Chapter Seven
Isang puting bestida ang suot ko. Magandang paresan ng high heels ang outfit ko pero mas pinili ko ang flat shoes dahil pakiramdam ko'y magpapalasap ng kasamaan ang Uncle Grey ko mamaya.
Sinimplehan ko na lang tuloy.
Nang bumaba ako ay agad kong natanaw si Uncle Grey na palabas na ng pinto.
"Uncle Grey, dalhin mo ang senior citizen card mo para may discount tayo sa mall."
"Manahimik ka, Cleo. Baka gusto mong maiwan na lang dito."
Nagbibiro lang naman ako. Ganito ba talaga kapag matatanda? Hindi marunong tumanggap ng biro?
Napaingos na lang ako saka humabol dito dahil baka maiwan talaga ako.
Tumambad sa akin ang isang lumang pick-up truck na kulay blue.
"Uncle Grey, is it safe? Parang isang kalawang na lang ay bibigay na iyang pick-up truck mo," parang gusto ko na lang maiwan. Si Ruth ay dali-daling sumakay sa backseat. Ako? Nanatiling nakatayo at nag-aalinlangan pa.
"Sakay, Cleo. Pero kung ayaw mo ay maiwan ka na lang."
Napatingin ako sa pick-up truck.
Tumingin ako kay Uncle Grey.
Bumalik ang tingin ko sa sasakyan.
Parang may kailangan akong pagdesisyunan na mas mahalaga pa sa buhay. Parang ikapapahamak ko kung sasakay ako sa bulok na sasakyan ni Uncle Grey.
"Uncle Grey..." dahan-dahan kong itinuro ang sasakyan. "Sure ka bang sasakyan 'yan at hindi isang archaeological artifact?"
Kumunot ang noo niya.
"Ano?"
"May museo ba tayong pupuntahan? Kasi mukhang doon bagay 'yan."
"Cleo."
"Or baka hindi na tayo pupunta sa mall. Baka sasama na lang tayo sa past."
Napasinghap si Ruth sa likod, pilit na pinipigilan ang tawa.
"Sumakay ka na! Saka sinong may sabing pupunta tayo sa mall?" may takot sa puso ko. Kwenekwestiyon ko na agad kung sasakay ba ako o hindi.
"Hindi tayo pupunta ng mall?" iyon kasi ang iniisip ko. Akala ko'y pupunta kami ng mall. Okay. Mali ako.
Lumapit ako nang kaunti sa pick-up. Sa bawat hakbang ko, lalo kong napapansin ang kalawang sa gilid ng katawan nito. May isang bahagi ng pintura na tila kusa nang nag-resign. Ang gulong ay mukhang ilang taon nang nakikiusap na palitan. Nang buksan ni Uncle Grey ang pinto, kumalabog iyon na para bang may butong nabali.
Napaatras ako.
"Aray!" ako na ang umaray. Kawawa iyong sasakyan.
"Ano na naman?"
"May tunog! Grabe. Sobrang bulok naman nito. You don't have pera ba? Why not ask mo si daddy ko tapos magpabili ka sa kanya ng car---"
"Siyempre may tunog. Paano mabubuksan ang pinto kung walang tunog? Hindi ko kailangan ng pera ng daddy mo, Cleo. Sumakay ka na. Iiwan talaga kita kung mag-iinarte ka pa d'yan."
Pinaglihi yata si Uncle Grey sa sama ng loob. Sobrang sungit. Grabe.
"Hindi gano'n." Napahawak ako sa dibdib. "Parang may kaluluwa."
"Cleo!"
Napatawa si Ruth mula sa backseat.
"Sumakay ka na," sigaw niya. "Baka maiwan tayo ng sasakyan na ito."
Napatingin ako sa kanya.
"Ruth, may tiwala ka ba sa sasakyan na ito?"
"Meron. Kaya sumakay ka na, Señiorita. Tiyak kong safe ito."
Napapikit ako sandali. Nagdasal muna.
Mukhang wala akong kakampi rito.
Sa huli, napilitan akong sumakay. Dahan-dahan kong inilapat ang isang kamay sa upuan bago tuluyang umupo, na para bang baka bigla itong gumuho sa ilalim ko.
"Uncle Grey, siguradong kakayanin nito ang biyahe?" concern kong tanong.
"Kaya." Iretableng sagot nito sa akin.
"Sure?"
"Kaya. Isa pang tanong mo at iiwan na talaga kita."
"Talaga?"
Tumingin siya sa akin nang masama.
"Cleo, gusto mo bang kabayo ang sakyan hanggang bayan o maiwan na lang?"
"Okay. Sige. Okay na 'to. Kaysa naman maiwan o sumakay sa kabayo."
Pabulong na lang iyon pero nagsalita pa rin si Uncle Grey.
"Naririnig kita."
"Uy! Kahit may edad na matalas pa rin ang pandinig. That's nice."
