit ano."
Saka ito tumalikod at dali-daling umalis.
Ako naman ay pumasok na rin. Baka nga maisama. Kaya maliligo muna ako.
Nasa shower na ako nang kumatok si Ruth.
"Señiorita, pumayag siya."
"Really?" may bula-bula pa ang buhok ko nang silipin ko si Ruth.
"Opo. Dalian mo na po. Baka maiwan pa tayo kung mainip siya.
Kaya nagmadali na ako sa pagligo. Wala akong idea sa itsura ng bayang ito. Kaya opportunity rin ito para makagala sa labas.