Si Ruth na nasa backseat ay natawa na naman.
Umiling siya saka pinaandar ang makina.
Walang nangyari.
Napatigil kaming tatlo.
Muli niyang pinaandar.
Napahawak ako sa seat belt.
"Uncle Grey..."
"Aandar 'to," wala pa man akong sinasabi ay nagsalita na agad ito.
"Sa tingin ko, ayaw ng sasakyan umalis ngayon. Wala ka na bang ibang car? May extra car ako sa siyudad. Gusto mo ba call natin si daddy at ipahatid dito?"
Mabilis siyang lumingon sa akin.
"Manahimik ka."
Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang umandar ang makina.
Napapikit ako sa ginhawa.
"Thank God."
Exaggerated kong bulalas. Nakalabas kami ng Hacienda.
Puri palayan ang nakikita ng makalayo na kami sa Hacienda ni Uncle Grey. Ang ganda ng tanawin. Kaya kahit magka-stiff neck ay nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana ko. Ayaw kong lingunin ang matandang hukluban na masama ang ugali.
Maganda sana ang view.
Pero mas gaganda pa sana iyon kung hindi lang ako nakasakay sa isang sasakyang bawat lubak ay may sariling reklamo.
Lumalagabog. Parang hihiwalay na ang makina sa mismong sasakyan.
Napapaangat ako sa upuan.
"Uncle Grey! Masakit na ang pwet ko. Wala na bang ibang daan? Hindi naman namin nadaanan nila daddy ito noon. Ang pangit na nga ng sasakyan mo. Tapos ang pangit pa ng daan dito."
Biglang bumagal ang pick-up.
Napatingin sa akin si Uncle Grey.
"Ano'ng sabi mo?"
Ngumiti ako nang pilit.
"Sabi ko... ang ganda ng tanawin."
Biglang nabahag ang buntot ko dahil iritang-irita talaga ito.
"Akala ko may sinabi kang iba."
"Wala. Narinig mo lang siguro ang konsensya mo."
"Isa pang salita, ibababa kita."
Hays. Hindi ko rin talaga mapigilan ang bunganga ko.
Napalingon ako sa bintana.
Sa labas, puro palayan.
Sa kaliwa, bundok.
Sa kanan, bundok.
Sa harapan, isang mahabang kalsadang halos walang tao.
Dahan-dahan akong bumalik sa maayos na pagkakaupo. In-check ko pa kung safe ang seatbelt ko.
Nang muling lumagabog ang sasakyan ni Uncle Grey ay napahawak na ako sa hita nito. Akala ko'y katapusan ko na.
Pero nang bumalik sa normal ang sasakyan ay marahas nitong inalis ang kamay ko sa hita niya.
Hays. Sobrang sama talaga ng ugali.
Kawawa ang girls na magkakagusto rito.
Ang hot ng Uncle ko. Tiyak iyong hotness nito ay hindi lang papatok dito sa province kung 'di pati na rin sa City.
Sa ugali lang talaga sablay. Sobrang sama eh.
Sa awa ng Diyos ay nakarating kami sa bayan. May bukol nga lang si Ruth. Buti na lang hindi napigtas ang seatbelt ko.
Iyong kay Ruth kasi ay bumigay.
"Ruth, may meeting ako sa restaurant sa tapat ng munisipyo. Ikaw ang magbantay kay Cleo. Oras na nawala iyan ay ikaw ang malilintikan sa akin."
"Opo, Sir Grey," sagot naman ni Ruth.
Lumapit ako kay Uncle Grey.
"Uncle, where na ang mall? I need to go shopping. Saan ang card mo. Hingi ako money. Magsho-shopping ako."
Poker face lang ang lalaki na humugot ng wallet. Kumuha ng dalawang libo sabay abot sa akin.
"Pagkasyahin mo iyan, Cleo. Walang mall sa lugar na ito."
"What? No way! Baka isang panty lang ang mabili ko rito. Need ko mag-buy ng mga clothes."
"Kaartehan mong babae ka. Ruth, ituro mo sa kanya kung paano niya pagkakasyahin ang dalawang libong bigay ko."
Aangal pa sana ako pero dali-dali na itong umalis.
"Uncle Grey! Uncle!" tinatawag ko ito pero hindi ako pinansin.
"Señiorita, kasya iyan. Halika. Doon tayo sa bilihan ng damit."
"I don't wear cheap clothes, Ruth."
"Señiorita, walang mall dito. No choice ka. Halika na."
Hinila na ako nito papasok ng mall. Napayakap pa ako sa braso nito.
Bago sa akin ang lugar.
Hindi ako nagpupunta ng palengke. Ito ang una.
"Why so daming tao? Safe ba rito?" bulong ko sa babaeng mukhang sanay sumiksik.
"Oo, Señiorita. Doon tayo."
Nang pumasok kami sa isang eskinita ay natanaw ko agad ang bilihan ng mga damit.
Halatang cheap. Pero no choice ako.
Nang dukutin ko sa bag ang perang bigay ni Uncle Grey ay natigilan ako.
"Bakit?" agad na tanong ni Ruth.
"My money is gone."
"Ano?" agad na sumilip si Ruth sa sling bag. "Hala ka! Nadukutan ka?"
"Ruth, wala na akong money," napapaiyak na ani ko.
Nahinto ang pag-iinarte ko ng may mga kalalakihang lumapit sa amin.
"Uy, Ruth! Ang ganda naman niyang kasama mo. Sino ang bebot na iyan?" kung tignan nila ako ay parang wala na akong saplot sa katawan kay inirapan ko sila.
"Hoy! Magtigil kayo. Layo. Pamangkin ni Sir Grey ito," nang narinig nila ang pangalan ni Uncle Grey ay pare-parehong umamo ang mukha nila.
Mukhang takot sila kay Uncle. May naisip ako.
"You!" turo ko sa lalaking may gintong kwintas at may bag. "Give me pera... 10k. Si Uncle Grey ang magbabayad."
"Ha?" ani ng lalaki sabay tingin kay Ruth.
"Pautangin n'yo na lang. Nadukutan eh."
Naglabas naman ng pera ang lalaki ay inabot sa akin.
"You make singil na lang kay Uncle Grey."
"Sige, señiorita. Ruth, sabihin mo na lang din kay boss."
Tumango naman si Ruth saka sumenyas sa mga ito na umalis na.
Nagsimula na rin kaming mamili ni Ruth. Mumurahin talaga ang mga damit.
Hindi maganda ang quality pero no choice ako. I need extra clothes kasi.
Sa unang pwesto ay worth 2k ang nabili ko. Puro pambahay. Sa ikalawang pwesto ay 5k. Ang dami na ngang dala ni Ruth. Mukhang nahihirapan na rin siya.
"Señiorita, ihatid ko muna ito sa sasakyan. Dito ka lang. Dito kita babalikan."
Umupo na muna ako sa natapatan kong monoblock chair.
"I'll wait you here."
Dali-dali naman itong tumalikod at umalis.
Ilang minuto ang lumipas.
Nang may humintong matandang babae sa harap ko ay medyo natakot ako.
I'm not sanay talaga.
Naglahad ito ng palad.
"Ineng, pahingi sana ng pangkain. Gutom na gutom na aki."
She looks kawawa. Kaya iniabot ko agad dito ang isang libo.
Nanlaki ang mata ng matanda. Hindi ba enough iyon?
"Salamat, ineng."
Kung kanina'y parang hinang-hina ang matanda... noong umalis siya ay biglang bumilis ang lakad niya. Weird.
After 2 minutes, isang batang may buhat din na bata ang huminto sa harap ko.
"Palimos po... pambili lang po ng gatas ni ading ko."
Naawa ako. Inabutan ko ng isang libo.
Umalis din agad ito. Nakalimutan pa ngang mag-thank you.
Napatingin ako sa 1k na hawak ko.
Kung may hihingi pang pulubi sa akin later... wala ng matitirang pera sa akin. Omggg! Kaya ko rin bang mamalimos?
Tumayo na talaga ako at lumakad paalis sa pwesto. Baka kasi may susunod pa.
Nang lumabas ako ay pinagsisihan ko agad iyon. Naitulak kasi ako at naisiksik na sa mga tao.
Hindi ako makaalis sa sitwasyon na iyon. Kaya nag-GO with the flow na lang ako sa mga tao. Nang nasa tapat na ng prutasan ay saka lang ako nakawala sa siksikan ng mga tao.
Tagaktak ang pawis ko. Nakaramdam na rin ako ng pagkauhaw.
"What's that?" turo ko sa isang juice na kulay pink.
"Dragon fruits juice po, madam. 80 pesos lang."
Wow! That's so mura naman.
"Pabili ako," agad kong inabot ang 1k ko rito. Tinanggap naman ng babae at saka nagsalin sa baso ng juice.
"Bayan mo," napanganga ako dahil saktong pag-abot niya ng juice sa akin ay tinanong niya ako no'n.
"Bayad na po. 1k. Saan na sukli ko?"
"Hoy! Wala ka pang bayad. Scammer ka ba?"
The heck?
"Scammer itong babaeng ito. Ayaw magbayad."
Sinubukan kong ipaliwanag na inabot ko na ang 1k pero mariing itinanggi ng babse. Wala raw.
"You're so mean! Isusumbong kita sa Uncle ko... mas mean iyon."
Nakasimangot ng ani ko rito.
"Wala kang pambayad tapos ang lakas ng loob mong bumili---"
"Binayaran na kita."
"Wala---"
"Ako na ang magbayad," gumawi ang tingin ko sa batang pulubi na ngayon ay nag-aabot na ng 100 pesos sa tindera.
Damn it. For real?
Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Where is Ruth na ba? Where's Uncle Grey?